"BAKIT hindi ka nalang sumabay sa mga kaibigan mo pauwi?"Baling na tanong sa akin ni Kira habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa gitna ng daan pabalik sa bahay ng kaibigan kong si Richel.
Medyo malayo-layo pa bago kami makarating don, at saka mabagal kami maglakad dahil parang inuubos lang namin dalawa ang takbo ng oras.
Ngumiti ako sa kanya saka nagsalita."Ayos lang yon, ihahatid na muna kita."
"Tapos ihahatid din kita?"Pigil sa tawa nitong sambit.
Ako naman ay napahampas ng bahagya sa braso nito saka humalakhak ng tawa.
"Pwede rin hanggang abutin tayo ng umaga."Pilyong saad ko naman.
"Magsama nalang kaya tayo sa isang bahay para sabay tayong aalis at uuwi?"May tunog na pabirong tugon nito habang nakangiti.
Ang cute talaga niya pag nakangiti.
Ako naman ay napahinto sa paglalakad sa kadahilanang tumagos sa puso ko ang sinabi niya kahit pa alam kong biro lang iyon para sa kanya.
But for me, it's kinda real at napapaisip na sana magkatotoo ang sinabi niya.
Parang ang sarap makasama ang isang kagaya niya. Pero alam kong imposible iyon, lalo pa at ngayon ko lang siya nakilala.
Diko pa nga siya lubusang kilala ngunit aaminin kong napaka gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
"Hey, you okay?"Namalayan ko nalang na nasa harapan ko na pala siya at pilit sinusuri ang mukha ko."Bigla ka atang natameme dyan? Hahaha ano kaba joke lang iyong sinabi ko."Napapailing na anito sabay tawa ng mahina.
Dun naman ako natauhan. Masyado ko lang yata isinapuso ang mga katagang sinabi niya.
Asa pa ako, haha.
"Pasensya na, akala ko kasi totohanan na eh. Hahaha."Sabay tawang saad ko naman.
"Malay mo naman magkatotoo."Sabay kindat na tugon naman nito sa akin.
Isang malakas na hampas sa braso ang binalik ko sa kanya."Alamo tigilan mo yang linyahan mo ah baka bumigay na ako eh. Sige ka baka hindi kana makauwi sa inyo."Nakangising sambit ko.
"Haha, hayaan mo muna akong yumaman tulad ng kuya ko. Saka na tayo magsama."Pagkwan ay biglang seryosong tugon nito dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
"Seryoso kaba?"Napaka seryosong tanong ko.
Nakapamulsa niya akong nilingon at nginitian."Seryoso ako, pero ayoko lang mangako."Anito.
Bahagya akong humakbang palapit sa kanya saka hinarap at tiningala ang kanyang napaka gwapong mukha.
His blue eyes were so beautiful. Parang nabigyan ako ng dahilan upang asahan ang mga sinabi nito.
Hindi man siya nangangako pero aasa pa rin ako. Naisip ko na gusto kong makita ang mini Kira with blue eyes like him, mini Kira na ako ang ina at siya ang ama.
"Sinabi mo yan ah, tatandaan ko yan Young master Kira."Punong-puno ng pag-asang tugon ko.
Nagulat pa ako nang bigla nito akong hilain palapit sa katawan niya gamit ang isang braso nitong nakapalibot sa bewang ko.
Nagtama ang mga mata namin. Sobrang higpit ng yakap nito sa akin na halos nakatingkayad nalang mga paa ko sa lupa dahil nga sa tangkad niya.
"Kira, just call me Kira. Hindi ako comfortable na tinatawag mo din akong young master Kira eh."Mahinang bulong nito sa mukha ko na sobrang magkalapit na."Now that i realize, ang pangit mo pala Lyka."Pagkwan ay walang preno naman niyang sabi.
BINABASA MO ANG
(R-18)IN YOUR EYES (KIRA MONTERELAOS)
General Fiction(R18) KIRA MONTERELAOS. *YOU NEVER KNOW HOW STRONG YOU ARE UNTIL BEING STRONG IS THE ONLY CHOICE YOU HAVE.* "Kapag nagmahal ka, lahat handa mong isakripisyo para sa taong mahal mo. Pero paano kapag isang araw mauuwi nalang sa wala lahat ng sakripis...