NOTE: italicized narration indicates flashbacks.
•••
"Isuksok mo nalang kasi!" Asik ko kay Erin. She couldn't decide whether hahawakan niya ba yung libro o ipapasok niya sa back pack niya. Ewan ko ba dito.
"E ano ba ang mas feminine tingnan? Dadaan kase ako sa classroom nila Stanley, so kailangan poised at fresh akong tingnan di'ba?"
Seriously? Kailangan pa ba 'yon? Hindi ko mapigilang umirap sa mga sinabi ni Erin. "Whatever, Erin."
Tumayo na ako at niligpit ang mga libro ko sa bag at ang iba ay binalik ko sa shelf ng library. I should not argue with this brat. Lahat naman ng sa tingin niyang tama, yun ang susundin niya. So, why would I waste my time suggesting?
"Seriously, Phoebe? What should I do?" Imenuwestra niya pa sakin ang naturang libro.
I sigh in disbelief. "Ilagay mo sa loob ng bag mo. Para walang sagabal. And for you to look neat."
"Really? Diba mas cool 'pag hawak ko lang?"
I rolled my eyes. Bakit pa ba ako nagbigay ng comment? Hindi rin naman niya yun susundin in the first place?
Nagsimula na akong maglakad palabas ng library. Naramdaman ko namang sumunod si Erin sakin.
"Alright, I'm gonna put it in. By the way, nagpunta ka na ba kay Ma'am Robles? I bet she's looking for you." Sabi ni Erin at nilagay na ang libro niya sa loob ng bag.
And then I remember the search for Ms. Hartfeld that Mrs. Robles has told me.
"Yeah, she's encouraging me again to that Beaucon." Sabi ko sa kanya habang paliko ako sa hallway patungo sa next class ko.
"Tama naman kasi si Mrs. Robles, mai-papanalo mo yun for sure!" Erin commented.
Napalingon ako sa kanya. She's smiling ear to ear. Then I wonder kung bakit ba niya ako sinusundan e magka-iba kami ng klase.
"Erin, as far as I remember, calculus ang klase mo." I told her.
Mukhang natauhan naman siya at huminto.
"Yikes! Oo nga pala! Bye, girl! Phoebe pag-isipan mo yun!" Sabi niya at tumaliwas na ng daan.
I just continue to walk heading the Building 194. Where's my next class is.
Speaking of the Beauty contest, hindi naman sa ayaw kong sumali. I just don't want to. And it's not even my first time to join a beaucon. Pero kahit na. Ayaw ko parin.
Grade 12 na ako, and I wanted to graduate in peace. Hindi ko yun magagawa kung sasali pa ako sa contest. And I promised myself na chill nalang ako pag nag grade 12. Well, except sa studies, never akong mag-chi-chill doon.
Masyado kasing stressful ang pagsali sa beauty contest. So, never mind.
"Pheobe!"
Napalingon ako sa tumawag sakin. Indeed, there are two students approaching me. I barely knew them, pero dahil suot nila ang uniform ng Hartfeld, ay hinarap ko sila.
"Pahawak naman nito, please. Saglit lang." Sabi ng isa na sa tingin ko ay third year nang makalapit na sakin at inabot sakin ang isang maliit na box.
Kinunutan ko siya ng noo. Why the hell I would touch that crap!?
Pero huli na dahil naiabot na niya sakin. "Saglit lang talaga, promise!"
"Phoebe," Tawag ng isa pa niyang kasama. Napalingon naman ako sa kanya.
*click*
Napapikit ako sa flash ng camera. Sht did he just took a picture of me?!
"Ayan, marami nang o-order satin ng whitening soap! Inindorse ba naman ni Phoebe Courtney Tanseco!?"
"Phoebe, thank you!" Sabay pa nilang sabi at sabay ding na wala sa harap ko.
What the hell just happened?
I just sigh in disbelief. May class pa ako sa General Chemistry. At mukhang malelate na ako. Kaya nagsimula na akong maglakad.
•••
"Napansin ka naman ba ng Stanley mo?" Tanong ni Marinella sa naka busangot na si Erin.
Nandito kami sa cafeteria ng Hartfeld at sa wakas ay nandito na si Marinella na madalas na kumakalinga sa drama ni Erin.
"Ni hindi man lang siya lumingon, ito kasing si Phoebe eh! Sabi ko na eh, dapat hinawakan ko nalang yung book!" Nag-aalburotong sabi ni Erin.
Mula sa kinakain ko ay dinapuan ko siya ng masamang tingin. "Why blame me? Maybe your plainly not his type."
"Phoebe," Suway ni Marinella. "You're way too mean."
"Eh kasi naman, ba't niya ba ako sinisisi? Kasalanan ko pang hindi siya napansin?"
"Why are you so hot headed? Hindi mo naman madalas pinapatulan si Erin," Sabi ni Marinella at uminom ng iced tea. "Problema mo?"
I rolled my eyes. Binitawan ko rin ang kutsara at tinidor. "Why don't you check your social media, baka sakaling malaman niyo kung bakit."
Kinuha nga nila ang kani-kanilang phone.
"Woah, gumagamit ka ng Dovel Whitening Soap with kojic acid? HAHAHAHA" Natatawang komento ni Marinella.
"Ang daming gustong bumili nung product dahil ikaw ang endorser Phoebe!" Sabi naman ni Erin.
"Excuse me, hindi ko 'yan ini-edorse! It just so happened na pinicturan nila ako habang hawak ko ang product na 'yan!" Singhal ko. Urgh! Umiinit talaga ang ulo ko. Nakaka-irita!
"I'm done!" Tumayo na ako at tinungo ang exit ng cafeteria. Palabas na sana ako nang buksan ito ng dalawang lalaki. Napahinto tuloy ako sa paglakad.
Nagtilian naman ang mga babae sa paligid. Which indicates one thing, he's here.
He's standing in front me, wearing he's infamous grin.
"Phoebe, let's go out on a date."
•••
No soft copies.Plagiarism is a crime.