I decided to go to the library after Seven ditched me with my cousin.
That paper bag that Ri gave me may note pala sa loob nito. Asking Seven to have lunch with him na hindi ako kasama. Nakakayamot nakakainis silang dalawa!
Nine is also busy kaya hindi niya ako mapuntahan at mayang alas dos pa next class ko. I just went to the library dahil tahimik doon at alam kong walang didistorbo saakin.
Pumunta ako sa pinakadulo kung saan iilan lang ang estudyanteng napunta doon. Kadalasan at dito natutulog si Saint kapag hindi kami magkasama. Dito siya dumiretso, kahit hindi niya sabihin ay alam ko dahil nakita ko siya dito nung naghahanap ako ng libro para sa group activity namin.
" Love..." Napatingin ako kung sana nanggaling yun and there's Saint nasa kabilang shelf siya. I felt a sting by just looking at him, Parang mas lalo akong nanghihina. He still call me that? wala na kami diba? pero bakit.
" Love, Can we talk please?" mahinang lintya niya at dahang dahang lumapit saakin. Ayoko. Ayoko siyang kausapin.
Ayoko!
Napa atras ako ng mahahawak na niya ako. He looked hurt bakit parang mas nasasaktan ka pa kesa saakin? When you're the one who's breaking me here?
You chosed her, You chosed her over me right? Pero bakit?
" Love please..." His voice broke as he pleads with his eyes. Halatang walang tulog.
" We're over. Stop calling me Love."
" No we're not."
" we are."
" I didn't agree. Hindi ako pumayag. Relationship works with two people. I didn't agree so we're not."
" Works with two pero bakit may sumasabit? We're over wether you like it or not. Tama na Saint." I'm proud at myself for not shuttering Infront of him.
I hate to admit that it fucking hurts. Nakita ko kung paano dumaan ang sakit sa mukha niya.
Bawat pagbitiw ko ng salita ay mas lalong sumasakit ang mga mata niya v nakatingin saakin. Hindi ko magalaw ang sarili ko , ni-kahit iangat ang kamay ko ay hindi ko kaya na parang pinako ako.
" Hidam, parang awa mo na Mahal. Kausapin mo ako..." If my phone didn't vibrated ay siguro bumigay na ako sakaniya.
Jorich is calling...
Napansin yun ni Saint na mas lalong nagpahina sakaniya. He swallowed hard bago mariing napapikit at tumingin saakin na parang sinasabing wag kong sagutin.
But I want to get away from him parang nasasakal kasi ako, hindi ako makahinga ng malalim so I answered the phone.
Your friend messaged me. Hindi ka pa naglunch? I'm here outside your campus. Labas ka, let's have a lunch together.
" I-I-I'm coming..." I ended the call and was about to leave but Saint grabbed my hand, shaking his head hoping that I'll changed my mind pero ayoko pa siyang makausap.
Ayoko pa .Masakit pa, sobrang sakit pa.
I shoved his hands and immediately leave , leaving him there.
" Hey." Pagpukaw ni Jorich sa attensyon ko kaya napa angat ang tingin ko. He's already leaning on his car. Two buttons down, On his specs and smiling at me.
" Lunch?" I smiled and nodded.
" Gutom na ako."
" Inasal? You're favorite."
" Alam mo pa?"
" Naman.So G?"
"G, Sir." He chuckled and patted my head before opening his car's door.
