MAZE 3

7 0 0
                                    

"Tay niloloko niyo po ba ako? " tanong saakin ng anak ko.

Napatawa ako sa pagkakasabi niya.

"Hindi anak" sabi ko.

"Sabi niyo po na trap kayo sa loob ng maze tapos sumama kayo sa mga kaibigan niyo na iniwan din kayo kaya naligaw kayo. Tapos dahil dead end na, bumalik kayo sa umpisa hanggang sa nakita niyo si nanay tapos nakalabas na kayo. Eh ang alam ko nakilala niyo si nanay sa trabaho eh" Paliwanag niya "Tay ikwento niyo na po saakin yung totoong buhay niyo. Gagawa pa po ako ng drawing nun ehh. " pagmamaktol niya.

Kumuha ako ng papel at nagdrawing ng maze. Para patunayan sa kanyang hindi ako nagsisinungaling, inulit ko ang kwento ko.

"Noong bata pa ako, lagi akong pinapagalitan ng lola at lolo mo. Kesyo wag akong pasaway, pagbutihin ko ang pag-aaral, at madaming madami pa. Kaya lang napabarkada ako eh. " tinuro ko yung straight na daan sa maze. "Kita mo to, dito dumaan sina nanay. " tapos tinuro ko naman yung paliko na daan. "tapos yung kaibigan ko, dito. Kaya dito din ako dumaan.
"pagdating dito" tinuro ko yung dead end. "iniwan nila ako. Nagkalaglagan eh. Nag cutting classes kami tapos nahuli. Nilaglag nila ako. Sabi nila, ako ang may pakana. Ako lang ang bumagsak imbis nakaming lahat

"Dead end. Kailangan ko tuloy ulitin lahat to" tinuro ko yung daan pabalik. "Ibig kong sabihin, kailangan kong ulitin yung pag-aaral ko. Kung sumunod ako sa lola at lolo mo, edi hindi na sana ako nahirapan. Andami kong pinagdaanang hirap. Ilang beses akong nadapa, nagalusan. Hindi ngalang literal. Hindi nako tinanggap sa dati kong school kaya kinailangan kong humanap ng iba. Nawalan na ng gana sina nanay na pag-aralin ako kaya kinailangan kong mgtrabaho. Hindi madali lahat pero kailangan kasi nagkaroon ako ng pangarap na makatapos
"Nawalan nako ng ganang magtiwala sa iba. Naging solo ako. Pinili kong maging solo.
"but then, dumating yung nanay mo.Tinulungan niya ako. Totoo din yung sinabi niya, na kapag nakalabas ka na ng maze, masasagot yung tanong mo. I mean, kapag nangyayari na sayo yung plano ng Diyos sayo, maiintindihan mo kung bakit kinailangang mangyari ang mga nangyari"

"Tapos nakalabas na po kayo? " tanong niya.

"Oo siguro. Kasi kung anong meron ako ngayon, kuntento nako at masaya. Kasi naniniwala akong ito ang plano sakin ng Diyos" sagot ko.

"Ano pong lesson dun? "

"Life is.." ano nga ba? "life is a maze" sagot ko.

"Akala ko po ba life is a choice " tanong niya.

"oo nga. Tayo naman ang pumipili ng dadaanan natin sa maze ah" sagot ko.

"Anggulo niyo naman tay eh"

"Life is a maze. Unconsciously, we choose what is God's plan for us" sagot ko.

"God's plan? " tanong niya.

"Oo anak. May plano si God para sating lahat at yun yung tunay na makakapagpasaya saatin. Tiwala lang ang puhunan. "

"Did he made the maze? " tanong niya.

"Who else will? " sabi ko.

"Imaginary maze? " tanong niya.

"No its not imaginary. It's invisible to the naked eye " sagot ko.

"Edi nasa loob po ako ng maze? " tanong niya.

"Lahat naman eh. " sabi ko. "Basta wag mong kakalimutan ang pangalan mo. "

"Bakit po?" tanong niya.

" Dahil kagaya ng magulong pagkakasunod sunod ng paliko liko sa dadaanan mo , ganun din ang nakatagong mensahe sa loob ng pangalan mo"

"Jeremy? " tanong niya.

"Jeremy Sid O. Godog Jr. " sabi ko.

Kumuha siya ng papel. Sinulat ang pangalan niya, at pinaghalu-halo ang mga letra.

"God is good Jeremy jr?" sabi niya tapos nginitian langvsiya ng tatay niya

A/N

Kung paghahaluhaluin ang pangalan niya, lalabas ang "God is good Jeremy"

Isn't it aMAZEingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon