Prologue

13 1 0
                                    

Prologue

"Welcome to the Philippines. Mabuhay!" Napangiti ako ng marinig ang masiglang tinig ng stewardess na binabati ang mga pasahero ng eroplano.

Kasabayan ko ang iilang mga foreigner na ngayon lang ata nakatapak ng Pilipinas. Tumango ako sa kanya at agad na kinuha ang maleta ko para bumaba na mula sa eroplano.

I sighed when my feet touched the ground. It's been 6 years and now I'm back. Iba talaga ang simoy ng hangin ng Pilipinas kesa sa ibang bansa. At saka, kahit October na ay sobrang init pa din. Kung Canada sa ganitong panahon ay nanginginig na ako sa lamig. Sa Pilipinas naman ay parang gusto ko nalang lumublob sa tubig dahil sa sobrang init.

"Almirra!" Napatingin ako ng may sumigaw sa pangalan ko at doon ko nakita si Marky na nakangiti ng malaki sa akin habang may hawak-hawak na sign board na may pangalan ko.

Agad akong naglakad papunta sa kanya dala-dala ang mga bagahe ko. Kumakaway naman ito sa akin.

"Ang ganda naman ng attorney na yan. Pakiss nga!" Sigaw nito sa akin. Umirap lang ako dahil hindi angkop ang tinis ng boses niya sa pananamit niya ngayon.

"Welcome to the Philippines, attorney. Sana magtagal ka dito." Tumawa pa siya habang sinasabi iyon.

"Stop calling me attorney, para ka namang bago." Nakangiwi kong sabi sa kanya.

"Aba, dapat lang na tawagin kitang ganoon dahil pinaghirapan mo iyan. Anyways, alam ba ng mga kadugo mo na umuwi ka? Alam ba ng impakta mong kambal?" Tumango ako sa sinabi nito.

"Si dad nga ang nagpauwi sa akin." Maikling sagot ko sa kanya. Ngumiwe naman ito sa akin at agad kinuha ang dala kong bagahe.

"Bakit ba sumusunod ka pa din sa kanila. Parang hindi mo nakalimutan ang ginawa nila sa'yo 6 years ago ha. Hindi ka man lang itinuring na pamilya. Why don't you cut your connections with them?" Natahimik ako sa sinabi nito.

"Alam ko naman na malaki ang utang na loob mo sa kanya but heck, Almirra. Responsibilidad niya iyon dahil anak ka niya. Parang si Allira lang ang anak niya kung makaasta siya." Patuloy pa nito.

"Ayaw ko nalang makigulo, Marky. Alam mo naman."

"No Almirra, patas lang kayo ni Allira dahil magkapatid talaga kayong buo but nalayo ka lang sa kanya. But that doesn't change the fact that you are full blooded sisters. Di ko lang talaga gets kung bakit ikaw lang ang sinasabi na illegitimate daughter eh si Allira din naman." Hindi nalang ako sumagot sa sinabi nito at agad nalang na pumasok sa sasakyan nito.

"So bakit ka nga pala umuwi? Akala ko ay doon ka na talaga sa Canada." Tanong nito habang nagmamaneho.

"I'm just here for the campaign period, Marky. Babalik din akong Canada. Sinabi lang ni dad na kailangan niya daw ang tulong ko sa kampanya. And who am I to decline his request?" Sagot ko sa kanya habang nilalagay ang local sim card sa phone ko.

Umingos naman si Marky habang nagmamaneho papunta sa condo niya.

"Mahilig yata sa puppet show iyang mga kadugo mo dahil ginagawa ka pa din na puppet. Ayaw ba nilang tantanan ka. Mygod, can't they just live on their own. Atsaka patutulungin ka sa kampanya niya? Bakit ano bang ginagawa ng bruhilda niyang anak na walang ibang ginawa kundi magliwaliw sa buong mundo dahil sa pagmomodelo "kono" eh hindi naman sikat." Umirap pa siya habang sinasabi iyon.

"Alam mo naiinis na ako d'yan sa mga kadugo mo. Ang kakapal ng mga mukha. Parang walang ginawang masama sa'yo para sabihin na papauwiin ka dahil kailangan ng tulong mo. Ang kapal lang ng mga mukha. Magkasing kapal ng make up ng kambal mo sa billboard na iyan." Turo niya sa billboard ni Allira na nadaanan namin sa EDSA.

Nightmare in Dawn (Isla de Amore Series 4)Where stories live. Discover now