Meet Philip, First year student na naghahanap ng kasagutan sa tanong na "Bakit ka single?" na laging tinatanong ng lahat. Sumama sa kanyang paglalakbay habang initerview niya ang apat na natatanging tao, Na may kanya-kanyang kwento tungkol sa kanila...
Sa dinami-daming tao sa mundo na umaabot na nga ng 8,045,311,447 ngayong 2023, at sa ating bansa ay may 117,337,368 Pilipino. Napakarami, Hindi ba? Hindi pa dyan natatapos, Madami din mga users sa Messenger at Facebook, na umaabot na din sa milyon, pero may tanong ako. Sa dina daming tao sa mundo, "bakit madaming single?"
Yan ang pambansang tanong ng mundo, lalo na sa bansa natin na puro marites na laging latest sa buhay natin. At ang mga taong matanong, kulang na lang maging reporter na sa kakatanong tulad nang "may jowa ka na?","matanda ka na.""mag-asawa ka na", "it's time to find a guy or girl","maghanap ka na, "mag-jowaka na hanggang bata ka pa".
Nakakapressure, right? Hindi ba pwedeng gusto lang namin maging single or trip-trip lang. Nakamamatay ba ang Pagiging single?
"Wassup, madlang pips Is your boy Philip Alvarinez."
"I am a first-year college student taking up BS Psychology, and This is my presentation about the current topic we're discussing about love and affection toward a person."
Napakadami talagang tao sa paligid natin di ba? at yung iba may jowa na, may ka-holding hands, may ka-talking stage, ka-bebe time, o may ka video call. Yung mapapa-"sana all" ka lang talaga. Pero napapansin ko lang napakadami ring mga single, Bakit kaya? Gusto n'yo bang malaman?
Kaya naisipan kong mag-conduct ng interview sa campus namin para malaman natin ang kanilang opinyon or statements. Disclaimer lang, tinanong ko muna sila kung puwede ko silang tanungin at videohan, nagpaalam naman ako Kaya g na g lang sila, so àno pang inaantay natin simula nanatin Pasok! let's go.
*Freeze ako sa camera with matching smile*
"Andddd... cut."
"Hay, natapos din. Finally, edit na lang."
inayos ko na ang kamera ko at pati narin mga gamit ko, dumeretso na ako sa aking laptop para mag-edit.
Natapos ko nang mag-conduct ng interview at edit na lang ang kulang para maipasa ko na ito sa aming prof. So Binuksan ko ang editing app ko while sipping a cup of coffee on the middle of a rainy day.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Bago ko simulan ang pag-eedit, naisip kong panoorin muna ang mga sagot ng mga interviewees. Hindi ko pa kasi ito napapanood at para mainspire din sa kanilang sagot .
Nakita ko ang unang video ng isang babae na kasama ang kaibigan niya. Pinindot ko ang video at nag-play.
"Hello po, ano po ang pangalan n'yo?" tanong ko.
"Ahm,Hi I'm Amy. Ito si Jilian, kaibigan ko."
"Ah, hello po, ate Amy. may itatanong lang po ako, nagka-jowa na po ba kayo?"
"Oo, dati. Pero ngayon, hindi na kami."
"Ahh, okey po. Last question kung nagka-jowa na po kayo noon, bakit po single kayo ngayon?"
Napansin kong tumigil si ate at mukhang iniisip ang kasagutan niya. Kinakabahan ako nun na baka magalit siya o na-offend ko siya. Pero bahala na SI batman para sa project, Yun Yung tumatakbo noon nung tinanong ko Siya.
"kasi aya-
Bigla akong may narinig sa Labas
"Anak, kain na!" Tugon ni mama
narining ko ang sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko.
Napabangon ako at tumigil sa aking ginagawa. Tumugon ako sa kanya, "Mamaya na po, Mama. May tinatapos lang po ako."
Pagkatapos, ipinagpatuloy ko ang panonood ng video.
"Ate bakit po kayo single?" tanong ko sa kanya.
"Kasi, takot na akong masaktan. Ayaw ko nang masaktan ulit." malungkot niyang sagot.