Deadline versus Procrastination

4 0 0
                                    

August 29, 2023

Late akong natulog ngayon at kapag sinabi kong late, umaga na. Around 6 AM ko naisipang matulog. Nagpuyat ako para makatapos ng isang script pero dahil sa Facebook, Tiktok at Mobile Legends, hindi ko natapos ang script na supposedly ay naipasa ko na dapat kahapon pa.

Pagkagising ko ng tanghali, bumungad sa 'kin ang convo ng katrabaho ko at ng boss ko kung saan bukas na pala ang deadline ng scripts. May tatlo pa ako na dapat simulan, hindi pa kasama itong script na dinelay ko dahil sa procrastination.

Usually, dalawang araw ang ginugugol ko sa isang script kapag hawak ko ang oras ko. Isang lingo naman kapag tinatamad. Pero kapag malapit na ang deadline ay kinakaya ko ito ng kalahating araw lang. Ngayon, kailangan kong i-magic itong tatlo at isa't kahalating script para maihabol ko siya sa cut-off bukas ng saktong 11 o'clock ng umaga. Kung hindi ay masho-short ako sa sahod ko dahil marami pa 'kong loans at bills na kailangang bayaran.

Maliban sa scripts, pino-problema ko pa ngayon kung totoo ba 'yung kumakalat na balitang patay na si Mike Enriquez. Uso ang fake news ngayon pero feeling ko ay totoo na ito this time. Wala pang updates pero later today ay paniguradong mako-confirm na ito kung totoo ba or hoax na naman ang trending na news. (Update: confirmed nga na wala na ang imbestigador ng bayan.)

So ngayon, papaano ko ima-magic itong problema ko gayong hindi naman ako magician? Siguro, bahala na si Batman. Tatambay na lang muna ako sa Twitter para magbasa ng pakikiramay kay Mike Enriquez.

TalaarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon