Kai's Pov
Badtrip akong nagpunta ng klasrom. Kainis ng lalaking yun.Mas lalo tuloy akong nalate kakahagod ng kamay kong inapakan ng higante. Grabe ang lalaking yun, ang laki ng paa. Halos mamanhid buong kamay ko. Nabalian yata ako ng buto. T_T
Nung nasa tapat nako ng pinto ng klasrom, humugot muna ako ng lakas ng loob. Papatayin talaga ako ng sermon ni Mrs. Vellalez nito. Para pa naman 'yung mangangain ng tao pag nagagalit. At ang isang bagay na nakakagalit sa kanya ay 'yong mga estudyanteng nalelate.
Nung minsan nga nalate yung isang kaklase namin, halos kagatin na nya sa laki ng bibig nya kakasermon. At di pa sya nakontento, pinalabas nya at ni-lock ang pinto atsaka nag-ambush test. Tsk. Ang terror! Kaya bihira ng may malate sa'min every Monday, Wednesday at Friday. Sya kasi first subject.
Tsk. Bumalik na nga tayo sa sitwasyon ko ngayon. Ang daldal ko talaga.
Pinihit ko na yung doorknob. At dahil sobrang swerte ko ngayon. As in. Sa sobrang swerte ay nalockan na ako. Hay. Pa'no nako nito? Pano kung nag ambush test na naman yun? Ayy! Pa'no nalang yung scholarship ko? Grrr! kasalanan kasi to nung lalaking yun.
Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa inis?.Napaupo nalang ako sa sahig.
" Argh! ang bobo mo Kai!" sabi ko sa sarili ko at sinampal sampal at sinabunutan ang sarili ko.
"Pathetic."
Natigil naman ako sa kaka-emote ko ng may narinig akong nagsalita. Gosh! may nakakita sa ka-OAhan ko?
Pagtingin ko, may alien. Grabe normal pa ba 'tong taong to? Ang tangkad tapos ang puti. Lumalabas pa kaya 'to sa kanila? Parang di naarawan eh. Parang ngayon ko lang rin to nakita rito sa academy.
Pero teka nga, parang his face sounds familiar ay este his face looks familiar. Saa-- Ay leche flan! Ito yung halimawng umapak sa kamay ko. At ano sabi nya ? Pathethic!?
"Walang modo." sagot ko naman sa kanya tapos umirap.
Mukhang di nya ito narinig dahil naka earphones sya. Nasobrahan siguro sa radiation ang mga ugat kaya ang gaspang ng ugali.
Ilang minuto na 'kong nakaupo rito sa sahig. Medyo sumasakit na rin yung pwet ko. Samantalang 'yung mokong, nakasandal lang sa pader habang nakapikit at nakikinig pa rin dun sa earphones nya. Bahala nga sya dyan, sana pumutok yung ugat nya sa binti kakatayo.
Binuksan ko na lang yung libro ko at makapagstudy na lang ako kaysa pagtuonan ng pansin ang alien na yan. >: |
Maya-maya pa'y may narinig akong mumunting padyak na para bang may sinusundang beat. Marahan kong nilingon ang pinanggagalingan ng nakakiritang tunog na 'yun. Huhulaan ko si Alien na naman 'to. At tama ang alien nga ang gumagawa ng irritating sound na yun. Nakapikit pa.
"Ang ingay!" padabog kong isinara ang libro. Ngunit tila bingi ay di nya 'yon narinig at patuloy pa rin sa pagpadyak na ngayon ay mas malakas pa kesa nung una.
Aiishh! Kai bogets lang? pa'no ka maririnig nyan eh naka-earphones! :|
Hmp! kainis! hindi ko na lang sya pinansin at binuklat uli ang libro ko.
Nang-iinis ba 'tong taong to o nang-iinis. Imbes na tumigil at tumahimik dahil may nag-aaral eh mas nilakasan pa talaga.Babatuhin ko na sana sya ng libro ng bigla na lang akong natawa ng tingnan sya. As in humagalpak talaga ako ng tawa.
Napansin siguro nya akong humahalakhak dahil tumigil sya at tinignana ako ng masama.
Tinanggal nya yung earphones nya saka nagsalita "What the fudge is your problem!?" Umayos sya ng tayo. " Are you really out of your mind !?" nakakunot na yung noo nya.
BINABASA MO ANG
Panget Canton❤
Teen FictionLove is magical. Love moves in mysterious ways. Love is the reason of everything.