PROLOGUE

2 0 0
                                    

Have you ever imagined that a girl who was always dependent on others would finally become independent this time? Being independent is easier said than done, especially in this world where money revolves around.

The breeze that flashed through my face felt like freedom. The way the wind blew across the green field of rice crops made me jump with joy and enthusiasm.

Parang bang sa habang panahon na naninirahan ako sa mundo, ngayon pa lang ako nakararamdam ng ganitong kaginhawaan.

Perhaps it was the realization that those things, which once hindered me from moving around every day, have vanished and been left behind.

Kung gusto niyong malaman kung ano ba talaga ang naging buhay ko, saka na. Ngayon, damhin ko muna ang kaginhawaang natatamasa ko sa kasalukuyan.

I immediately got ready to get off the bus I was riding in when I saw a post of electricity and light nearby where two women were standing: a teenage girl with straight mid-length hair wearing a grey tee shirt and black sweat shorts; and a woman, perhaps in her 30s, with bob cut hair wearing a white plain blouse and maroon flowy long skirt.

"Para po, Manong." hinhin na sigaw ko.

The bus slowly stopped, and I got up from my seat to check my belongings. I have my two backpacks and one Sako bag with me. The conductor helped me bring my bags outside of the bus and put them where the two women waited for me.

When all of my things were being brought outside already, I got my wallet to pay for the fare.

"Thank you, Kuya," I said after giving the money. He smiled and got back inside the bus, then the bus started its engine and rode away.

I turned at the two ladies who were Aling Nanny, and maybe this girl with her is her daughter.

"Mano po pala."

Aling Nanny raised her hand to allow me to bless her by placing my forehead on the back of her palm.

"Kumusta naman ang byahe?" tanong niya.

"Ayos naman po. Nakakapagod ngunit nakakaginhawa rin," sagot ko.

"O'siya. May inihanda akong pagkain sa bahay, ipapahatid ko na lang kay Inez sa bahay mo para makapagpahinga ka muna. I-to-tour kita bukas dito sa lugar at kung saan ka magtatrabaho.

Ay, Gadong, pakibuhat naman nitong mga bagahe ni Inday Syn," mahabang wika ni Aling Nanny. Tumingin ako kay Inez, ang babaeng kasama ni Aling Nanny, at ngumiti. Ngumiti naman siya pabalik sa akin.

Dumating si Manong Gadong mula sa isang malaking sementong bahay na may puting pintura. Nagmano naman ako sa kaniya.

"Maligayang pagdating sa aming lugar Inday," nasisiyahan niyang sabi.

"Salamat po Manong Gadong," wika ko naman.

Si Manong Gadong ay asawa ni Aling Nanny. Kung nagtataka kayo kung saan ko sila nakilala, ikukwento ko 'yan mamaya.

Dala ni Manong Gadong ang isang sako bag ko, bitbit ko naman ang isang backpack habang bitbit ni Inez ang isa pang bag ko. Nakasunod kami sa kaniya papunta sa katabing bahay ng malaking sementong bahay na may puting pintura.

Isang maliit ngunit napakatiwasay na kapaligiran ang bumungad sa amin. May dalawang palapag na bahay, kalahating kahoy at kalahating semento, eto siguro ang tahanang titirhan ko. Napapalibutan ng bermuda grass ang kapaligiran bilang bakuran, may mga shrub na pumagitna sa magkabilaang bakuran ng malaki at nitong maliit na bahay. At, pinalilibutan ang dalawa ng mga wood fence.

Pumasok kami sa isang maliit na porch ng tahanan. May tig-iisang poste sa apat na sulok at mga kahoy na nakakonekta sa bawat poste bilang mga counter. May dalawang mataas na mga upuang magkaharap at isang maliit na lamesang kahoy sa gilid ng isang upuan.

Matapos buksan ni Manong Gadong ang pinto, ibinigay na niya sa akin ang susi nito.

Pagkapasok mo ay makikita ang sementong apakan at sala ang unang bubungad sa iyo. May isang mahabang upuang kahoy kaharap ng isang maliit na sala set na gawa rin sa kahoy, nakakabit o nakasandal sa sementong pader at may isang maliit na flatscreen TV na nakalagay. Sa gilid ng sala set kung saan malapit sa pintuan ay hagdanan pataas. Sa kabilang gilid ng naman nito ay daanan papuntang kusina at isang pintuan sa kabila. Sa kusina ay may maliit na lababo na gawa sa semento at maliit na bintana para makapagmuni-muni habang naghuhugas, isang gas range at refrigerator sa kabilang sulok, cabinet at counter naman malapit sa pader ng sinandalan ng sala set, at maliit na upuan at lamesang kahoy sa isa pang sulok.

"Dito ang CR, tapos sa taas naman ang kwarto mo," sabi ni Aling Nanny habang nakaturo sa pinto na malapit sa daanan papuntang kusina.

"Sigurado po ba kayong 1K lang ang rent ko rito?" tanong ko sa kaniya.

"Oo," nakangiti niyang sagot.

"Eh ang ganda-ganda at laki-laki netong bahay po," sabi ko naman na may halong pagtataka.

"Wala kasi tayo sa syudad at iilan lang gustong mamuhay rito sa panahon ngayon. Huwag kang mag-alala, hindi 'to haunted," natatawa niyang wika. Natawa rin ako sa kaniyang sinabi.

"Tawagin mo lang ako kung gusto mo ng kasama," pagsasalita ni Inez. Napangiti naman ako at tumango.

"Inday, nailagay ko na lahat ng bagahe mo sa kwarto," singit ni Manong Gadong na pababa na ng hagdan.

"Salamat ho," nakangiti kong litanya.

"S'ya, iwan ka na muna namin dito para makapahinga ka na. Tawagin mo lang kami rito sa kabila kung may kailangan ka ha?" sabi ni Aling Nanny.

"Opo, salamat." napapangiting sagot ko.

Nang umalis na sila'y ini-lock ko na ang pinto at umakyat sa taas. Malaki-laki ang kwarto. Isang double-sized bed na may puting bed-sheet malapit sa lamesang kahoy na pwedeng gawing study table at double glass window kung saan makikita ang kapatagang tinaniman ng mga palay. Sa isang sulok naman na kaharap ng kama ay isang malaking cabinet. May limang malaking pintuan o storage ito at tig-lilimang maliliit sa top at bottom.

Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone at sim card na nasa bag ko.

I changed my SIM card before I turned it on and put my previous SIM card inside my bag.

"Hayy!" I heaved a deep sigh as I lay down on the bed.

"This is the place I've been dreaming of," I whispered.

I stared at the ceiling when my mind suddenly had a flashback. My chest felt so tight that I couldn't even breathe properly or even get out of breath. It felt like I forgot how to breathe for a moment and was barely catching some air.

CHAOSYNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon