Chapter 7
Alam nyo yung feeling na para kang sinampal ng katotohanan na pilit mong binabasura sa likod ng utak mo? Ganito ang feeling ko ngayon.
Bakit sa dinami dami ng pwedeng magustuhan ko si Chen pa? Maayos naman yung paningin ko, 20/20 normal.
Nababaliw na ata ako? Tama! Baliw na ata ako
Yun lang yung nakikita kong dahilan kung bakit simula ng inamin ko yung nararamdaman ko para sa demonyong yun ay nakakakita na ako ng sparkle kapag nasa harap ko si Chen.
"Friend, para kang criminal na nagtatago sa ginagawa mo" sabi ng kaibigan kong si Justin habang nakapalumbabang nakatingin sa akin
"pinagsasabi mo dyan" maang-maangan na sabi ko dito kasabay ng pag irap
"Ay attitude si accla"
Kasalukuyan kaming nasa library at tinatapos ang mga projects namin sa mga minor subject na feeling major.
Tinatapos na talaga naming ni Justin ang lahat para naman pagdating ng sem break ay hindi kame nangangarag at hayahay na lang kaming gumala. Lalo na at napag kasunduan naming pumunta ng Baguio at Sagada.
"Uy si President Chen" sabe nito at kumaway pa sa sinabi ni Justin ay agad-agad akong nagligpit ng gamit para makaalis pero ang walanghiya kong kaibigan ay tumawa lang ng mahina
"Shuta ka Justin" sabi ko dito sabay hambas dito ng librong hawak
"Ouchhh mapanakit ah" sapo-sapo nito ngayon ang brasong tinamaan ko
"Bwiset ka!" padabog akong umupo at tinuloy ang ginagawang report
"Sorry na ito naman, so si President Chen nga ang iniiwasan mo? Bakit?" may pagtatakang tanong ni Justin sa akin
"Bakit mo mukha mo! Tapos mo na ba yung part mo at nagagawa mo ng makipagchismisan?" masungit na sabi ko dito
"Ito naman parang may dalaw kung magsungit nagtatanong lang naman yung tao ang init agad ng ulo mo, ito oh check mo kung tama" iniabot nito sa akin ang parte nito sa report na kapwa naming tinatapos
"Hindi ko sya iniiwasan, ayoko lang syang makita" sagot ko sa tanong ni Jah para tigilan na rin nya pag uusisa sa akin
"Luh pareho lang yun eh"
"Magkaiba yun, ipilit mo pa yang gusto mo tatangalin ko yung pangalan mo sa report pag pinasana" pagbabanta ko dito
"Hoy Vee, subukan mo lang at sasabihin ko kay President Chen na crush mo sya" balik na pagbabanta nito sa akin
"Napakahayop Justin" nasabi ko na lang sabay irap dito
Natapos ang araw na hindi ako tinatantanan ni Jah sa pang aasar.
Wrong move talaga na sinabi ko dito yung realization ko nung isang linggo. may pa lumalayag na daw ang ship nya kuno tong si Jah, kung sya kaya ang ilayag ko.
Buti na lang talaga at maagang nagpalabas yung professor namin para sa huling subject kaya nakaiwas ako kay Chen.
Sakto talaga na nakalabas at nakababa na ako ng building ng makita ko syang paakyat sa room namin sa 4th floor. Utang na loob!
Diyos ko naman mula nung nagkasakit ako ay halos araw-araw na akong hinahatid sundo ng huli tapos hindi na rin ako ginugulo, minsanan na lang din mag utos at kung mag utos man alam mong emergency.
Like seriously Sir ano pong meron?
Kaya heto ako ngayon palinga linga, tinitignan kung lumabas na ba ang kotse ni Chen sa school ground.
BINABASA MO ANG
The President And I.
RomanceVee (S) is the Secretary by force ni Chen (K) the School President, Popular, MVP, Smart pero para kay Vee si Chen ay Anak ni Lucifer na walang ginawa sa buhay kundi pahirapan sya. Isang tinik sa lalamunan nya. #VeeChen The President and I #KenTell #...