❤ 6 💙

23 1 0
                                    

A/N:
Thank you for reading! Hope you enjoyed reading it as much I enjoyed writing it.

Happy reading!

*~* *~* *~*

💙

Tahimik lang kami habang paakyat at laman na naman ng elevator. Pinapakiramdaman ko siya.

Kanina pa siya nakayakap sa sarili niya. Marahil dala ng sobrang lamig at tagal ng pagkakababad namin sa tubig-ulan. Namumula rin ang mga pisngi niya habang nakatingin lang siya sa isang parte ng elevator.

Pagdating sa kwarto, naupo si George sa isa sa dalawang upuan habang nakahalukipkip.

"Aalis muna ako saglit. Kelangan kong makabili ng damit natin. Sobrang babad na tayo magkakasakit na tayo nito. Bibili na rin ako ng makakain natin or oorder na lang. Bahala na." nakita ko ang pagsungaw ng takot sa magagandang mata ni George. "I won't be long. Stay here okay. It's safer."

"Okay. Dito lang ako. Mag-iingat ka ha." sabi niya. Still hesitant.

It has been 30 minutes since RJ went out. Sabi niya sandali lang siya. Gusto ko sanang sumama na lang sa kanya kaya lang hindi ko na kaya ang lamig. Lumabas muna kasi siya para makabili ng pamalit namin na damit at pagkain na rin. Hindi pa naman ako nagugutom pero ginaw na ginaw na ako.

Hindi naman ako takot na mag-isa. Pero mula ng nakulong ako sa elevator kasama si RJ, parang nagkaroon ako ng claustrophobia. Kaninang nasa elevator kami ay naalala ko ang nangyari sa hotel earlier that day.

Pinigilan ko ang mapahawak o ang sumiksik kay RJ. Nahihiya na rin kasi ako.

Naramdamn ko na nakatingin siya sa akin kaya lalong namula ang mukha ko.

Hindi naman ganun kaliit ang silid na nakuha namin. Maaliwalas naman dahil sa puting pintura. Marami ring ilaw na nakapaligid at lahat nakabukas. 'Yon lang iisa ang bintana. Seeing the closed window make me suffocate. I cannot open it either. Papasok ang ulan kapag binuksan ko.

Para malibang, I just opened the TV instead. Bumalik ako sa inuupuan ko at nagsimulang mag-flick ng channel.

5 minutes na lang at isang oras na ang lumipas pero wala pa rin si RJ.

Hindi na ako mapakali.

Nasaan na kaya si Russel Jonathan? Kanina pa siya umalis ah. Sabagay isang oras pa lang naman. Pero hindi, matagal na ang isang oras. Kaso alam ko naman na mahirap ang magbyahe ngayon. Ah basta! Ang tagal niya!

I don't know why I worry so much. RJ's a grown up man and he can take good care of himself. I don't know if I worry for his sake or mine.

I turned the AC off. Giniginaw na talaga ako. My mind wonder somewhere else.

To my astonishment, it wonders where RJ is.

Masyadong malalim ang iniisip ko. Kaya ng may kumatok sa pintuan napatalon ako gawa sa gulat.

Relief flooded through me when I saw RJ.

Kun hindi ko napigilan ang sarilo ko, baka nayakap ko siya.

Basang basa siya sa ulan. Namumutla siya dahil na rin siguro sa lamig pero maaliwalas ang mukha niya.

Pinapasok ko siya agad sa silid.

"Maligo ka na agad para makapagpalit ka na ng damit. Malapit ng matuyo 'yang damit mo. Kapag naramdaman mong masama na ang pakiramdam mo may gamot dito. Nag-order na ako ng pagkain dito sa motel. Wala ng mabilahan sa labas eh." Dire-diretsong sabi ni RJ habang nakangiti.

Love and HateWhere stories live. Discover now