7

37 2 2
                                    

(Sam's POV)

Hay!! nag-unat ako ng mga buto ko. Actually nandito ako sa tambayan namin ni parks. Kakaalis lang nga nya eh dahil may klase sila. Binigyan nya rin ako ng bagong eye glass na nakapagpasaya sakin. Hehe mas comfy na ang pakiramdam ng mata ko ngayon.

Grabe nga eh napagod ako kakahanap kay Calix, ewan ko ba pero gusto ko lang magsorry sakanya dahil nga nasampal ko sya nung gabing.. uhm.. alam nyo na.

"Miss Sam?" tanong ng isang lalaki sa likod ng punong kinauupuan ko kaya nilingon ko sya.

"Ikaw si Sam diba?" tanong nya.

"Oo." sagot ko lang.

"May nagpapabigay nito oh." sabi nya sabay abot sakin ng maliit na papel. Agad naman syang umalis pagkabigay nya sakin nun.

Binuksan ko ang maliit na papel at binasa ang nakasulat doon.

Meet me on room 307. I have something to tell you.

3:00pm

-Adriano.

Yan ang nakalagay. Pero ang weird naman. Alam ko namang may sira sa ulo si parks minsan, pero ngayon lang sya gumawa ng ganito.

Inilagay ko nalang yung maliit na papel sa bulsa ng bag ko saka na tumayo. 2:50pm na kasi eh 3 pa naman yung nakalagay dun kaya mas mabuti pang pumunta na ako agad dun.

Pagkarating ko sa harap ng room kumatok ng ilang besses pero walang nagbubukas. So sinubukan konh katukin sya ng medyo malakas at biglang umangat ng konti yung pinto. So it means bukas talaga sya? Ako lang yung tatangatangang kumakatok?

"Dahan dahan ko syang binuksan at natanaw ko ang isang anino sa di kalayuan. Madilim kasi sa loob eh walang ilaw. Tanging yung liwanag lang sa labas ang nagsisilbing liwanag sa loob. Pansin kong medyo mabigat yung pinto kaya napag desisyonan kong itulak sya ng malakas.

Pero isang kulay dilaw na pintura ang bumuhos sa ulo ko at umagos sa buong katawan ko. At dahil sa pagkabigla umatras ako dahilan ng pagkadulas ko. May naglagay rin ng matika sa sahig. Kaya halos mamilipit ako sa sakit.

Habang nakadapa ako dahil sa pag inda ko sa sakit naramdaman ako na hindi lang ako ang tao sa room na 'to. Teka nasan na ba si parks? akala ko may sasabihin sya sakin? pero bakit ganito ang nangyari? mali ba ako ng pinasukan?

Nang medyo mawala ang sakin sa tuhod ko dahil sa pagkakadulas tumayo ako pero kasabay noon ang pagbuhos sakin ng isang puting bagay na sa tingin ko ay harina.

Unti unting lumiwanag ang buong room ng may magbukas ng ilaw kasabay rin noon ang pagbato sakin ng limang babae ng itlog at mga maliliit na ballons na may kulay pulang tubig sa loob.

"Parks nasan ka na ba?" bulong ko sa sarili ko. Bakit ba nila ginagawa sakin 'to? ano bang ginawa kong masama? Nangingilid na ang mga luha ko dahil sa sakit ng ginagawa nila sakin.

"Tama na please!! ano bang kasalanan ko at ginagawa nyo sakin 'to?" sabi ko. Narinig ko naman ang tawa nila.

"Isa lang naman ang kasalanan mo. Pero buong buhay mong pagbabayaran yun hahahahaha." Rinig kong sabi ng isang babae.

Iniharang ko ang mga braso ko sa mukha para hindi masaktan ang mukha ko pero halos bumagsak na ang katawan ko sa sahig dahil sa sakit ng pagbato nila. Tumulo na ang mga luha ko. Wala akong magawa dahil masyado silang marami.

Hanggang sa nakaramdam ako ng isang matigas na bagay na lumipad sa ulo ko dahilan upang mahilo ako at matumba. Unti unting nagdilim ang paningin ko hanggang sa maaninag ko ang mukha ng isang babae. Pamilyar sya kaya agad ko syang nakilala.

"Briana?" bulong ko. Ngumisi lang sya kasabay ng pagkawala ng aking malay.

