Dear Diary, alam mo ba
Nakita ko nanaman ang aking sinisinta
Di ko akalaing sa aki'y ngingiti siya
para akong nabato at pwede nang himatayin talaga
Dear Diary, alam mo ba
Sa gabi di ako makatulog dahil sa kanya
Nangangarap ako na katabi ko siya
Kailan ko kaya maipagtatapat aking nadarama?
Dear Diary, alam mo ba
Natatakot ako na baka maunahan ng iba
Pwede bang kahit babae, ako nalang ang mauna?
Pwede bang ako nalang ang manligaw sa kanya?
Dear Diary, alam mo ba
Araw-gabi pinagdarasal ko na sana
Ako'y gusto rin niya
Sana kaming nang dalawa.
Dear Diary, alam mo ba
Damdamin ko'y lumalala
Hindi na ata 'to paghanga
Siya'y mahal ko na ata.
Dear Diary, alam mo ba
Ilang araw nalang sa hayskul ako'y magtatapos na
Pero di ko parin naaamin sa kanya
Lagi nalang inuunahan ng kaba
Dear Diary, alam mo ba
Pagkatapos ng graduation ceremony nilapitan ko siya
Iaabot ko na sana ang love letter ko sa kanya
Pero di nanaman yun nagawa, sa takot na husgahan ako ng mga matang nakatitig saming dalawa
Dear Diary, alam mo ba
Di ko na matiis aking nadarama
Bumalik ulit ako sa kanya
Pero nalungkot ako kasi wala na siya.
Dear Diary, alam mo ba
Winaglit ko yong pagsisising nadarama
May kolehiyo pa naman at magigiging schoolmate ko pa siya diba?
Pag nagkita kami dun, di na ako magpapatumpik pa.
Dear Diary, alam mo ba
Unang araw sa kolehiyo hinanap ko siya
Pero tanging kaklase niya lang aking nakita
Tinanong ko't sinabi niya, sa malayong school na pala siya.
Dear Diary, alam mo ba
Ilang taon na, di parin kami nagkikita
Nananabik na talaga ako sa kanya
Punong-puno ng pagsisisi aking nadarama.
Dear Diary, alam mo ba
Di ko na mapigilang di umiyak pa
Tila nawawalan na ako ng pag-asa
Magkikita pa kaya kaming dalawa?
Dear Diary, alam mo ba
Hanggang ngayon hinihintay ko siya
Halos gabi-gabi ako'y lumuluha
Ako kaya? Naaalala din niya?
Dear Diary, alam mo ba
Nahihirapan na ako saking nadarama
Tila yung lungkot lalong lumalala
Kailangan ko na ba talagang kalimutan siya?
Dear Diary, alam mo ba
Nagmo-move-on na ako sa kanya
Sana sa susunod pag naalala ko siya
Di na ako muling luluha pa.
Thank you sa pagbasa. Sana nagustuhan niyo. Sana abangan niyo pa yung mga paparating na stories ko. Sana e-vote niyo rin po.At e-comment ang reaksyon niyo sa tula ko. Kung may mali man paki-consider nalang po. Thank you po ulit :)
BINABASA MO ANG
Dear Diary, Alam mo Ba
PuisiSa tulang ito ay naisipan kong ilabas ang nararamdaman ko. Aminin na natin na ang Diary ay isa sa importanting bagay sa buhay ko o ninuman dahil dito pwede kong ibalik ang nakaraan sa pamamagitan ng pagbabasa. Mga alaalang ayaw kong malimutan kahit...