Chapter 5: The Happy Coaster In A Gloomy Day

14 0 0
                                    

Inna's POV

"Hi Beshie Krish, Hi Leyn, Keiko.. Kamusta kayo? Namiss niyo ba ako?", nakangiting bati ko sa kanila.

"Hindi ba't si Irene yan? Bakit siya nandito sa classroom?", sabi ni Nash.

Narinig ko na pati 'yung taga kabilang classroom ay sumilip na rin sa bintana.

"Anong kaguluhan na naman 'yan? Magsipasok kayo sa mga classrooms niyo..", sigaw pa ni Teacher Lee.

Walang nagawa ang karamihan kundi sundin ang utos ng guro. Ang medyo nakakahiya sa pakiramdam ay 'yung pagtinginan ka ng maraming tao.

"Kamusta kayo classmates..", mahina kong sabi.

Naghiyawan naman ang ibang lalaki sa classroom. Napansin ko pa na nakatingin si Song Song sa akin. Kita ko na para bang naguguluhan ang kanyang mukha. Iniwasan ko siya ng tingin dahil sa galit pa rin ako sa kanya. Pumasok naman si Teacher Kim sa classroom.

"Ok guys.. Hmmm.. Oh.. Hi Ms. Choi.. I see that you're fine now.. Again class.. I really hate bullying.. Kaya naman kapag may nangyari, either narinig ko from someone or nahuli ko sa akto, sa guidance office na lang tayo mag-usap.. Is that clear?"

"Yes Sir..", sagot ng karamihan.

"Ok.. Great! So let's start your exam.. Pag-abot ko ng papers sa mga nasa unahan please pass it backwards.."

Hanggang sa natapos akong magsagot. May mga ilan na nauna sa akin. Pero di na bale, ang mahalaga kailangan kong makapasa.

Few minutes passed, natapos din silang lahat. Medyo maingay na kami kasi nagkameron pa ng comparison sa sagot ang ilan.

"Beshie.. Uyy..", sabi ng tumapik sa akin.

"Bakit?"

"Waaaaahhh!!!", sabi nina Kriesha at Rhaine.

"Anong problema?", tanong ko.

Lumapit si Kriesha at pagkatapos ay pinisil at hinila niya ang mukha ko.

"Araaayyy Kriesha! Ano bang ginagawa mo?"

"Waaaaaahhh!! Irene.. Irene.. Kakasayaw mo lang kanina.. Lumabas ka sa katawan ng babaeng ito..", sabi ni Rhaine.

"Keiko.. Helllppp!!", naiiyak kong sabi.

"Paano nga kasi hindi sila makapaniwala sa nakikita nila.. Kahit ako nagulat din ako.. Wait.. Nagamit mo ba 'yung outlines na ipinahiram ko sa'yo?", tanong ni Keiko.

"Oo.. By the way thanks sa notes, Keiko..", sabay about ng notes sa kanya. Pero sa halip na 'yung notes niya ang kunin niya, hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang lambot talaga ng kamay mo beshie.. Feeling ko inlove ako ulit..", sabi ni Keiko.

"Baby Cakes.. Sa akin siya..", sabi ni Rhaine.

"No! She's mine.. Hindi mo pwedeng agawin ang talagang akin..", sabi ni Keiko.

Niyakap ko silang tatlo at sinabing, "Sa inyo lang talaga ako di ba?"

"Bumalik na talaga si Inna..", sabi ni Keiko.

"Ahmm.. Ms. Bae.. I mean Ms. Choi.. I'm Shawn.. Nice to meet you..", sabi ni Shawn sabay hawi sa buhok niya.

Inagaw ni Kriesha ang kamay ni Shawn at nakipagkamay dito.

"Nice to meet you din daw..", sabi ni Kriesha.

"Ikaw talaga bansot.. Lagot ka sa akin mamaya..", nakangiting sabi ni Shawn.

"Subukan mo lang..", bawi ni Kriesha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

School 2017: My World Outside the Box [Taglish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon