"WALANG magagamit kapag walang nagpapagamit lalo na kapag alam mong ginagamit ka lang!"
"Pero inay, anong gagawin ko? Mahal ko siya! Hindi ko kaya pag nawala siya sa buhay ko!"
"Nasisiraan kana ba ng bait Janice? Sinasabi ko sayo ginagago kalang ng lalakeng iyon!"
Pagbukas ko palang ng pinto papasok sa loob ng bahay namin ay ang malakas na pagtatalo ng aking ina at ng ate Janice ang sumalubong sa akin.
Ayan nanaman sila sa walang katapusang pagtatalo tungkol sa kabaliwan ni ate Janice sa boypren nito.
Hindi na bago sa akin ang ganoong eksena between them. Lagi nalang kasi ganyan, nakakasawa na din.
Ito naman si ate Janice napaka tanga talaga. Pinagpipilitan ang sarili lalakeng ayaw naman sa kanya.
Tonta talaga!
Akmang paakyat na ako sa kwarto ko para makapag bihis ngunit sakto namang padabog na lumabas si Ate Janice galing sa room ni Nanay.
Nilingon lang ako ni ate Janice ng malamig na tingin at pagkatapos ay dali-dali na yun umakyat sa kwarto niya na katabi din ng kwarto ko.
Sumunod namang lumabas si nanay na hindi na maipinta ang mukha sa galit.
Sa akin siya napatingin."At ikaw naman, bakit ngayon kalang dumating? Diba binalaan na kita na hindi ka pwedeng gabihin ng uwi? Bakit ang tigas ng ulo mong babae ka?"Galit na galit na bulyaw sa akin ng magaling kong ina.
Hindi ko talaga minsan maintindihan kung bakit pagdating sa akin ay napaka sungit ng nanay kong ito.
Hindi ko rin pwedeng sabihin sa kanya na galing ako sa bespren kong si Richel dahil paniguradong uusok pa lalo ang ilong ng nanay kong ito sa galit.
Ayaw na ayaw niya kasi na nakikipag lapit ako sa kahit na sino.
Walang kaalam-alam ang bespren ko sa totoong nangyayari sa akin dito sa loob ng bahay. Dahil alam ko kapag nalaman niya mas higit na maapektuhan yun at baka nga sugurin pa niya ang nanay ko eh.
Ganon siyang klasi ng kaibigan, at dahil kilala ko na ugali niya kaya wala talaga akong balak sabihin sa kanya ang totoo.
At higit sa lahat hindi rin pwedeng malaman ng nanay ko na may nakasama akong lalake kanina dahil baka hindi na ako palabasin ni nanay sa bahay.
Ganon naman siya pagdating sa akin eh, ayaw niya akong bigyan ng kalayaan.
Pero pagdating kay ate Janice, halos lahat handa niyang ibigay dito.
Napaka unfair niya talagang magulang.
"Nanay naman, hindi na ako bata para paghigpitan niyo. Malaki na ako at saka andito naman na ako diba?"Katwiran kong tugon.
Mabigat na hakbang akong nilapitan ni nanay sabay duro nito sa noo ko."Hoy Lyka, wag na wag kang sasagot at mangangatwiran kapag pinagsasabihan ka ah! Tandaan mo wala ang papa mo para ipagtanggol ka. Kaya umayos ka, kundi makakatikim kana talaga sa'kin!"Bulyaw nito sa akin.
Naramdaman ko nalang bigla ang mga luha sa aking mga mata habang nakipag titigan sa aking ina na kulang nalang balatan ako ng buhay sa talas ng titig nito sa akin.
Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng jacket na suot ko dahil sa pagtitimpi.
"Ganyan naman kayo eh, kung ituring niyo ako parang hindi niyo ako anak! Si papa lang talaga ang nakakaintindi...Ahhhhh!"Naudlot ang pagmamaktol ko ng bigla akong sampalin ni nanay.
Halos mapaatras ako sa lakas ng sampal niya sa akin."Wag na wag mong mababanggit pangalan ng papa mo kapag kinakausap kita! Kung pwede lang na ibalik kita sa sinapupunan ko ay ginawa ko na. Malas ka sa buhay ko! Sige na umakyat kana sa kwarto mo. Bilisan mo, bago pa kung anong magawa ko sayo. Dumagdag kapa sa sakit ng ulo ko bwisit!"Rinding-rindi na atungal niya at nanginginig na sa sobrang galit.

BINABASA MO ANG
(R-18)IN YOUR EYES (KIRA MONTERELAOS)
Algemene fictie(R18) KIRA MONTERELAOS. *YOU NEVER KNOW HOW STRONG YOU ARE UNTIL BEING STRONG IS THE ONLY CHOICE YOU HAVE.* "Kulang nalang sumuko ako dahil sa sunod-sunod na kamalasang nangyayare sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit palagi nalang akong sinasaktan...