CHAOSYN'S POV
"Alam niyo pong gumawa ng gan'yan?"
Napatigil ako sandali sa aking ginagawa para lingunin si Inez na hindi ko naramdamang dumating.
Ngumiti muna ako bago sagutin ang kaniyang tanong sa aking ginawang bracelet mula sa mga bulaklak na Santan.
"Hmm," sagot ko at bumalik ang atensyon sa aking ginagawa.
Naramdaman ko namang umupo siya sa aking tabi.
Katahimikan ang namagitan sa amin pagkatapos ng sandaling pag-uusap na iyon.
Sumali siya sa aking ginagawa.
"Permanente ka bang titira rito?" Pagbasag niya sa katahimikan. Napatigil ako sa kaniyang tanong.
"Hindi ko alam pero I'm sure titira ako rito for a long time," sagot ko.
"Kung dumating man ang araw na uuwi ka na, pwede bang bumalik ka rin dito minsan?" Napakunot ako ng noo sa kaniyang mga tanong kaya nilingon ko na siya.
"Kaibigan na ang turing ko sa'yo kahit saka pa lang tayo nagkakilala. I trust my guts. I'm comfy with you. Don't just stop here like a waiting shed. Ang sakit kaya habang manonood ng sasakyang umaandar papalayo," pagpapatuloy niya habang nakatingin sa kawalan.
"Parang may pinaghuhugutan ka ah," sabi ko na may halong biro kasi parang bumigat ang paligid.
Tumawa lang siya at binalot na naman kami ng katahimikan.
"Tara na pala sa bahay. Gumawa si mama ng macaroni salad," wika ng aking katabi at tumayo.
Mas mabilis pa kay Flash akong lumingon sa kaniya. Nanlaki ang aking mata at ngumiti.
"Talaga?" tanong ko na natutuwa. Tumango naman siya. Dali-dali akong tumayo at nagpagpag ng kamay.
Biglang nanumbalik sa akin ang ala-ala tuwing birthday ko.
"Oi, salad," I said in an amusing tone. I saw my mother opening a big can of sliced fruit mix.
Lumapit ako sa kaniya sa lamesa at umupo sa silya.
I was quietly watching my mother prepare to make macaroni salad, my favorite since I was a kid. This is my most-awaited food on every birthday. I have no special reason why I love this food so much; I guess it's just my preference for taste.
"Magandang hapon po," bungad ko at nagmano kina Aling Nanny at Manong Gadong na kasalukuyang nasa kanilang kusina at nagluluto ng hindi ko alam.
"Mabuti't nandito ka na Inday. Sakto, malamig na malamig na 'yong salad," sabi ni Manong Gadong na malapit sa abuhan at nakahawak ng luwag.
"Maupo ka muna d'yan at tatapusin muna naming lutuin itong adobong manok. Kain ka muna ng salad," wika naman ni Aling Nanny. Umupo naman ako sa silya malapit sa may kabinet.
"Inez, kunin mo 'yong tupperware na may salad," utos niya sa kaniyang anak. Pumunta si Inez sa kanilang ref na katabi lang ng kabinet.
"Magluluto muna kami Inday ha," Aling Nanny said in a very gentle tone. Nahihiya naman akong ngumiti at tumango.
"Syn, kain ka muna." sabi ni Inez at inilagay ang tupperware na may lamang salad sa aking harapan.
"Siya nga pala Inday. Anong paborito mong ulam? Magluluto ako bukas para sa ating hapunan. Ipapasyal ka namin bukas sa ating lugar at bibili na rin tayo ng uulamin para sa hapunan." mahabang wika ni Aling Nanny.
"Huwag kang mahiya," pagpapatuloy pa niya.
"F-Fried chicken po," sagot kong nauutal.
"Iyan lang ba?" tanong niya ulit.
"Opo," sang-ayon kong sagot.
"Sige-sige. Iyan naman ang uulamin natin bukas. Kain ka muna d'yan."
"Opo."
Pagkatapos ng usapan namin ni Aling Nanny ay si Inez naman ang nagtanong sa akin.
"Paborito mo 'yang salad noh?" tanong ni Inez.
"Ahh oo," maikling sagot ko.
"Kitang-kita ko sa mga mata mo kanina eh nung binanggit kong may salad hehe," aniya. Natawa naman ako sa kaniyang sinabi.
"Masarap kasi talaga siya," sabi ko.
"Totoo. Ano pang mga gusto mong pagkain?" tanong niya ulit.
"Hindi naman ako gaanong mapili sa pagkain. Ang ayaw ko lang ay 'yong carrots," sabi ko. Napatango-tango naman siya.
"Ay, alam mo ba, maraming mapapasyalan dito 'tsaka malapit lang. May beach, falls, at mga sapa ganun. Isasama ka namin ng kaibigan ko this weekend sa may perya. Malapit na kasi pyesta rito kaya maraming mapapasyalan," mahabang kwento ni Inez. Na-excite naman ako sa kaniyang sinabi.
"Talaga?" nangingiting tanong ko.
"Hmm-hmm," sagot naman niya habang kumakain ng salad.
KRISHA'S POV
Nandito na ako sa loob ng aking room sa hotel ng resort at nakatayo sa balcony habang nagmamasid sa dalampasigang natatanaw na nasa malapit lamang. Papalubog na ang araw. Kinuhanan ko ito ng litrato at bidyo gamit ang aking phone. Hindi talaga nakakasawang pagmasdan ang mga naturang gawa ng kalikasa't sanlibutan.
I was busy making a reviewer when I heard a notification from my phone. I immediately grabbed it from the other side of my study table.
"Shay, tingnan mo ang langit. Angganda," she chatted me.
Tumingin naman ako sa bintanang nasa aking harapan.
The clear skies made me feel calm, and I unconsciously heaved a deep sigh. I felt like all my stress was released with that sigh I made.
"Oo nga!" I chatted back.
"Akyat na kaya tayo?" she replied. It made me giggle.
Ayan na naman siya sa dark humor niya.
"Tara. Ka-stress mag-aral eh," I typed and sent it to her.
We vibed on many things, including the dark humor.
"Shay, I wanted to make a beautiful sunset one day, but I still want to witness many beautiful sunsets."
The tone when I read her message was obviously serious and deep.
"Let's witness beautiful sunsets together, okay?" I told her.
"Anong gawa mo?" she diverted the topic.
"Nagri-review," I replied.
"Ikaw ba?" I added.
"Okay ka lang ba?" tanong ko nang hindi pa siya nag-reply.
"Tumatae ako, Shay. Mag-review ka na muna d'yan. Mag-wash na muna ako ng butt ko. Goodluck and payting, mwa!"
Napatawa na lang ako sa reply niya. Wala talagang filter.
Napabalik ako sa aking reyalidad nang biglang mag-ring ang phone ko. Tiningnan ko ito at bigla na lamang kumalabog ang aking puso. Nanginginig kong pinindot ang green button sa screen.
"Shay."
Tumulo ang luha ko nang marinig ang boses na iyon. Ang boses na hinahanap ko. Ang boses na pinakahihintay ko. Ang boses na akala ko'y matagal ko pang marinig o... hinding-hindi na maririnig pa.
Hindi ko man nakilala nung una ang numero ngunit naramdaman ko naman ang presensiya niya.
BINABASA MO ANG
CHAOSYN
Teen FictionWhat if the day comes when you have a place that you already consider to be home? However, leaving everything from how your life was intended to be lived comes at a price. Everything and everyone from your reality -- including your ideas, goals, pla...