❤
It's already Saturday. Madaling-araw na pero hindi pa rin ako dalawin n antok. Walang ibang laman ang isip ko kundi si RJ at ang mga nasabi niya habang nananagip noong magkasama pa kami sa motel.
Mahal daw niya ako? Baka naman may ibang Georgina Kate siyang tinutukoy. Meron pa kaya siyang kakilala na kapangal ko? Coincident lang ba 'yun?
Change position naman ako. Nakakangawit ng tumagilid paharap sa pintuan.
Eh bakit ko ba iniisip ng iniisip 'yung sinabi niya? Affected ba ako? Hindi naman di ba? I'm losing it! Kapag hindi pa ako tumigil kakaisip sa kanya maloloka na ako!
Hindi ko namalayang umaga na. Naalimpungatan ako ng may magbukas ng kurtina ng binatana ko.
"Bumangon ka na diyan Georgina. Maghanda ka na at magsisimba pa tayo. 8:30 na! Kilos na!". Si Mommy pala ang may salarin! Inaantok pa ako.
Hindi ko alam kung anong oras na ng makatulog ako. Pero pakiramdam ko, dalawa o tatlong oras lang akong nakatulog.
I pushed myself to stand up. Kelangan ko ng kumilos para maghanda. Mahirap na. Mapagalitan pa ako ng Nanay ko.
My head feels floating because of lack of sleep.
Babawi na lang ako ng tulog mamaya. Wish ko lang, hindi gambalain ni RJ ang mga cells sa utak ko para kapag kumatok si antok, mapagbuksan ko agad siya ng pinto.
After I took a bath, I changed to simple Yellow floral printed dress. My short sleeve ito na pinaresan ko ng Gold doll shoes. Naglagay lang ako ng manipis na make up then went to the dining area. Nasa hapag kainan na sila Mommy at Daddy pati ang kapatid ko.
Umalis din kami agad para magtungo sa pinaka malapit na simbahan na palagi naming puntahan. Dito na kami bininyagang magkapatid at lahat ng tiga-subdivision ay dito rin nagsisimba.
Nang maalala kong halos lahat ng tiga-subdivision ay nagsisimba rin sa simbahang pinuntahan namin, tumalon ang pusk ko. Hindi ko lang alam kung ninenerbyos ba ako o nae-excite. Posible kasing nandito rin si RJ.
Nagsimula na ang misa. I'm focusing on the homily when I felt the hair on my nape stand up. Nagsimula na namang maglikot ang mga mata ko. Looking for that person who's still staring at me. Hindi ko lang masabi kung nasaan banda ang taong nakatingin sa akin pero ramdam ko pa rin na nakatingin siya.
Wala naman siguro 'yun. Napapraning lang na naman ako.
Hanggang sa natapos ang misa. Nararamdaman ko pa ring may nakatingin sa akin pero hindi ko na pinansin.
💙
Bagay na bagay kay Georgina ang dress na suot niya today. Nandito kami ng family ko sa simbahan. Si Dad at si Mom ang magkatabi sa likod namin ng bunsong kapatid ko na si Emerald. Punuan na at ito na lamang ang bangkante kaya ganon na lang ang naging sitting arrangement namin.
Nagpapasalamat ako sa Kanya dahil pinapwesto Niya ako sa lugar kung saan kitang-kita ko si Georgina. Kanina ko pa siya tinititigan at kanina pa rin ako pasimpleng tinutukso ng kapatid ko.
Maliban kay Carlos, alam din ni Emerald na may gusto ako kay Georgina noon pa. Kaya alam niyang si Georgina ang tinitignan ko. Hindi ko maintindihan ang sermon ng pari dahil ang buong atensyon ko ay na kay Georgina.
Nang matapos ang misa, nakasunod pa rin ang tingin ko kay Georgina. Napansin kong palingon-lingon siya.
Totoo kaya 'yung ainasabi nilang kapag may nakatingin sa'yo, mararamdaman mo? Nararamdaman kaya niya na may nakatingin sa kanya? May idea kaya siya na ako yun?
YOU ARE READING
Love and Hate
RomanceGeorgina A.K.A George keeps on falling in love with the wrong guy. Palagi na lang siyang nasasaktan. Palaging sa iba na-iin love ang mga nagiging apple of the eye nya. George keeps on asking kung may nakalaan bang lalaki para sa kanya. Will she ever...
