Kabanata 08

169 2 0
                                    

KABANATA 08: GUHIT AT TULA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABANATA 08: GUHIT AT TULA

NAKARAMDAM ako ng pagtapik sa aking braso. Minulat ko ang aking mugto mata at pinagmasdan ang paligid. Nasa silid panahian pa rin ako ni Tita Rema. Yakap ko ang mga laruang ginawa niya para sa akin at lalo na si Al ang pambihira at kaakit-akit nitong itsura.

"Dito ka lang pala namin mahahanap," nadinig ko ang boses ni Wila sa silid kaya napalingon ako sa kanyan.

Kasama niya si Jokwa nakangiti silang dalawa sa akin. Tila may maganda silang ibabalita sa kabila ng mga problema at pagsubok na dumaan nitong nakaraan ay parang may liwanag. Nakabihis sila ng maayos at maaliwalas parang may pupuntahan kami kung saan at sapagkat ako na lamang ang hinihintay nila.

"Halika't kanina ka pa hinihintay," saad ni Jokwa.

Napakunoot noo ako at akma na sanang aalalayan ni Jokwa tumayo, "Kaya ko na. Ako na," mabilisang saad ko, pansin kong kapwa sila nagtinginan ni Wila.

"Iba talaga ang nagagawa ng galit at lungkot. Babaguhin ka nito para maging matatag at hindi ko na kayang hintaying maging matatag at matapang ka, Kahel," nadinig kong bulong ni Wila sa tabi.

Sinundan ko silang maglakad palabas ng bahay nila Tita Rema at tungong kusina ng aming bahay. Katahimikan lamang ang bumabalot sa kapaligiran.

Sa buong silid ay nakita kong nakatayo si Tatay at nasa gilid naman si Kuya Abe. Puno ako ng pagtataka sa paligid. Hindi ko alam kung anong salita ang una kong bibitawan.

Paglapit ko sa tapat ni Tatay sa bandang mesa ng kusina ay seryoso niya akong tinignan sa mukha. Seryoso ang itsura nilang lahat at nakakapagtaka.

"Ano pong nangyayari?" wala sa sariling tanong ko sabay kamot sa ulo.

Biglang binagsak ni Tatay sa mesa ang isang papel at gumawa ito ng nakakagulat na ingay ang bigat ng kanyang kamay. Kunot noo kong pinagmasdan ang gusot na papel at ang katiting na sunog sa gilid nito.

"Ang sulat mula sa palasyo," saad ko sa isipan at medyo gumuhit sa aking labi ang ngiti nang mapagtanto kong alam ko na ang mangyayari.

"Nakapagpasya na kami ng Kuya Abe mo. Sapat na ang mga dahilan at rason na ibigay ng kaibigan mong sina Wila at Jokwa upang kumbinsihin kami na magtungo ka o kayo sa palasyo."

Pansin ko ang ngiti sa mukha ni Kuya Abe nang dumapo sa kanya ang tingin ko, marahil dala nang pagkagulat mula kasi sa nakakapagtakang bilaang desisyong sinaad ni Tatay. 

"Hindi ba't ito na ang iyong gusto," maligayang bulong ni Wila sabay siko sa braso ko.

Tila wala akong maibigay na itsura ng mukha buhat ng hindi ko malamang emosyong naghahalo-halo sa aking puso.

"Pinag-isipan ko muna ito ng sampung beses bago tuluyang pumayag," seryosong saad ni Tatay at pilit niyang inaabot sa akin ang papel.

Ang kalambutan ng puso ko ay parang natutunaw sa kakaibang nadarama.

Elohim and SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon