Epilogue

42 4 7
                                    

•••

Nandito ako ngayon sa may mall at nagliliwaliw. Titingin ng kung ano ano, bibili ng kung ano ano. Ganun lang. Pampatanaggal boredom.

Kung tinatanong niyo kung bakit ako wlaang pasok sa school, kasi bakasyon ngayon! Hello? March kaya ngayon!

Kaya nga ako nga rin umuwi ng Pilipinas ngayon e. Huehue!

Halos isang linggo na rin nula nang bantayan ko si Levi nang magkasakit siya.

Matapos nun lagi na siyang pumupunta sa amin. Akala ko nung una, sila kuya at insan ang pakay niya. Pero ako pala ang hinhanap ng mokong.

Pero syempre hindi ako lumalabas ng kwarto. Nagkukunwari akong tulog. Minsan naman busy. Kahapon nga ang naging excuse ko e... Guess what?

Haha! Nilalagnat si Kitty! That's right!

Kung bakit ko iniiwasan si Levi? Simple lang ayoko na kasi.

Sawa na kasi akong masaktan.

Alam niyo yung ginagawa ni Levi? Kasakiman. Sabi niya sa akin four years ago, hindi niya ako gusto. Tapos all of a sudden ganito? Tss. Makasarili siya. Hindi niya ba naisip na masakit yung gingawa niya?

Hindi niya ako gusto. Period.

Pero ano yung ginagawa niya? Sa ginagawa niya kasi binibigyan na naman niya ng pag-asa yung pesteng tumitibok tibok dito sa gitna ng lungs ko. Peste.

*Ring*

Kriella's Calling...

"Hello? Insan! Napatawag--"

"ZOE! SI ZACH! NANDITO SIYA NGAYON SA OSPITAL! PUMUNTA KA! DALIAN MO!"

Binuhay ang kaba sa dibdib ko. Dali dali akong nagpunta sa ospital sa sinabi ni Kriella.

"Miss, nasan si Zacharias Fortalejo? Saan dinala? Pakibilisan po miss." Nagpapanic na sabi ko sa nurse na on-duty.

"Zacharias Fortalejo? Uhm, room 2056. Miss." Sabi ng nurse. Agad naman akong tumakbo para hanapi kung nasan yung sinabing room 2056. Nasan na ba yun?

May nakasalubong naman akong lalaking nurse at agad na tinanong yun. "Excuse me, nasan po yung room 2056?"

"Wala po kaming room na 2056. Hanggang 2055 lang." Sabi nung lalaking nurse. Tapos bigla siyang may naalala. "Ah, miss dito po sunod lang po layo sa akin."

Sabi niya at sumakay na ng elevator. Pagkalabas namin, diretso kami sa may.. rooftop? Ako ba pinagloloko nito?

"Rooftop?"

Di makapaniwalang sabi ko sa kanya. "Hinahanap ko ang kapatid ko. Wala siya dito. Rooftop 'to di'ba? Nasan ba yung room 2056?" Medyo naiirita na ako dito kay kuya a.

Kailangan ako ng kuya ko. Baka kung ano nang nangyari dun. Tss.

"Maiwan ko na po kayo. Nandito po talaga ang room 2056. Sige po."

Destined To Love (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon