Manila Boy

3 0 0
                                    

September 3, 2023

It's been 22 days simula noong lumipat ako sa Manila. Sa loobg ng 22 days na 'yon, ilang beses pa lang akong lumabas para gumala at gumimik, nagtitipid kasi ako. Pero matatawag na ba akong city boy ngayon? From probinsyano to Manila boy na ba ang tawag sa akin o masyado pang maaga para sabihin?

Hindi ko alam ang sagot basta ang sigurado ako ay 5 days from now ay uuwi muna ako sa Ilocos dahil may kailangan akong kunin at miss ko na ang simoy ng probinsya. Joke lang, kailangan ko lang talagang umuwi para makatidip.

Bakit? Kasi 'yung sasahurin para sa cut off na ito ay mapupunta lang sa mga bayarin at utang. Kung papaano nangyari 'yon, sabihin na lang natin na hindi pa ako marunong mag-budget at hindi pa nag-sink in sa utak ko ang cost of living dito sa Maynila. Siguro nga, masyado pang maaga para tawagin ko ang sarili ko na Manila boy. Hindi pa 'ko marunong mag-commute eh.

Ganoon pa man, heto ako't wala pang tulog, patuloy sa pagtatrabaho para makabawi sa susunod na cutoff. Nga pala, naka-budget na ang next 5 days ko. 250 pesos a day, kakayanin naman siguro. Hindi na muna kami bati ng sikmura ko na laging gutom sa kalagitnaan ng madaling araw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TalaarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon