1

261 5 4
                                    

(Sam's POV)

"SAMMMMYYYY!!!!! BUMANGON KA NA JAN KUNG AYAW MONG BUHUSAN KITA NG TUBIG JAN!" Hay! Nabulabog nanaman ang masarap na tulog ko sa mala mikroponong bunganga ng kuya ko.

"ANO BA?! MALELATE KA NA!" Naku naman! Makabangon na nga ng matigil na sa kasisigaw ang kuya. Tsk.

"OO NA GISING NA AKO!!!" sigaw ko pabalik at wala naman ng bumalik pa sakin.

Oh! Nga pala. Ako si Samarrien Ocampo. Labing pitong taong gulang. At yung mikroponong sumisigaw? Sya ang kuya ko, si Lawrence Ocampo. Ang gaganda ng pangalan namin no? pangmayaman. Pero yun naman ang kabaliktaran ng pamumuhay namin. Di talaga kami mayaman. Isang nurse nga lang si kuya sa pampublikong ospital. Kulang na kulang naman ang sweldo nya. Kaya lahat nga ng trabahong pwedeng pasukan pinapatos ko eh makatulong lang sakanya. Sya nga pala na deads na ang mga magulang namin kaya heto kami ngayon walang magawa kundi magtulungan. Yung para bang wonder pets. Haha joke.

Alam nyo bang nagawa ko ng mag waitress, janitress, saleslady, singer sa bar, magsaka, pagkacarpentero, kasambahay, baby sitter, at magtutor. Haha pero joke lang yung pagkacarpentero at magsaka ah. Wala naman kasing sakahan rito at di naman ako marunong magcarpentero. Oh sya sige na! Tama na ang drama. Baka malate pa 'ko sa school.

Ginawa ko na lahat ng morning rituals ko saka sinuot ko muna ang aking mahiwagang salamin. Oo salamin. Nerd kasi ako. Pero di naman tulad ng ibang nerd no! Wala nga akong brace eh. Saka naiipit din ako no! Hindi naman kahabaan ang buhok ko eh. Naturingan lang akong nerd dahil bukod sa nakasalaming panget 'DAW' ako ay baduy pa raw akong manamit.

Oh sya makababa na nga. Sigurado akong bunganga nanaman ni kuya ang sasalubong sakin. Uy pero kahit ganyan yan lab na lab ako nyan.

"IKAW SAMY! San ka nanaman ba nagpunta kagabi at anong oras ka ng umuwi ha? Kita mo late ka nanaman!" Sigwa sakin ni kuya. Pagkapasok ko ng kusina.

"Kuya naman! Di ba pwedeng mag Good Morning muna, bago sermon?" Umupo ako sa chair na kaharap ng mesa.

"Ewan ko sayo Sammy! Ang kulit mo talaga. Alam mo bang di ako nakatulog sa kakahintay sayo! Pano kung may maangyaring masama sayo sa labas ha?" Nako naman 'tong si kuya. Umarangkada nanaman pagka overprotective nya sakin.

"Nag over-time kasi ako kagabi sa part time job ko. Sayang din kasi kikitain dun eh. Saka bakit kasi di ka natulog keysa isisisi mo pa sakin na hindi ka nakatulog?" Paliwanag ko. Umupo naman si kuya sa tabi ko at tumingin sakin ng masama.

"Nako!! Kaya ako tumatanda ng maaga sayo eh. Kita mong tinutubuan na ako ng mangilang ngilang tagyawat. Napakatigas talaga ng ulo mo, ilang besses ko na bang sinabi ma wag ka ng magtrabaho at tutukan mo nalang yang pag aaral mo." Sabi ulit ni kuya sabay higop sa kape nya.

"Eh sayang naman kasi kikitain dun. Pandagdag din yun sa mga bayarin natin dito sa bahay no!" Sabi ko naman sabay higop din ng gatas ko.

Sa totoo lang mahirap talaga kami. Pero maayos naman abg bahay namin. Sementado sya, may maayos na pintura, nakatiles pa, maayos ang cr, yun nga lang wala kaming aircon. Malamang kasi mahal yun wala kaming pambili kaya hanggang bintilador lang kami. Maaayos din ang gamit namin dito, may maliit din kaming sofa at dalawang tv. Isa sa sala at sa kwarto ni kuya. Pero maliit lang itong bahay. Tamang tama lang sa aming dalawa ni kuya. Takha kayo kung bakit ganito bahay namin? Eh kasi bago madeads ni mama namin eh may naiwan syang maliit na pera sa bangko ganun din si papa. Kaya napag desisyonan namin ni kuya na ipaayos ang bahay namin para di kung saan saan pang maigastos yun.

"Ewan ko sayo Sammy. Siguraduhin mong safe ka jan ah! Tsk.. tsk.. di na talaga ako makakapag asawa dahil sayo." Aba! Isisi ba naman sakin ang di nya pag aasawa? Anong kinalaman ko dun? Tumayo si kuya mula sa pag kakakaupo at inayos ang mga gamit nya sa ospital.

She's Nerd, He's HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon