Kaiken Xoie Zamora's Pov
"Kai. Karl , Halina na kumain na kayo. Malelate na kayo sa school" sigaw ni Mamay mula sa baba.
"Opo. Pababa na po." sagot ko naman. Binatones ko na yung uniform ko. Kinuha ko na 'yung bag ko at bumaba.
Nakita kong nasa hapagkainan na ang makulit kong kapatid na ang lapad ng ngiti.
Ano kayang nakain nito?! Eh hindi pa mn din kami nag-aalmusal?!
Umupo ako sa tabi nya sabay bating "Beautiful sunshine bunso :) . Halos mapunit na 'yung labi natin kakangisi ah"
"Hahaha. It's good to start the day with a smile. Diba ate?" sagot naman nya sa akin at kimindat.
Seriously, anong nakain ng batang 'to? Siguro lumunok 'to ng isang dosenang magic sarap para lumabas si Kris Aquino at tatanungin sya ng 'Anong nakain mo?' Hahahaha
"Eto na'ng ulam" excited na inilapag ni Mamay ang platong may lamang hotdog at itlog.
"Mmmm, ang sarap nyo po talagang magluto May" wika ng oa kong kapatid. With matching pikit pikit pa na ani mo'y nakakain ng lechon. Tsk.
"Weee? Mana ka talaga sa Papay mo. Bolero" sabay gulo ni Mamay sa buhok ni Karl. Agad na tinapik ni Karl ang kamay ni Mamay. Napatingin naman si Mamay sakin at sabay na tumawa. I think we're thinking the same thought.
"Ang oa mo Karl.Hahaha. Uyy ang kapatid ko nagbibinata na!"
"Guluhin nyo na lahat, wag lang ang buhok ko. Nakakapagod mag gel." sabay subo ng kanin .
Natawa nalang kami sa inasta ng kapatid ko. Mga lalaki talaga oh. Tsk!
Kagaya ni Karl kumain nalang ako. Baka ubusan pa ko nito.
"Ay nga pala May, kailan uwi ni Papay?" pagtatanong ko kay Mamay na ngayon ay nasa kusina at nagluluto ng mga ulam na ibebenta namin sa aming karinderya.
"Ang sabi nya sakin nung huli syang tumawag nak, baka sa Pasko pa"
Awtomatiko namang ngumiti ang labi ko ng marinig na sa Pasko ang uwi ng Papay. Sa wakas makukumpleto kami ngayong Pasko.
Ay oo! Bago ang lahat. I would like to acquint myself. Ehem!Ehem! Ako po so Rakilita dela Cruz a.k.a Raki! Ay teka ano ba! Joke lang.
Okey okey. Serious mode na. Hi po! ako po si Kaiken Xoie Zamora. 16. Graduating na sa hayskul, 5'3, kulot 'yung hair ko mana kay lola, ano pa ba ... hmmmm.. pangalawa sa tatlong magkakapatid. Thank you.
Yung magandang babaeng nagluluto sa kusina (turo sa kusina) ay ang Mamay ko. Si Karlota Zamora. Masarap magluto yan. Yung Papay ko naman ay isang Seaman and his name is Xakarias Zamora. I have two handsome siblings. Oldest si Kuya Ken. Kenneth Xebastian Zamora. 6 yrs. ang agwat namn. Ang layo noh? . He's working in London as a registered nurse. At ito namang katabi ko na ang lakas kumain ay ang 12 years old brother ko na si Karl Xedrick Zamora. First year highschool na yan kaya kung magbinata ang oa. Kala mo kung sinong matanda. Hahahahaha.
"Hoy Kai!"
"Ay matanda!" balik ulirat ang show ng may sumigaw sa tenga ko.
"Tinong matanda?!" nakapamewang nyang tanong sa akin.
"Aahh... wala po Tita Babes. Ang sabi ko po ma.. ma.. maganda. Tama maganda. Maganda. Sobrang ganda nyo po Tita Babes. Bagay sa inyo ang blue na eyeshadow. He..he"
"Talaga!? bagay takin? Bagay ang blue aytyadowt?" nagningning naman ang mga mata nya. Ngumiti at tumango nalang ako as a response.
"Oh glatet mo" saka nya kunuha ang eye glasses ko mula sa kwelyo ng blouse nya at isinuot sa akin.
BINABASA MO ANG
Panget Canton❤
Teen FictionLove is magical. Love moves in mysterious ways. Love is the reason of everything.