40

652 31 2
                                    



Roni's Pov

Nakain kami ngayong apat dito sa canteen nila Borj, Junjun at Jelai. Hindi ko alam kung nasa'n si Kuya at Tonsy. Pero ang rinig ng tenga ko sa chismis ay nando'n daw si Kuya sa babaeng pinopormahan niya at si Tonsy naman ay hindi nila alam kung nasa'n.

Masaya ako ngayong araw na 'to dahil ako ang magle-lead mamaya sa mga activities. Syempre isa ako sa mga officer. Ang sarap kaya sa pakiramdam pag ikaw yung nagmamanage ng isang bagay, or ikaw yung naghahandle. Hehehe!

"Roni kain kalang marami," nakangiting sabi ni Borj.

Napanguso naman ako. "Tataba naman ako sa'yo eh!"

Natawa naman si Borj. "Alam mo Roni, kahit tumaba kapa.. gusto pa rin kita at hindi magbabago yon," nakangisi niyang sabi. Sus nagawa niya pa talagang mambola sa harap nila Junjun!

Napailing na lang ako sakaniya. Wala talagang nilulugar ang kakornihan niya eh noh. Hay awan koba sakaniya.

"Ganan kapala, Borj," pang aasar ni Junjun sakaniya.

"Tigilan mo 'ko Pre ah," ani Borj.

Dahil masunurin ako. Inubos ko lahat ng pagkain na nilibre sa'kin ni Borj. Tuwang tuwa naman si Borj nang makitang ubos ang plato ko. Ako talaga source of happiness niya eh noh.

"Lakas ko talaga sa'yo Roni," nakangiting sabi ni Borj.

As if naman noh! Baka talagang gutom lang ako sobra ngayon kaya ko din naubos yung pagkain. Ang sarap din naman kasi!

"Masarap lang talaga yung foods." sabi ko kay Borj.

Napangisi naman siya. "Di Roni, aminin mona, crush mo rin ako noh," nang aasar na boses ni Borj. Inirapan ko siya.

"Kapal naman ng mukha mo noh," natatawa kong sabi.

Natawa si Borj. Samantalang sila Jelai at Junjun ay parehas din may sariling mundo. Naghaharutan din sila. Hay!

"Alam mo Roni, ang cute mo talaga. Kaya crush na crush kita eh," nakangiting sabi ni Borj.

Ang gwapo niya talaga pag ngumingiti. Nalabas kasi mga dimple niya. Tsaka yung mga mata niya, ang lakas ng dating. Grabe na talaga. Para siyang artista.

"Baka matunaw ako nan Roni," biglang boses ni Borj. Agad ako nagising sa reyalidad. Nag iwas ako ng tingin dahil bigla ako nahiya. Titig na titig pala ako sakaniya.

Sino ba naman hindi matutulala sa kagwapuhan niya noh?

"Kapal mo talaga," mahina kong sabi.

Pekeng umubo si Borj. "Anong sabi mo?" nang aasar na tanong niya.

Awan ko sayo Borjing!

Hayskul LuvWhere stories live. Discover now