Kai's Pov
"Po!? kasing edad ko lang?" tumango-tango lang si Mr. Harington as an answer.
Ha!? Paano ko naman tuturuan yun? Ano ituturo ko 1+1 ? Haaay.
"Actually hija, today is his first day in the academy. And I've alredy suggested to the principal that you and my grandson will be classmates and if possible, seatmates, that's much better." paliwanag ni Mr. Harington.
" Aa.. Sir mawalang galang na po, pero ano po bang ituturo ko sa kanya ?" sabi ko sabay kamot sa batok.
"Everything."
"Pati po yung lesson ko nung elementary?"
"Haha You're funny hija. What I mean is, guide him in every lesson. Make sure that he'll never get a pasang-awang grado."
"Hindi po ba nag-aaral ang apo nyo?" tanong ko.
Tumayo si Mr. Harington tapos " *sigh* Honestly hija, yung batang yun ang tamad mag-aral. Last year, he dropped and didn't finish school. Kung pumapasok man sya, magkacutting classes din. "
"Di ko na talaga alam gagawin ko dyan sa batang yan. This is his last chance. Di ko rin alam kung ba't sya nagkakaganyan. After this, pag di pa sya tumino, I give up." umiling iling si Mr. Harington. Kawawa naman sya, kitang-kita mo sa kanya ang disappointment.
"Mr. Harington, ano po bang pangalan ng apo nyo?" kanina pa kami nagchichikahan about sa apo nya pero di ko pa alam ang pangalan.
"Alexander Kierk Quinton." sagot nya. Hmm. Gwapo ng pangalan ah .. sana gwapo rin sa personal hehe.
"Sige po. Susubukan ko po kung anong maitutulong ko."
Author's note: Ganito po basahin fullname ni Aki. Aleksander Kirk Kinton.
Salamuch :-*
Tinkookie<3
©===========================================©
Nasa classroom na ko ngayon, kumakain. Break na rin nong matapos kaming mag-usap ni Mr. Harington. Nakakagutom.
"Talaga!!??" pasigaw na sabi ni Nishi.
"OA ha!. Oo nga. Magiging tutor ako ng apo ni Mr. Harington." sabi ko kay Nishi . Tapos kinagat ko na yung turon na baon ko. Nagbabaon talaga ako. Ang mahal ng pagkain dito. Di ko reach.
Naikwento ko na rin kay Nishi yung nangyari sa kin kanina. Yung naapakan kamay ko, yung may nakita akong alien na baliw at pati na rin yung napagkasunduan namin ni Mr. Harington.
"Ang swerte mo naman! Nakaka-inggit!"wika ni Nishi at kumagat ng malaki dun sa baon nyang burger.
"Anong nakakainggit? Ang sabihin mo nakakapagod. Ikaw kaya gawing personal tutor plus tagabantay pa. Nakakapagod kaya nun! Para kang yaya!" salungat ko.
"Sabagay. Magiging responsibilidad mo na rin sya." sang-ayon nya then she sip her drink.
Napatigil naman sya sa pag-inom tapos tiningnan ako ng nakakaloko. Minsan talaga ang weirdo rin nitong si Nishi.
"Uuuyyy! May jowa na sya!! Ayyyiee!" tinusok tusok pa nya yung tagiliran ko.
"Tumigil ka nga! Anong jowa? Nakarugby ka ba!?"
"Hahaha. Alam mo ang slow mo! Di mo ba gets ang situation nyo?!
Tuturuan mo sya, babantayan. At higit sa lahat, Responsibilidad mo na sya. Sino pa bang taong gagawa nyan?. Edi yung magjowa! For short, instant boypren mo sya!! Uuyyy!"
BINABASA MO ANG
Panget Canton❤
Teen FictionLove is magical. Love moves in mysterious ways. Love is the reason of everything.