Iniwan ko lang siya dun pagkatapos ko siyang itulak. Nagtanong pa si Seven kung may nangyari ba sa cr pero sinabi ko nalang na walang nangyari.
Not until we decided na pumunta nalang muna ng café since cancelled class kaming pareho. I sighed ng marinig ko na naman ang bulungan ng mga estudyante kada daan namin ni Seven ay may naririnig at naririnig parin ako.
' Girl! Sobrang papansin talaga ng krystal na yun grabe siya! Like pinag uusapan lang naman namin si Hidam at Saint pero grabe ha. Ahas na nga ayaw niya pang nababanggit pangalan ni Hidam eh mas better naman talaga si Hidam kesa sakaniya.'
Gusto kong matawa. What's her deal? What does krystal want bakit siya lumapit saakin and now she's texting me. Seven saw that too kaya sinabi nalang niya na iignore ko and I did.
We went to café and ordered matcha pero sa kasamaang palad ay wala yung wallet ko. Naiwan ko ba sa bahay? Even Seven is confused wala din ang wallet niya. Nagtinginan kaming pareho bago mahinang natawa nalang.
"Hindi ko nadala yung bag ko na lagi kong nilalagay wallet ko"
Nakakahiya naman sa cashier.
" I'll pay for them." Pareho kaming napatingin ni Seven sa lalaking nagbayad sa cashier. Napakurapkurap ako bago ko marealize na si Heath pala yun.
" H-heath?" Ng makuha niya ang barya niya ay saka siyang tumingin saamin ni Seven. He smiled and walk towards us while holding his take out coffee.
" Sorry, I didn't ask you beforehand. You both looked troubled that's why i didn't asked first." He gently said. I smiled and looked at Seven na nakangisi saakin. Inirapan ko siya bago humarap kay Heath.
" Thank You ,Heath. Bayaran ka nalang namin and Sorry pala I forgot my wallet same kay Seven. Hindi na namin nacheck dahil na din sa atat kaming pumunta dito. Pasensya na. Can i have your gcash number if meron?" Umiling siya habang casual na nakatingin saamin ni Seven.
" It's okay. My treat."
" H-hah? Nakakahiya naman.. please bayaran ko nalang..." Mahina na siyang natawa at ginulo ang buhok ko. Magrereklamo na sana ako ng napailing nalang ulit siya.
" then, Treat me too but next time." The last thing he said before leaving us there. Mahinang napahagikgik si Seven sa tabi ko bago niya ako inasar. Bwisit to.
Inirapan ko siya habang naglalakad kami palabas ng café. Walang ibang ginawa si Seven kundi ang asarin ako kay Heath. Nakakainis siya ah.
" I told you. Mabait lang talaga yun."
" Wehhh! Huyy Iba kaya siya tumingin. Gusto ka ata eh! Yieeee."
" Tangina mo tigilan moko."
" Gusto ka nga kasi!"
" Hindi nga! Sadyang mabait lang siya! Nababaliw ka na ba? Si Ri kulitin mo wag ako nayayamot na ako sayo!" Malakas na tumawa si Seven bago niya ako mahinang itulak na agad din akong nakabangga ng kung sino man ang galing sa gilid ko.
" Hala sorry— Jo-Jorich.." Nakahawak na siya sa balikat ko.
" you okay?" Nanlaki ang mga mata ko bago ako humiwalay sakaniya. I earned a frustrating groan from Seven. I guess he still hates Jorich.
" Oo naman. A-Anong ginagawa mo dito?" I asked. He just smiled and fix his specs bago ipakita ang folder na hawak niya.
" Seminars with your Uni's Deans." Tumango ako bilang pagsagot sakaniya.
" Free time? What time is your last class? Sabay na tayo. May pag uusapan din kami ni Hio." Sinabi ko nalang sakaniya ang end ng class ko today at sakto lang din daw dahil hanggang 5 lang din ang meeting nila.
