CHAPTER 1: Phantom Death's Downfall

738 51 18
                                    

"HAVE you hacked it?" I asked a college student from the other line of the phone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HAVE you hacked it?" I asked a college student from the other line of the phone. Limang segundo ang lumipas bago ito sumagot.

"Finally! It's done. I have hacked their security system so you can get inside," tumikhim ako bilang tugon sa sinabi niya. Kasalukuyan akong na rito sa sa isang pribadong property dito sa Antipolo, na tanging ang mga VIP lamang ang maaaring pumasok. "Gamit ang GPS na nakakabit sa hikaw mo ay maaari kong ma-track ang direksyon na daraanan mo maging ang mga kalaban kaya wala kang magiging problema sa makakasalubong mong mga kalaban." Isa siyang fourth year college student na may kursong Bachelor of Science in Information Technology. Kaya naman maalam siya pag dating sa teknolohiya.

"Okay, I get it." Tanging tugon ko lang sa kaniya kaya malinaw kong narinig ang pagbuntong-hininga niya na pinagsawalang bahala ko na lang. I took the pistol and put it onto my back, as well as the stiletto dagger I planned to use on the target.

Bago lumabas ng kotse ay humugot ako ng malalim na hininga 'tsaka pinakawalan. Nang tuluyang makalabas ay ma-ingat akong naglakad upang hindi ma-agaw ang atensyon ng mga bantay.

"May bantay na patungo sa p'westo mo." Natigilan ako sa sinabi niya.

"Ilan sila?"

"Isa lang." Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

Lumipas ang ilang segundo ay naramdaman ko na ang mga yabag nito kaya naman hinanda ko na ang sarili. At nang makita na ako nito ay tinutok niya agad sa akin ang baril ngunit naging mabilis ang mga kilos ko kaya bago pa niya makalabit ang gatilyo ay tumama na sa t'yan niya ang aking kamao at agad kong inikot ang kaniyang ulo kaya walang buhay siyang bumagsak. Agad ko namang hinila ang katawan niya't inilagay sa madilim na parte ng haligi.

"May iba pa bang parating?"

"As of now ay wala pa," muli ay tumango ako at nag patuloy sa paglalakad, "Oh, shit! H-hindi ko agad napansin!"

"What? Anong nangyayari, Melliza?" kunot-noong tanong ko ngunit magkakasunod na mura ang narinig kong tugon niya.

"Tang ina! Napapalibutan ka nila, ate Savina!" bigla akong na alerto sa sinabi niya at nang mag angat ng tingin ay nakita ko ang benteng armadong lalaki na handa na akong pagbabarilin kaya naman agad akong gumulong at nag tago sa kotseng nakaparada ilang metro ang layo sa dati kong p'westo.

Out of breath, I raised my gun and exchanged gunfire with them. Nanliit ang mga mata ko't inasinta ang isang lalaking nakatago sa halaman na tinamaan naman sa likod ng kaniyang ulo. Nag tago ako nang paulanan nila ako ng bala at kinagat ko ang pang ibabang labi 'tsaka nakipagsabayan sa pag baril. Sa pag baril ko ay tinamaan ko naman sa puso iyong medyo malapit sa p'westo ko't muli'y nag tago ako sa gilid ng kotse at kinasa ang aking baril.

Reviving The Side CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon