Kabanata 3

64 9 5
                                    


•••

"Darling tara na baka mahuli tayo sa flight natin!" Narinig kong tawag ni Mommy sa akin mula sa baba.

Nakatingin parin ako sa sarili ko sa salamin.

"H-hindi kita g-gusto.."

Bago pa tumulo ang luha ko, tumayo na ako. "Yes, mom. Bababa na."

Pagkababa ko, nakita ko na si Mommy na ready na. Napag bonding rin kaming lahat nila kuya at insan para wala nang ma-dramang pamamaalam ngayon.

At napag-usapan na hindi na kami ihahatid sa airport. Ayaw kasi ni Mommy nun. Feeling daw niya hindi siya makaka-alis kapag hinatid pa sa airport.

Kaya hanggang taxi lang kami.

"Mag-iingat ka insan. Ma-mimiss kita." Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na mamasa masa na yung mata ni insan. Tingnan mo lang ito. Kagabi pa siya nagda-drama. Haha. Mahal talaga ako nitong insan ko.

"Ikaw din. Babalik ka a."

"Oo naman. Dapat pagbalik ko may boyfriend ka na a."

"Che. Umalis ka na nga!"

Natawa nalang ako at binalingan si Kitty. Isa pa itong pusa ko. Ayaw ko kasi siyang dalhin. Kahit pwede naman kung gusto ko talaga. Kaya lang maaalala ko lang siya kung dadalhin ko din si Kitty. "Babalik ako, Kitty. Promise" Sabi ko at niyakap siya. Si insan na ang mag-aalaga sa kanya.

Nagulat nga ako kasi nagprisenta siyang mag-alaga. E, ayaw niya kaya sa pusa! Haha.

"Hoy, bata! Mag-iingat ka dun a. Wag kang magpapasaway. Mag-behave."

Napatingin ako sa nag salita. Sino pa ba? Edi si kuya Zach. "Oo na po. Tch. Aalis na nga ako. Mommy tara na nga!"

"Hoy, Zoe Claire Fortalejo!"

Lumingon ako. "Bakit?" Taas kilay kong tanong.

"A-alis ka na?" Sabi ni kuya na mukhang nag-aalangan.

"Ano sa palagay mo?"

Yumuko siya. "Tss. Sige alis na."

Tinalikuran ko na siya. Palabas na kami ni Mommy nang tawagin ulit ako ni Kuya. "Zoe!"

"Ano nga sabi--"

Natigilan ako nang yakapin ako ni Kuya Zach. "Mag-iingat ka dun a? Mamiiss ka ni Kuya.."

Napayakap din ako sa kanya. Ganto talaga ang kuya ko. Mahal talaga ako nito hindi lang talaga siya showy. Napangiti nalang ako. "Oo kuya. Mami-miss din kita.."

Sumakay na kami ni Mommy sa taxi. Baka kasi malate na kami sa flight namin. Habang nasa taxi kami, naisip ko..

Handa na ba talaga akong umalis? Hindi ko alam. Makakaya ko kaya? Hindi ko alam. Makakalimutan ko kaya siya? Mas lalong hindi ko alam.

Ang alam ko lang kailangan kong gawin ito.

•••

Kriella's POV

Hindi na ako nagulat sa ginawa ni Zach kay Zoe kanina nung papaalis na sila. Alam ko naman na mahal na mahal talaga ni Zach si Zoe. Hindi nga lang halata minsan. Napangiti ako dahil dun.

Kahit hindi sabihin sa akin ni Zoe kung bakit siya aalis, alam kong dahil yun kay Levi. Alam kong sobrang nasaktan siya nang malaman niya na may nobya na si Levi.

Lahat ng ginawa ni Zoe, si Levi ang dahilan. Yung pagpapagupit at pagpapakulay niya ng buhok, yung paglipat niya ng school, at yung pag-alis niya ngayon.

At alam niyo, may pagkatanga kasi si Zoe. Tanda niyo yung kinakausap ko siya? Tapos akala niya yung mabalahibong pusa yung nagsalita? Ano tanda niyo na? Tanga lang di'ba?

Pero ngayong nabrokenhearted, aba parang medyo tumalino! Nabawasan yung pagkatanga! Hahaha. Btw, hindi ko naman gusto na masaktan siya. Hindi ko nga alam na ganun niya kamahal si Levi. Akala ko dati, puppy love lang ang nararamdaman ni Zoe.

Bata pa naman kasi si Zoe. Ako? Hello? Kasing eded ko kaya si otol Zach! At may pagka-immature kasi si Zoe.

Ayokong makialam kay Zoe. Kahit kabarkada ko si Levi, ayokong manghimasok. Hindi ko sinabi sa kanya na gusto siya ni Zoe.

Ayokong  maki-alam. Hindi ko naman love story 'to no!

"Meow.." Napatingin ako dun sa mabalahibong pusa. Tss. Bakit ba ako nagprisintang mag-alaga dito? Psh.

"Anong kailangan mo?!"

"Meow.."

Hay. Baliw na ako. Kausapin daw ba ang pusa? Haist! Binuhat ko na yung mabalahibong pusa na yun at papasok na sana sa loob nang may biglang magsalita. Alam kong hindi si Zach yun dahil kaka-alis lang niya. Alam kong sinundan niya yung taxi na sinakyan nila Zoe at Tita.

"Pre, si Zoe? Nasan?"

Napatingin ako sa nagsalita.

Levi? Ano daw? Hinahanap niya si Zoe?

"Si Zoe? Pre? Hinahanap mo si Insan?"

Tumango siya. "Can you please tell me, where is she?"

Anong nangyayari sa world?

"Levi kaka-alis lang nila...."

"Kakaalis? What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong.

"Levi sumama si Zoe kay tita. Doon na siya mag-aaral sa States.."

"What?!"

"Levi, saan ka pupunta?! Hoy!" Tawag ko kanya. Hinabol ko pa nga e. Papunta na kasi sa kotse.

"Susundan ko siya!" Sigaw niya sa akin.

"Huh? Bakit mo susundan?!"

"Fck Kriella! Mahal ko si Zoe! Kailangan ko siyang sundan!"

Ano mahal niya si Zoe?

Amputa, wrong timing naman 'tong si Levi oh! Anaknampupu. Baka hindi na namin sila abutan! Pakshet!

•••

Destined To Love (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon