"pahinga muna tayo" sabi saakin nung babaeng kasama ko.
"sige" sagot ko. Pagod na din naman ako. Kanina pa kaya kami naglalakad.
"Gusto mo? " pag-aalok niya saakin ng tinapay na dala niya.
Hindi na ako nahiya dahil gutom na talaga ako.
"Bakit ka mag-isa? Naligaw ka? " tanong niya.
"Iniwan ko sina nanay. Sabi kasi nung mga kaibigan ko may shortcut " sagot ko.
"walang shortcut. Hindi totoo yun. Iisa lang ang daan palabas" sabi niya.
"Paano mo alam? Nakalabas ka na ba? " tanong ko.
"Kung ako nakalabas na, edi sana tanda ko ang daan palabas" sabi niya.
"Edi malay mo meron ngang shortcut" sabi ko.
"Sabi ng nanay ko wala. Nakalabas na siya eh" sabi niya.
"Nasaan siya? " tanong ko.
"Wala na" sabi niya "Bumalik lang siya para samahan ako kaya lang naligaw din ako gaya mo. " tumigil siya sandali para kumagat ng tinapay tapos nagsalita uli.
"Dito lang naging literal yung papunta ka palang pabalik na ako na salitain ng magulang natin. Hindi ka dapat sumuway sa kanila" sabi niya.
"Kasi alam nila ang daan palabas? " tanong ko.
"Kasi madaming beses na din silang naligaw" pagtama niya sa sinabi ko."paano ba malalaman kung tama ang daan na pinupuntahan mo? " tanong ko.
Ngumisi siya bago sumagot.
"Edi daanan mo. Kapag dead end bumalik ka ganoon lang kasimple" sabi niya.
"Seryoso ako" sabi ko.
"Seryoso din ako. There's no other way" sagot niya. "Tara na. Hindi tayo pwedeng magpahinga forever"
"Sige" sagot ko.Tapos naglakad na kami.
"Teka, ano palang pangalan mo? " tanong ko.
"Johana" sagot niya.
"My name is Jeremy. Jeremy Sid O. Godog" sabi ko.
Naglalakad parin kami.
Naglalakad na naman kami.
Pero nasanay nako. Mas tumatag na ang katawan ko. Hindi nako basta basta nadadapa. Hindi nako basta basta naliligaw.
"Sandali" sabi ni Johana
May nakaharang sa daan.
"Dead end? " patanong na sabi ko.
"Hindi. Kaya nating lampasan yan. Pasanin mo ako. Aakyat ako. Pagdating ko sa taas, tutulungan kita. " sabi niya.
Ginawa ko ang sinabi niya.
Pinasan ko siya tapos nung nasa tuktok na siya, tinulungan niya ako para maka akyat din."Dito sa maze, mas okay din na may kasama" sabi niya.
"Kaya nga" sabi ko.
"Tingnan mo yun" sabi niya.
"Alin" tanong ko.
"Ayun oh" tapos tinuro niya yung.. Ano yun? Yun na ba ang? "Yun yung daan palabas"
Nakaramdam ako ng sobrang saya.
Pagkatapos kong ilang beses maligaw.
Pagkatapos kong ilang beses madapa, magkasugat at magkapasa, nakita ko din ang happy ending ng maze.
Whoever the engineer of this maze, I salute him. I guess it's so witty to build a maze like this. Na nagkakaiba man ng likuan, magkakaiba man ng pagdaanan, we are all destined to one end. We are all directed to happy ending simula palang. Kaya ako, ngayon, pagtatawanan ko yung mga taong nawalan ng pag-asa sa pagpapatuloy sa maze. Tiyaga lang ang kailangan. Katamaran lang ang nakapagpasuko sa kanila.xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"na trap ka sa loob ng maze? " tanong sakin ng anak ko.
"oo anak" sagot ko
"paano ka nakalabas? " tanong niya
" I told you . Tinulungan ako ng nanay mo" sabi ko
"Nasaan na yung maze na yun? Pupuntahan ko" sabi niya
"Nasa paligid lang yun " sabi ko
Lumingon siya sa paligid niya.
"Hindi ko po makita" sabi niya
"makikita mo din yun. " sabi ko nalang.
"Makikita ko din po ba yung labasan" tanong niya.
"Oo naman. Wag mo lang kakalimutan ang pangalan mo" sabi niya.
"Anong meron sa pangalan ko tay? " tanong niya.
"Pamana ko sayo" sabi ko.
"Tay niloloko niyo po ba ako? " diretsong tanong sakin ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Isn't it aMAZEing
Short StoryJeremy is an ordinary guy with ordinary life. According to him, nagising nalang siya isang araw na nasa loob ng isang maze. Do you want to hear his adventure? Would you mind spending some time finding out what 's aMAZEing in his story?