"WALANG FOREVER ! WALANG FOREVER! Walang hiyang malandi hindi naman gwapo!" ani ko. Hay nako sa dinadami ba namang lalaki sa mundo na punta pa ako sa walang kwenta? Tsssss ! "Hoy impakta! Tumahimik ka nga dyan, dati ang proud mo sa boyfriend mong singkit ngayon magkakaganyan ka?'' Sabi na man nang kaibigan kong si May. "Correction madam , 'EX-BOYFRIEND' ! Duh , ang landi ." Inis kong sabi. Binagsak ko talaga yung word na EX para maramdaman ang intensity ! Charot .
Nandito kami ngayon ng bestfriend kong adik sa spongebob na si MAY ROMERO sa Soccer field, tambayan namin ito during vacant namin. Eto lang naman yung magandang tambayan, presko ang hangin, walang estorbo, at nasa harap lang nang school namin. Di namin trip ang mag shopping at maggala sa mall, pareho naming gusto lang magchill sa sariwang hangin. Kulang nalang ay tumira kami sa bukid . Pareho kami nang course ng bfriend ko, BS Aircraft Maintenance sa Aeronautica de Cebu University, ewan ko ba sa babaeng ito bakit nagAMT eh Tourism ang gusto nito.
"Wag na oa madam, mag scan ka nalang nag notes mo at may quiz pa tayo sa Chemistry." Hindi na ako umimik and just rolled my eyes at her. Ewan ko ba ? Mas terror pa tong Chem namin keysa major subjects, hindi naman magagamit pagdating sa trabaho namin.
Tapos na yung quiz namin at vacant naman, eto lang kami ni May naglalakad-lakad sa school kung totoosin malilibot lang tong school namin nang wala pang 5minuto. Hindi masyadong magara pero ang ganda nang training. Nasa tapat kami ni May, nasa hallway to be exact. Trip naming mag chika na nakaharang sa hallway, tinitingnan ang reaction nang ibang estuyante. Nakakatawa yung iba, nakasimangot , ang iba weird , ang iba naman nagpapacute. Ewww ! Mukhang sinong gwapo . #bitterbutterfly .
BAAAAAAAAAAAAAAAAAAAM ! "Shit, di mo ba kita may tao?" Sigaw ko sa lalaking naka ROTC sweatshirt, wala akong pake kung officer ba sha o hindi . "SORRY" sabi nito with a wide grin at nagpatuloy tumakbo. "Lang hiya , kung hindi lang gwapo sinabunutan ko na yung mokong na yun ! " inis kong sabi , si May naman nakangiti at kung ano ang inisip sa tulis nang tingin nang babaeng to. "Hoy May Bayotlang Romero! Wag mo akong titigan nang ganyan! Hindi ko gusto yung langhiyang lalaking yun noh!" Pinandilatan ko nang mata si May. "Hoy ka rin Ahliyah Jane Canete-Canada! Wag mong kompletohin yong pangalan ko dahil ang sagwa, at nakakatawa kang tingnan sa reaction mo ! Wala na man akong sabi na ganon ah ?" Tumahimik ako saglit at sabay kaming tumawa. Loka talaga tong babaeng to , walang ibang magawa kundi asarin ako . Damn it , hindi pa pala ako nakapag kilala , I'm Ahliyah Jane Canada, 17, Cebu Philippines ! Beauty Queen ang Peg . Nag iisang anak nina Alfie Canada at Lucia Canada , hindi kami mayaman at hindi rin naman masyadong mahirap . Sakto lang na makakakain kami tatlong beses sa isang araw .
Nasa cafeteria kami ni May nang may tumabi sa kanya. "Hello ? Sorry pala kanina ? Nag pag utusan lang kasi at keylangan kong mag madali, Ako pala si Evangeline 'Eve' Manansala" Sabay abot nang kamay sa akin . Wait ? Eve ? Babae pala ? Ah ...ehhhh.. ang gwapoooo ! Shit burg ! Walang ano ano , tinanggap ko ito na parang pinatawad ko na , eh gwapo eh . Kung hindi gwapo ehhh , itaga mo sa bato pero hindi kita papatawarin , pero talo kana Iya, tinanggap mo na ang kamay >
Ilang linggo na ang nakalipas nung nakilala namin yung gwapong tomboy sa cafeteria at ilang araw na din kami nag titext pati nadin sila ni May. Ewan ko ba sa dalawang to, may na sesense akong hindi maganda. Duh , hindi ko na man masisi dahil ang ganda ni May, kahawig nga sila ni Kathryn B. "May Boyfriend naman si May ah ? Tsss ! Bakit ba ako nag iisip nang ganito sa bestfriend ko ? " Oo na ! , nagwagwapohan ako kay Eve peroooo .... Halos tumalon na ako nang nakaramdam ako ng vibration sa pwet ko .
FROM Eve Manansala ....
Hey Iya, kain tayo ? Isama mo si May ha ? Kita tayo sa Mang Inasal ha ? Libre ko . See you :)
Kinilig na sana -.- pfffft !
"Hey Bakla , nang yaya si Eve nang mang inasal , go tayo ?" Baliwala na ang selos, kain natooooo ! Ops ? Did I say selos ? Nooooo waaaay ! "Ahmmm , awkwardness .. kayo nalang may lakad pa kami ni Davis" Ani ni May habang nakasimangot . Ewan ko bat naka simangot yung babae , parang may something talaga. "Sege, e titext ko nalang si Eve na hindi ka makakasama okay ? Ingat ka sa lakad mo ha ? Iloveyou sis. "
To Eve Manansala...
Eve ? Hindi makakasama si May.
From Eve Manansala...
Ahhhh ? Edi tayo nalang :)
Route to Mang Inasal with a Big Smile. Status ko sa Facebook habang sumakay nag tricycle. Oh geeee ! This is it ! Medyo assuming ang bakla ! Well , mas maganda na to dahil mas makikilala ko nang lubusan si Eve .
