Nagmula ako sa hindi perpektong pamilya. May nanay na bulag sa sobrang pagmamahal kay tatay kahit na walang araw na hindi siya pinagbuhatan nito ng kamay. May tatay na walang ibang ginawa kundi ang saktan at pagsalitaan ako nang masama. Tapos iyong kakampi ko pa na madalas kong karamay sa lungkot at ligaya ay iniwan pa ako, iyong nakababata kong kapatid na si Gio. Hindi man ako nagmula sa masayang pamilya, isang bagay lang ang alam ko, iyon ay ang buo ang pagmamahal na meron ako para sa kanila, kahit na madalas hindi naibibigay pabalik ang pagmamahal na ibinubuhos ko sa mga taong ito. At least alam ko sa sarili kong sila pa rin ang magiging pahinga sa mundong nakakapagod.
Ganoon na lang din siguro ang kagustuhan kong maramdaman kung ano ang pakiramdam nang mahalin pabalik, nang maalagaan, alalahanin, at pahalagahan.
Nang matamasa ang mga ito sa bagong sekyu ng katabi naming subdibisiyon na kalauna'y naging kaibigan ko na rin, masasabi kong masarap pala ang pakiramdam nang mahalin. Ngunit hindi maaaring lumagpas sa guhit. Meron pa ring limitasiyon. Bawal sumobra dahil ako pa rin ang uuwing talunan sa bandang huli. Ngunit bakit habang tumatagal, habang unti-unti kong nalalaman ang istory sa bawat pahina ng kaniyang kwento, tila ba mas lalo akong naiintriga sa kaniyang pagkatao, mas lalo akong nahuhulog sa bitag na kaniyang ginawa. Hindi na p'wede. Hindi na p'wedeng pasukin pa ang buhay niya pero bakit? Anong problema? Anong mga k'wento pa ba ang naghihintay sa akin sa likod na matatamis na ngiti ni Kuya Damian?
May mga bagay talaga sa mundo na kapag ipinilit natin, lalo na't hindi pinahihintulutan ng tadhana, ay napupunta lang sa wala. Sa kaso ko, hindi ako nakinig sa ipinamumukha sa akin ng reyalidad at mas nanaig pa rin ang kung ano ang isinisigaw ng aking puso.
![](https://img.wattpad.com/cover/351547954-288-k262758.jpg)
BINABASA MO ANG
SEKYU 1 (BL) TO BE PUBLISHED UNDER BIBLIOTHEQUE PUBLICATION
General FictionCOMPLETED - TO BE PUBLISHED UNDER BIBLIOTHEQUE PUBLICATION - Alam ni Keifer na malaki ang posibilidad niyang matalo sa laro ng pag-ibig oras na pasukin niya ang buhay ni Damian, isang sekyu sa katabi nilang subdibisiyon. Sadiyang makulit siya at hi...