(Calix's POV)

Aish!!!! Damn this life!!!! kaya ayokong umuwi dito sa pinas eh kung sino sinong babae lang ipapakilala sakin.

Arrgghh!!! oh well, kung magtatanong kayo kung bakit ako badtrip na badtrip? Dahil yan sa tatay ko. Ipagpipilitan nya ang isang babaeng sakin at gusto nyang maging fiance ko sya. But what the hell!!! iisa lang ang babaeng mahal ko walang iba!

Napasabunot nalang ako sa buhok ko at dahil badtrip nga ako. Napagpasyahan kong dumiretso sa bar kung saan ako tumatambay. But i suddenly saw a yellow paint on the floor . I felt strange, so i decided to enter the room infront of me.

Napakunot naman ang noo ko ng makita ang isang babaeng nakahiga sa sahig na puno ng kung ano ano sa katawan. Napailing nalang ako sa nangyari sakanya. Hindi na bago 'to. Always namang nangyayari 'to. Palabas na sana ako ng bigla syang magsalita.

"Help." mahinang sabi nya. Nilingon ko sya at napansin ko ang pulang umaagos na nagmumula sa ulo nya. Agad agad ko syang tinakbo at binuhat.

Grabe! Alam kong malaki ang kasalanan sakin ng babaeng 'to pero hindi ko pwedeng iwan 'to rito. Baka mamatay pa 'to at ako pa ang mapagbintangan.

Agad ko syang binuhat kaya pati damit ko nadamay na rin sa dumi nya. Aish! nadagdagan nanaman utang sakin ng isang 'to.

Bilis bilis akong naglakad hanggang sa kinaroroonan ng kotse ko. At dahil sa dumi nya. Nag alinlangan pa akong ipasok sya sa loob. Kasi for sure na madudumihan ang baby ko. But fuck! lumalala yung tulo ng dugo sa ulo nya kaya wala akong nagawa at kahit masakit sa loob ko ay pinasok ko na sya sa kotse at agad na pinaandar yun hanggang sa pinakamalapit na ospital.

"Pagkarating ko agad kong binuhat muli si nerdy. At dumiretso sa loob ng hospital may mga nakaabang na nurse naman doon kaya pinahiga na sya sa strecher. Ipinasok sya sa isang room at naiwan ako sa labas. Tinawag naman ako ng isang nurse para daw malaman ang nangyari.

" Sir, Ano pong pangalan ng pasyente?" tanong ng isang nurse pagkarating namin sa isang station nila.

"Uhm.... Nerdy?." sagot ko. Malay ko ba sa pangalan ng babaeng 'yun. Binigyan ako ng hindi-ako-naniniwala-look nung nurse kaya inirapan ko nalang sya.

"Tss. Fine! Sam... Sam Ocampo ang pangalan nya." tumango naman yung nurse. Tsk! so annoying!

"Ano po ba ang nangyari?" tanong nya ulit.

"I don't know!! Just treat her then call me pag gising na sya." sabi ko at umalis na doon. Badtrip na badtrip na nga ako tas ganito pa nangyari!!!!!

(Adriano's POV)

Aish! ano ba naman tong si Sam kanina pa ko tawag ng tawag sakanya pero cannot be reached pa rin, kaya naisipan kong umuwi ng maaga eh baka kasi umuwi narin sya.

sigh

Kung may magbabantay lang sana kay Rechie pupunta ko sa bahay nila Parks. Namimiss ko na kasi talaga sya eh

--rrriiinnnggg---

Papasok na sana ko sa loob ng bahay ng tumunog ang phone ko



[Hello]


[Hello po ahm kamag anak po ba kayo ni miss Sam Ocampo?] Kumunot ang noo ko sa bungad sakin ng tumawag.



[Wait, sino 'to?] Tanong ko nalang.



[Nurse po ako sa hospital na pinagdalahan kay miss Ocampo. Gusto ko lang pong malaman nyo na nandito sya. At kung maari po ay pumunta kayo rito dahil wala pong kasama ang pasyente.] Pagkatapos nun ay nagpasalamat ako sa nurse at agad agad na pumunta sa hospital na sinabi nya. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong magagawa ko kung malubha si Parks, baka mapatay ko kung sino mang nanakit sakanya.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Nerd, He's HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon