One: The Broken

21 0 0
                                        

AMY POV

It gave me a sharp kind of sadness to think that no matter how much I loved him and tried to put him back together again, he might stay broken forever.
- Paula McLain

Pag-ibig. Sarap pakinggan, pero pag nasira na, hirap nang balikan.

Amy Del Rosario. Nakita ko ang pangalan ko sa listahan ng mga nakapasa sa scholarship para sa college.

"Yes!, finally, nakapasok na rin ako."

Malaking tulong ito para sa pamilya ko. Konti na lang, matatapos na ako sa pag-aaral sa kolehiyo. Konti na lang, matutupad na ang mga pangarap ko.

Ngunit sa buhay, may mga bagay lang talaga na magpapabagsak at mag papadurog sa atin na parang tila hindi natin kayang ayusin o buuin muli.

Pauwi na ako galing sa paaralan, at habang naglalakad, bitbit ko ang ngiti sa aking mga labi. Masayang-masaya ako. Gusto kong ipahayag sa aking mga magulang ang magandang balita na nakapasa ako.

Nang makarating ako sa aming tahanan, biglang may narinig akong malakas na sigawan. "Bahala ka na sa buhay mo! Buhay ko 'to, wala kang pakialam!" mariing sigaw ni Papa kay Mama.

"Roberto, tama na!" Nagmamakaawang tugon ni Mama.

Eto ang buhay ko. Araw-araw, puro away at gulo. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Pero wala akong magagawa. Ganito ang buhay ko.

Bigla na lang lumabas si Papa.

"Papa, anong nangyari?" Tanong ko na may halong pag-aalala.

"Tanong mo d'yan sa walang kwentang mong ina!" Galit na pag-sasalita niya sabay alis na pa suraysuray na lakad ni papa.

Sa gitna ng tensyon, pumasok ako sa bahay namin at nakita ko si mama na nakaupo sa sahig at para bang hinang hina siya.

Nilapitan ko siya sabay tinanong ko kung okay lang siya.

"Ma, anong nangyari?, okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong.

Napapaluhod si mama sa sobrang pagiyak. Hindi niya kayang ipaliwanag ang mga nangyari.

"Ito, ang papa mo pinambili na naman ng alak yung pambayad natin sa tubig at kuryente."

"Ma, bakit n'yo po palaging pinapayagan si papa na uminom?" tanong ko.

"Sorry, anak. Wala akong magawa. Nagwawala siya pag hindi ko binibigay yung yung gusto niya."

"Ma, bakit n'yo po ba palaging ito ang pinagaawayan ninyo? dapat hindi po kayo pumayag." saad ko.

"Patawarin mo ako, anak. Ayaw ko lang na lumala itong away na ito," paumanhin ni Mama.

Matapos ang magulong pangyayari, nagsikap akong humanap ng paraan para makabayad kami. Hanggang sa naisipan kong humingi ng tulong sa malapit kong kaibigan. Nakakahiya man, pero kailangan.

***

JILLIAN LUNA (ONLINE)

Amy
Jill, pwede ba kitang makausap?

Jillian
Hey, Bes! Anytime

Amy
Tulungan mo naman ako, puede ba tayong mag-usap?

Jillian
Syempre Naman amy

Jillian
Nandito pala ako sa mall dito tayo mag kita.

Amy
Sige Jill salamat



Makalipas ang ilang oras, pumunta na ako sa mall upang makipagkita sa kaibigan ko. Habang nakatayo ako sa harap ng isang
fast food chain, nakita ko si Jillian na biglang lapit sa akin.

"Uy, Bes! Ano, usap tayo? Anong meron?" Tanong niya.

"Tara, wag tayo dito. Kain tayo, treat ko." Sunod nyang tugon saakin

"Uy, wag, nakakahiya naman." Saad ko

"Dali, tara."

Si Jillian talaga, ang matalik kong kaibigan. Mula pa noong bata kami, palagi kaming nagtutulungan. Sa hirap at ginhawa, andyan siya. At ang mga pagsubok na kinakaharap namin ang nagpapatibay sa aming pagkakaibigan.

At pumasok kami sa isang coffee shop. Umupo kami at nag-order.

"Jillian, salamat talaga sa oras mo. Saka sa pagkain," sabi ko sa kanya.

"Wala 'yun, Amy. So, ano ba? Meron ka bang problema?" tanong niya.

Kinuwento ko sa kanya ang pangyayari sa bahay namin. Samu't-saring damdamin ang aking inilahad.

"Jillian, hindi ko alam kung paano ko matutulungan ang pamilya ko. Hirap na hirap na ako," sabi ko habang unti-unti nang umaakyat ang mga luha sa aking mga mata.

"Huwag kang mag-alala, Bes. Hindi mo kailangan harapin 'yan mag-isa. At biglang hinawakan nya Ang aking kamay na ramdam nya din Yung bigay na dinadala ko.

Nandito ako para sayo amy, Tutulungan kita. O, heto pambayad mo." sabi ni Jillian, sabay abot sa akin ng pera.

Hindi ko napigilan ang luha na tumulo sa aking mga mata. Ipinasalamat ko si Jillian at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Salamat talaga, Jill. Babayaran kita, promise 'yan," sabi ko.

"Sus, saka na 'yan. Isipin mo muna pamilya mo," sabi niya.

"Salamat talaga, Jillian."

"Walang anuman," sabay ngiti niya sa akin.

Habang kami ay nag-uusap, biglang dumating ang waiter at ibinigay sa amin ang bill ng aming kinain.

Chineck ko ang wallet ko, pero walang laman.

"No need, Amy. Ako na ang bahala. Treat ko." sabi ni Jillian.

"Pag-yaman ko talaga, ililibre kita, promise yan."

Ang mga oras na iyon, ay napuno ng saya para sa aming dalawa. Si Jillian talaga, ang aking pinakamatalik na kaibigan. Handang tumulong kahit anong oras, kahit anong sitwasyon. At ganun din ako sa kanya.
Noon kasi wala siyang kaibigan nun at palagi siyang binubully kaya tinulungan ko sya at tinuring na parang kapatid.

"Amy, nabalitaan ko na nakapasa ka sa scholarship mo. wow Congrats! Malaking tulong 'yan sa'yo," sabi ni Jillian.

"Salamat, Jill. Hindi ko inaasahan na makakasama ako eh."

"Ano, nasabi mo na ba sa magulang mo?"

"Eh, uhmm..."

"Wait!" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang reaksyon ni Jillian.

"Huwag kang lilingon. Alis na tayo, Amy."

"Bakit? Ano'ng meron?"

"Tayo na, hindi mo na kailangang malaman. Dali!"

Sabay alis namin.

At umalis na kami na para bang may nakitang multo o kung ano man yun.

Nung umalis na kami galing sa mall
aking nalaman na si Brennan pala yun, yung ex ko. Na tinitignan kami nina Jillian. Siya yung unang nag padurog sa aking puso ko, at akala ko nun siya na, pero hindi pala.

BAKIT KA SINGLE?Where stories live. Discover now