Nathan's POV
"Hindi ba siya si Nathan Song?" ,
"Yung gangster na galing sa Dokdo Public High? Anong ginagawa niya dito?" ,
"Ewan.. Pero di ba kaya lang naman siya tinanggap doon dahil sa Taekwondo Club ng school na 'yun?" ,
"Basta mag-ingat na lang tayo sa kanya.. Balita ko maraming schools ang hindi tumanggap sa kanya kasi marami siyang away kalye na nakasangkutan.. Napapahamak daw tuloy 'yung adviser niya.." ,
"Naku! Nakatingin siya.. Mabuti pa eh lumayo na tayo dito..", narinig kong usapan ng ilang estudyante malapit sa kinatatayuan ko.
Hindi ko maiwasang mainis. At napahigpit na lang ako ng tikom ng aking mga kamay.
*FLASHBACK*
Totoo ang mga sinabi nila. Palibhasa nga kasi nagsimula ako noong pumasok sa isang private school.
Maganda ang reputasyon ng pamilya namin noon. Kilala, maimpluwensiya at kabilang sa angkan ng mayayamang tao sa Korea noon.
Isang araw noon. May nakita akong isang batang naglalaro ng bola ng football malapit sa isang basurahan.
Marumi, may mga punit ang damit at sira ang kanyang mga sapatos. Lumapit ako sa kanya at nakipaglaro.
Masaya ang mga sandaling iyon. Pakiramdam ko ay malaya kong nagagawa ang gusto ko. Nang bigla akong tawagin ni Papa."NATHAN! Lumapit ka rito!", sigaw pa niya.
"Sandali lang po..", sagot ko.
"O heto.. Kailangan niyo 'yan para may pambili kayo ng pagkain at bagong laruan mo..", sabi ko sa bata.
Masaya niyang tinanggap ang ilang perang papel at barya. At saka naman ako tumakbo papalapit kay Papa.
"Hindi mo dapat ginagawa ang mga bagay na 'yun.. Malayong-malayo sila kung ikukumpara sa atin.. Wag ka nang lalapit ulit sa kanila.. Naintindihan mo ba?", naiinis niyang sabi sa akin. Nakangiti naman si Mama.
"Nathan.. Mag-uusap tayo mamaya sa bahay ha?", sabi pa ni Mama.
Nang makarating sa bahay, pumasok si Mama sa kwarto ko.
"Mama.. Mali po ba ang tumulong sa iba?", tanong ko.
"Hindi anak.. Tama lang ang ginawa mo.. 'Yun ang tamang pakikipagkapwa-tao.. Walang mababa o mataas na tinitingnan sa lipunan.. Ang pagtulong ng maluwag sa kalooban ay isang magandang bagay.. Pero wag mo na ulit gagawin sa harap ng Papa mo.. Siguradong magagalit 'yun, ok ba 'yun?""Pero bakit 'Ma?"
"Maliit ka pa anak.. Maiintindihan mo ang lahat kapag dumating ka na sa tamang gulang..", dagdag pa niya.
Makalipas ang ilang taon. Isang gabing malakas ang ulan. Nasa loob lang ako ng aking kwarto habang nakikinig ko ang pagtatalo nina Mama at Papa.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at napansin kong may pasa si Mama sa mukha at binti at sugat naman sa kanyang kaliwang braso. Agad ko naman siyang nilapitan para ipagtanggol sa pananakit ni Papa.
"Napakawalang kwenta mong babae.. Hindi mo alam na ang lahat ng ginagawa ko ay para sa'yo..", galit na sabi ni Papa.
"Sa tingin mo tama ka pa rin Nestor? Kasama na ang pananakit mo sa akin.. Hindi ka ba nahihiya sa anak mo? Nakikita niya kung anong ginagawa mo sa akin..", lumuluhang sabi ni Mama.
"NAGPAPAKAHIRAP AKO.. TAPOS KUNG ANU-ANO ANG SINASABI MO?"
"Hindi mo ba napapansin? Ginagamit ka lang ng ama mo.."
"MANAHIMIK KA!" Nakakita ako ng isang tinidor sa sahig at agad ko itong pinulot.
Humarang ako sa harapan ni Mama at sinabing,
"Subukan mong saktan si Mama, kung hindi ikaw ang sasaksakin ko.."
BINABASA MO ANG
School 2017: My World Outside the Box [Taglish]
Fiksi RemajaEverything around me is dark and apertures in the holes of my box were the reason I can see things around me. Frankly I hate other people to see me. I'm so ashamed for I was so UGLY.