Two: You?

14 0 0
                                        

AMY POV

Mahirap maging mahirap no?, pero kailangan padin lumaban para sa pamilya

Pero... paano kung Yung ipaglalaban mo, Ayaw naman Sayo?

Habang ako ay nag-aaral, bigla na lamang dumating si Papa galing sa kanyang pagba-byahe sa tricycle. Lumapit ako sa kanya at nagmano, ngunit hindi siya umiimik. Ni wala siyang pagtatanong kung okey lang ako. Dali-dali akong pumunta sa kusina upang ipagtimpla si Papa ng kape.

"Papa, kape muna kayo?" aking alok sa kanya. Kinuha niya ito habang nanonood ng balita. Habang siya ay abala sa pag-aabang ng balita, lumingon ako at umupo sa kanyang tabi.

"Papa, kamusta po kayo?" tanong ko sa kanya, ngunit hindi siya sumagot. Sa halip, itinuloy niya ang kanyang panonood ng balita.

"Oo nga po pala pa, may magandang balita ako. Nakapasa po ako ng scholarship, makakatulong ito sa atin," sambit ko sa kanya. Subalit bigla akong napigilan nang makita ang galit sa kanyang mga mata. Napatigil ako sa aking mga salita.

"Ano ka ba Amy? Ang ingay ingay mo!" mariing sinabi ni Papa, at bigla akong nagulat.

Sa mga oras na iyun parang gusto ko nang umiyak pero pinilit ko lang at hindi dinamdam.

at biglang dumating si Mama, na galing sa pamamalengke. "Oh, nandito na pala ang mag-ama ko. Sandali lang, magluluto muna ako."

Hindi ako makapagsalita, kaya't diretsong tumungo ako sa kusina upang tulungan si Mama sa pag-aayos ng kanyang pinamili. Ngunit sa kabila ng ginagawa namin, hindi nawala sa isipan ko ang naging reaksyon ni Papa.

Matapos ang ilang oras ng aming hapunan, nagpatuloy na ako sa pag-aaral para sa aming paparating na midterm exam. Si Mama ay nag-aayos ng mga plato, at si Papa ay natulog na.

Napagdesisyunan kong itigil ang aking mga gawain at kinausap ko si mama. "Ma, pwede po ba kitang makausap?"

"Oo naman, anak," sagot ni Mama sabay-tabi sa akin sa aking kinauupuan. "Ano 'yun? May kailangan ka ba?"

"Ma, naisip ko lang sa lahat ng mga pangrapa na naabot ever since ba, naging proud ba si kayo sa akin?" sabay tulonng luha ko.

"Oo naman, anak. Bakit mo naman natanong?"

"Kasi, Ma, hindi ko ramdam. Parang wala lang lahat. Akala ko nga, yung mga pangarap na natupad ko, magbabago na ang lahat. Pero hindi pala. Ganun pa rin, magulo at mahirap. Hindi ba ako naging mabuting anak? Bakit ganito? Palagi na lang ba akong nasasaktan?"

Makalipas ang mga sandaling pagtahimik, niyakap ako ni Mama ng mahigpit. "Alam mo, anak, alam kong nasasaktan at nahihirapan ka na sa mga nangyayari sa atin. Pero lagi mong tandaan na mahal na mahal ka namin kahit gaano pa kasakit ang nasa paligid mo."

"Ma, bakit kahit sinasaktan ka na ni Papa, ganun pa rin ang pagmamahal mo sa kanya?" tanong ko.

"Ahh, kasi-" biglang tumunog ang telepono ni Mama. "Wait lang, Amy, sagutin ko muna ito."

Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik si Mama sa aking tabi.

"Ano nga ang tanong mo?" sabay tingin sa akin.

"Ahh, wala po, Ma. Kalimutan n'yo na 'yun. May maganda po pala akong balita, nakapasa po ako sa scholarship sa school."

"Totoo ba 'yun," at napalitan ng saya ang mukha ni Mama nang marinig niya 'yun. "Ang galing mo naman, anak! Salamat! Napakalaking tulong 'yan sa pag-aaral mo. Pagbutihin mo pa."

Sabay-yakap sa akin ni Mama ng mahigpit. Ito ang mga oras na masarap sa pakiramdam na makausap ang mga taong mahal mo sa buhay.

Pag karaan Ng mga ilang oras tumuloy na ako sa aking kwarto at humiga, sabay-check sa aking phone. May dalawang unread messages.

***
JILLIAN LUNA (ONLINE)

JILLIAN
Amy, Musta okey na ba naka bayad na kayo sa kuryente at tubig nyo?

AMY
Oo okey na salamat pala ng marami Jill

AMY
babawi ako Sayo Jill

May Isang pang unread messages

at biglang bumungad saakin ang chat Ng ex ko.

***
BRENAN JAMES HAVIER (ONLINE)

BRENAN
Hi may how are you? it's been a long time since nag kita Tayo, Nakita kita kahapon with your friend.

BRENAN
Pwede ba tayong mag-kita I have something to tell you kasi eh, kita Tayo bukas.

*seen by you

BAKIT KA SINGLE?Where stories live. Discover now