Chapter 5

160 6 0
                                    


The President and I

Chapter 5

True to Chen's word, sinundo nga nya ako sa bahay nila Jah.

And totoo rin na ininvite silang magkapatid ni Mama na sumalo sa hapunan namin.

Hinde pa rin kase nakakauwi ang mga magulang nila mula sa probinsya.

Buong hapunan silang tatlo lang ang nag uusap, kung tanungin man ako ni Mama ay tipid lang ang sagot ko.

Ewan ko ba, pagod na pagod ang katawang lupa ko samantalang hinde naman ako inalipin ngayon ni Chen.

Dumagdag pa lalo na nakikita ko na yung mga ginagawa nya sa School as the President ng SCG in a different light.

Akala ko kase puro pagpapahirap at pang iinis lang inaatupag nya. Legit pala ang public service na ganap nya. Kaya nakokonsensya din ako sa mga pinagsasabi ko noon dito.

Natapos ang dinner ay nagpaalam na akong aakyat sa kwarto ko para makapaglinis ng katawan at makatulog na rin.

Nagmamakaawa na rin kase ang mata ko na pumikit at umidlip.

Naiwan sa baba sila Mama, Juan Paolo at si Chen kung ano man ang pinag usapan nila ay hinde ko na alam.

Kinabukasan mabigat pa rin ang pakiramdam ko, hindi rin ako makabangon at nilalamig din ako, naramdaman ko na lang ang pagpasok ni Mama dala ang mainit na tasa ng sopas.

"Wag ka munang pumasok, tumawag na ako kay Justin at pinasuyuan ko ng sabihin sa mga prof mo na may sakit ka" si Mama habang nilalapag sa bedside table ko ang nilutong sopas, baso ng tubig at gamot ko.

"-pinapagod mo na naman ba ang sarili mo? Alam mo naman na hinde ka pwedeng magpagod at mahina ang puso" panenermon ni Mama sa akin

"Hinde naman po ako nagpagod Ma." Pagdepensa ko sa sarili

"Anong hinde eh anong oras ka ng nakauwe kagabi"

"Tinapos lang po namin ni Jah yung project naming, hinde po kase magbibigay ng extension yung prof namin." Sabe ko habang maingat na bumabangon para makaupo at isandal ang likod sa headboard ng kama ko.

"Dumaan ako kanina dito at hinde ako makatulog, at heto nga inaapoy ka ng lagnat kanina mabuti nga ngayon ay medyo hinde ka na mainit."

Ramdam ko ang labis na pag aalala ni Mama sa kalagayan ko

"Ma.... Ayos lang po ako" sabi ko dito habang marahan napinipisil ang kamay nito

"Ewan ko Vee, sa dami naman ng ipapamana ng magaling mong ama ito pang sakit mo na to" mangiyak ngiyak na sabi ni Mama

"Ma... alam mong walang kasalanan si Papa dito. Hinde ko na po aabusuhin yung katawan ko"

"Dapat lang Vee at grabe ang pag aalala namin ng Daddy mo sayo kagabi" naiinis pa rin na turan ni Mama sa akin

"Lalo na ang Daddy mo, alam mo naman ang pinagdaanan nya sa Tita Glacier mo." Ang tinutukoy ni Mama ay ang nakakabatang kapatid ni Daddy na maagang nawala dahil sa sudden cardiac arrest.

"Dumaan nga pala si Chen dito at sabay daw kayong papasok, sinabi ko na may sakit ka at hinde makakapasok. Grabe nga ang pag aalala ng bata na iyon, gusto ka pang panikin dito pero anong oras na rin iyon at hinde ko na pinayagan at may klase pa si Chen" pagkwe kwento ni Mama habang pinapalamig ang sopas

"Maaaa, ok na po. Kaya ko naman pong kumain mag isa"

"Ito naman, gusto lang kitang I baby" kunwari pang nagtatampong sabi nito

The President And I.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon