❤
Pagod ako sa trabaho pero sa hindi ko malamang dahilan, hindi ako makatulog. Hindi ko kasi makalimutan ang itsura ni RJ kaninang umaga.
At himala, hindi niya ako ininis sa trabaho. Kahit si Marie hindi makapaniwala na natapos ang araw namin sa trabaho na hindi kami nagbabangayan ni RJ.
Tahimik lang siyang nagtatrabaho.
Himala, yan ang bukang-bibig ni Marie hanggang maihatid niya ako sa bahay.
Dati-rati kasi, hindi pwedeng hindi kami nagkakasagutan ni RJ basta magkasama kami sa iisang lugar. Magkasama kasi kaming dalawa sa back office ng hotel. At magkatabi ang aming cubicle. Nag-alala pa nga si Marie dahil iniisip niyang baka ngayong araw palang ay mawalan na ako ng trabaho dahil magkatabi lang kaming dalawa.
Pero walang nangyari. Walang away na naganap.
Anu kayang nangyari sa lalaking iyon? Siguro, may sumapi doon na anghel kaya naging gano'n 'yon.
Iyon ang huling naisip ko bago sa wakas dumating si antok at sinamahan ako sa lugar ng panaginip.
💙
Hindi maalis sa isip ko si Georgina Kate.
Mauunahan na naman ba ako ng iba?
Hindi ako papayag! Hindi pwede! Wala akong tiwala sa lalaking yon.
Kilala ko ang mga ganung klase na lalaki. Sa karakas pa lang nito ay sigurado akong sasaktan niya lang si Georgina. Ayoko na siyang makitang umiiyak dahil sa mga kabaro ko. At sawa na rin akong masaktan dahil sa tuwing nai-in love si George sa iba, hindi lang sakit para sa sarili ko ang nararamdaman ko.
Dahil kapag nasaktan na naman si George wala akong magawa para protektahan siya sa sakit na dulot ng iba. Na dulot ng maling taong minahal niya.
Nasasaktan ako dahil hindi ako ang minahal niya.
Bumangon ako at kinuha ang cellphone ko. Typed a message then, sent it.
I need to talk to my best friend for peace of mind.
Si Carlos lang ang nag-iisang taong nakakaalam ng nararamdaman ko para kay George. Kaya sa kanya ako nag-text.
I waited for a reply. Baka kasi tulog na siya.
Nang tumunog ang cellphone ko, agad kong binasa ang sagot niya. I dialed his number and called him.
"Pare naman! hanggang ngayon ba naman si Georgina pa rin? Tsk! Matindi ka."
Hindi ko alam kung mapipikon ako sa mga sinasabi niya o papalampasin ko na lang mga pang-iinis niya.
Kaya nga ako tumawag sa kanya ay para gumaan ang pakiramdam ko. But he's doing the opposite.
"Igaya mo naman ako sa iyo pare. Sa kanya ako na-in love eh." Napabuntong-hininga ako ng malalim. "Gusto ko na sana siyang pormahan. Kaya lang alam mo naman na sukdulan ang galit niya sa akin. Nag-iisip na ako ng paraan kung paano ko siya liligawan. Hindi pa ko nakakaisip ng magandang paraan mukhang may kaagaw na agad ako. Kasamahan din namin sa trabaho." Napapailing na sabi ko kahit hindi ako nakikita ni Carlos.
"'Pre, kasalanan mo rin naman 'yan eh. Pinagsabihan na kita noon pa. Baguhin mo ang style mo. Ano ka ngayon? Nganga." Natatawang sabi ng best friend ko.
"I know. Pero hindi pa naman huli ang lahat." Wala sa sarili kong sinabi.
"Hindi pa nga ba huli ang lahat? Ikaw na rin ang may sabing galit na galit siya sa iyo. Syempre dahil 'yon sa pang-iinis mo sa kanya mula pa noon." Seryoso ng paalala ni Carlos sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/33661573-288-k153596.jpg)
YOU ARE READING
Love and Hate
RomanceGeorgina A.K.A George keeps on falling in love with the wrong guy. Palagi na lang siyang nasasaktan. Palaging sa iba na-iin love ang mga nagiging apple of the eye nya. George keeps on asking kung may nakalaan bang lalaki para sa kanya. Will she ever...