Chapter 9

232 6 2
                                    


Chapter 9

Katulad nga ng napagkasundaan namin ni Chen ay hinintay nya nga akong matapos kame ni Jah sa school works na tinatapos namin.

Katakot takot na tukso na naman ang nakuha ko mula sa kaibigan ng makita nito na naghihintay si Chen sa kabilang mesa sa library.

"So ano ng status nyo?" Si Jah na lumapit pa sa akin at bumulong para chumika sa kung ano na ang meron sa amin ni Chen.

"Anong status pinagsasabi mo dyan" nakakunot noo na sabi ko dito sabay hampas sa dito ng bond paper na nirolyo ko.

Imbes na sagutin ang tinatanong ko ay nginuso nito ang direksyon ni Chen na ngayon ay abalang nagbabasa ng libro habang naghihintay.

"Anong nginunguso nguso mo dyan" naaasar na sabi ko dito ng pabulong, iniiwasang may makasagabal sa paguusap namin ng kaibigan.

Kahit mag ga gabi na kase ay marami pa rin ang estudyante na naiwan dito sa library para tapusin ang kani kaniyang school projects na naka deadline by the end of this week lalo na at ang ibang professor ay nagtambak na ng mga gawain sa mga estudyante nila dahil sa nalalapit na foundation day lalo na at ilang araw na magiging irregular ang pasok kaya naman kinukuha na nila ang pagkakataon para tambakan ng mga gawain ang mga estudyante nila.

"Wag mong sabihin na wala lang yan aba beshy hatid sundo ka sa pagpasok, tapos ngayon hinihintay ka na anong sunod dyan? Lalabas kayo para manood ng sine?"

Sa sinabi ni Jah ay bigla akong napakamot ulo kase ganun nga ang mangyayari bukas.

Mukhang nakita ni Jah ang pagbabago sa ekspresyon ko kaya naman ay mukhang nakuha na nito ang nagaganap sa amin ni Chen.

"Oh my gosh!" gulat na gulat na sabi ni Jah at napalakas pa nga ang boses kaya lahat ng tao malapit sa amin ay napatingin sa direksyon namin.

Tinignan din kame ng masama ng matandang librarian at itinaas pa sa direksyon naming ang quiet sign nito.

"Shuta ka Jah! Nakakahiya ka!" sabi ko sabay tago ng mukha ko dahil pinagtitinginan talaga kame ngayon ng mga tao dahil sa lakas ng boses ni Jah, nasulyapan ko pa si Chen na nagtataka rin na nakatingin sa direksyon naming dahil sa ingay na ginawa ni Jah.

Kalaunan ay bumalik din ang atensyon nito sa binabasang libro ng nakita ng huli na wala namang masamang nangyayari sa aming dalawa.

"Bwisit ka" mahina at nangigigil na sabi ko sa kaharap

"hehehe sorry na" paghingi nito ng paumanhin.

"So, may date kayo ni President bukas?" pag uusisa nito sa akin

Sinimangutan ko ito

"Date agad? Nagpapasama lang sya sa akin na manood ng HEB." Pagbabaliwala ko sa kilig na nararamdaman ngayon ni Jah

"Sana all, gusto ko rin panoorin yan kaso walang time si Jasper na samahan ako." Disappointed na pag kwe kwento nito sa akin.

"Lagi namang walang time yang si Jasper eh, bilib nga ako sayo pinag tya tyagaan mo kahit wala naman kayong label." Diretsong sabi ko dito, bahala ito kung masamain nya ang concern ko sa malabong relasyon nil ani Jasper.

"Alam mo Vee napaka mapanakit mo." Naka ngusong sabi nito halatang pumapasok din sa isip nito ang magulong set up nila ni Jasper.

"anyway, heto..." nilapag ko dito ang isa sa ticket na binigay ni Juan Paolo kanina.

Bumilog naman ang mga mata ng kaibigan pagkakita dito.

"Halaaa saan ka naman nakakuha ng ticket para sa game ng Wolves bukas?" nagtatakang tanong nito sa akin

The President And I.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon