Chapter 4: I Saw Rainbows

13 0 0
                                    

Nathan's POV

"Hindi ba mga pulis 'yun?", sabi ko pa pagkarinig sa parating na sasakyan.

Tumakbo ako papalapit kay 'box girl' at hinila ang braso niya.

"Takbo!!"

"Teka.. Bakit?!"

"Basta!!"

Nakita rin kami ng mga kaibigan niya na tumatakbo kaya naman tumakbo na rin sila.

"Hoy!! Tumigil kayo!!", sigaw pa ng pulis.

Mas mabilis pa kaming tumakbo upang hindi maabutan. Hanggang sa napahiwalay na kaming dalawa sa mga kaibigan niya.

"Dito.. Hindi na nila tayo masusundan siguro dito.."

Ilang sandali pa'y may naglalakad na pulis malapit sa tinataguan naming likod ng isang bahay.

"Haa.. Haa.. Bakit ba kasi tumakbo ka?", tanong niya.

"Eh kung mahuli tayo? Siyempre sasabihin ng mga tukmol na pulis na 'yun na kasama tayo nung mga hinahabol na mga bwisit na 'yun.. Dapat nga magpasalamat ka pa eh.."

"At bakit naman ako magpapasalamat sa'yo, aber?"

"Shh.. Wag kang maingay.. May paparating.."

"Haa?"

"Mas mabuti pa tanggalin mo na 'yang suot mong box.. Lalo tayong paghihinalaan kasi suot mo 'yan.."

"Ayoko! Bakit ba? Siguro kaya ka din tumakbo kasi may atraso ka din sa mga pulis ano?"

"Teka, bakit ka ba nagagalit?"

"Kasi sa halip na nakauwi na ako, nadamay pa ako sa kalokohan mo.."

"Sinabi ko ba na madamay ka?"

"Pero nadamay na ako!!"

"Bakit ba hindi mo na lang tanggalin 'yang box sa ulo mo?"

Sinimulan kong agawin at alisin ang suot niyang box.

"Ano bang problema mo?! Yah!! Nathan Song! Bakit ba?!"

"Ano ba talagang meron sa mukha mo at itinatago mo.. Tanggalin na natin 'tong-"

"Wag!! Ano ba?!!"

Hanggang sa naalis ko ang suot niyang box. Natigilan ako sandali. Yung buhok niya, mga mata niya, yung labi niya. Yung alam mo na nakita ko lahat.

Sobrang ganda niya.

"O ang isang katulad mo.. Ay di na dapat pang pakawalan.. Alam mo bang pag naging tayo'y.. Hinding hindi na kita bibitawan.. Aalagaan ka't di pababayaan.. Pagkat Ikaw sakin ay prinsesa.."

Pero bakit kailangan niyang itago? Bigla siyang nawalan ng malay sa harapan ko. Saka lang bumalik ang isip ko sa kung ano ang nangyayari ngayon.

"Hoy 'box girl'.. Choi Inna.. Hoyy gising!! Hello 911.. May nawalan po ng malay dito sa malapit sa Hansung High.. Pakidalian po.. Pumunta na po kayo dito.."

Inna's POV

"Am I still sleeping? Uyy!! Woah! Unicorns!! At si Ice Bear din.. Ang ganda naman ng lugar na to.."

Ang daming rainbows. And almost my surroundings were colored pink. In fact, wala akong hindi magugustuhan sa place na 'to. Halos habulin ko pa 'yung mga rabbit, ice cream at marshmallows na nagsasalita at maging si Ice Bear.

School 2017: My World Outside the Box [Taglish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon