15

730 29 0
                                    



Roni's Pov

Hayyyyy! Masasabi kong nakakapagod pala talaga ang highschool life pero this is one of the best and once in a lifetime. Kaya naman sulitin talaga natin ang highschool life!!!

"Roni, ngapala bakit wala kayong klase kanina?" tanong ni Kuya. We're eating dinner right now.

"Kasi may naguidance daw diko alam kung sino, kaya pinatigil class namin kanina." sabi ko.

Tumango si Kuya. "Hay nako," aniya.

"Oh Borj," nagulat naman ako sa biglang paglitaw ni Borj sa kusina. Andito na naman po siya.

Pawisan siya at mukhang kakatapos lang magbasketball. Grabe ha, di manlang magpatuyo ng pawis eh.

"Basang basa ka sa pawis Borj, ito towel pamunas mo." sabi ko at inabot sakaniya ang tuwalya.

Ngumiti siya at mabilis na kinuha iyon. Mukha siyang kinikilig.

"Thank you, Roni." nakangiti niyang sabi.

"Ginagawa mo na naman dito Borj?" boses ni Kuya.

"Binibisita si Roni- este ikaw!" aniya. Natawa naman ako dahil umaandar na naman kakornihan niya.

Kala niya ba hindi ko siya nahahalata. Hays!

"Ikaw Borj ha wag mona idagdag si Roni sa mga babae mo!" asar ni Kuya habang kumakain.

"Yuan naman oh, wala akong babae nagbago na 'ko." wika ni Borj.

Sus talaga ba???

"Sus pre tigilan mo 'ko," ani Kuya.

"Roni wag ka maniwala sa Kuya mo, nagsasabi ako ng totoo ikaw lang sapat na- aray!" hindi na pinatapos ni Kuya ang sasabihin ni Borj dahil hinampas niya na ito.

Natawa na lang ako sa kakulitan nila.

Hayskul LuvWhere stories live. Discover now