6

886 29 1
                                    



Roni's Pov

Nasa canteen kami ngayon ni Jelai at nagrerecess. Grabe ang first day of school.. walang kasawaang introduce yourself.

"Jelai kilala monaba yung bagong kaibigan nila Kuya? Basta diko alam kung bago ba, transferee yun dito." chika ko kay Jelai.

"Sino?"

"Si Borj. Borj ang pangalan niya." sabi ko.

"Hindi eh. Pero nakwento din sakin ni Junjun na may transferee nga daw silang kaklase." ani Jelai.

"Yun na nga yun. Ampogi niya! Kaso mukhang babaero." sabi ko.

"Talaga? Hindi kopa nakikita," aniya.

"Nako pag nakita mo!" sabi ko habang nakain ng burger.

Borj's Pov

Ngayon kolang nalaman na may kapatid pala si Yuan. Paano ba naman kasi.. sa tuwing pupunta ako sakanila eh hindi ko naman nakikita si Roni.

Ang ganda ng kapatid niya. Na love at first sight ata ako ah.

"Pre, si Borj ngapala." pagpapakilala sa'kin ni Yuan sa kaibigan niya pang isa.

Nakipagkamay naman ako. "Junjun," aniya.

"Ayos ayos," boses ko.

"Kaibigan ko 'to si Junjun, este hindi lang kaibigan, kababata kodin." wika ni Yuan.

Tumango naman ako.

"Ah kailan pa kayo lumipat sa subdivision?" tanong ni Junjun.

"Last month lang." sagot ko.

"Ahhh," aniya. First impression ko sa lalaking to, mabait na babaero eh.

"Uy, Tonsy! Asan sila Roni?" tanong ni Yuan sa dumaang lalaki na nasa harapan na namin ngayon.

"Ah nasa canteen sila ni Jelai, nakain." sagot nung Tonsy. Maangas akong nakatingin sakaniya at tiningnan niya 'ko pabalik. He smiled.

"Ah Tonsy, Si Borj, kaibigan ko." wika ni Yuan.

Nakipagkamay sa'kin si Tonsy at agad ko naman tinanggap.

"Nice to meet you," aniya.

"Same to you." sabi ko.

"Nice! Magandang samahan ito!" masayang sabi ni Yuan.

Ang advice sa'kin ni Lola, Makipag kaibigan ako sa mga styudante dito para ma enjoy ko ang natitira kong highschool life dahil ito na ang last , dahil next year ay college na ako.

Hayskul LuvWhere stories live. Discover now