1950's
"Senyor, nandito na po ang sampung batang anak ng mga taksil" nakayukong sabi ng isa sa mga trabahador ni Senyor Adolfo.Humithit ang Senyor sa kanyang pipa at saka tumayo. Pinuntahan nya ang abandonadong bodega kung nasaan ang sampung bata. May ngiting demonyong sumilay sa kanyang mukha ng makita ang sampung batang babae nakatali ang mga paa at kamay at mayroong busal sa bibig. Umiiyak ang mga ito takot na takot ng makita ang may pakana ng pagdukot sa kanila, Ito ang senyor ng bayan ng Sta. Igay, ang kinatatakutang senyor ng bayan. Silang sampu ay anak ng mga kumpadre ng senyor na di-umanong pinaghihinalaan na mga traydor dahil sa sunod-sunod na pagkapuksa ng mga illegal nyang mga transaksyon.
"Kayong sampu ang magiging kabayaran sa pangtratraydor sa akin ng inyong mga ama!" malakas na pahayag nito na nagbigay ng matinding takot sa mga bata. Ang hindi nila alam na mayroong iba pang tao na naroroon. Si Zeika, ang Alpha Witch na nanggigigil na sa galit.
"Bastardo! hindi makatarungan! Mga inosenteng bata ang magiging kabayaran?!Ha! kalokohan! " galit nyang nasabi sa kanyang isipan.
Kinuha ng senyor ang baril mula sa isa nyang tagasilbi at binaril ang tatlong bata ngunit daplis lamang ang natamo, doon hindi na nakayanan ni Zeika ang pagtitimpi, agad nyang winasak ang baril gamit ang pagtitig lang rito.Bakas ang pagkabigla sa mga tao sa loob ng bodega.. maging ang mga bata ay nagulantang din.
"Mga walanghiya!" Galit na tinig ang narinig ng mga taong naroroon. Lumabas na si Zeika.
"Ikaw na matagal ng nasasapian ng Reikans ay kailangan ng linisin!" pahayag nito ngunit bakas pa din ang galit. Nagsimulang magbago ng anyo ang senyor. Tama si Zeika, sinasapian ito ng Reikan upang maging masama ito at ang kaluluwa'y mapunta sa impyerno.
"Paano mo nalamang sinasapian ko ang Senyor na ito, babae? sa aking palagay, hindi ka isang tao.. magpakilala ka!"utos ng Reikan.
"Ha!may gana ka pang magtanong Reikan, kahit alam mong nalalapit na ang iyong pagbabalik sa iyong pinanggalingan!" sarkastikong sinabi ni Zeika at tumawa ng peke.
"I-ikaw... I-ikaw ang tinatawag nilang Alpha Witch!!" bakas ang takot ng mapagtanto niya kung sino ang babaeng umabala sa kaniyang pagkain. Ang mga kaluluwa ng mga bata sana ang kaniyang hapunan ngunit inabala siya ng kanyang kamatayan.
" Lagot na! Hindi ko siya kayang taksan! Paano na ito, paniguradong malalagot ako kay pinunong Alkin!" sa isip ng Reikan. Si Alkin ang demonyong gumagawa sa mga tulad nyang Reikans.
May inilabas si Zeika na isang gaserang kulay berde ang apoy. "Ngayon, dahil sa pagtatangka mong pagpatay sa mga inosenteng mga bata, ika'y ibabalik ko sa lugar kung saan ka nararapat!" Tumingkad ang apoy sa gasera at unti-unting hinigop nito ang Reikan sa katawan ng Senyor, babalik na muli ang mabuting Senyor ng Sta.Igay. Ang mga tauhan ay naging abo, dahil ginawa lamang sila ng Reikan. Ang Reikan na napuksa ni Zeika ay naging isang Daikkan dahil lumakas na ito sa katawan ng Senyor at dahil na rin sa tagal ng pagkakasapi nito at sa dami na rin ng nagawang kasalanan. Nilingon ni Zeika ang mga bata na hannggang ngayon ay di pa rin makapaniwala sa kanilang nasaksihan, nilapitan niya ito at nginitian. " Kayo'y walang maalala sa mga nasaksihan nyo ngayon" sambit nya at biglang nawalan ang mga bata ng malay. Nagsambit siya ng mga salitang tanging sya lamang ang nakakaintindi, at pagkatapos ay biglang nagsiwalaan ang sampung bata. Ligtas na sila at nas kani-kanila ng mga bahay.
Lumipas ang isang linggo, lumusob ang mga Bakkana, ang pinakamababang uri ng Reikans. Naglalaro ang sampung bata sa isang parkeng abandonado, linggid sa kaalaman ng mga bata, mayroon pala sa kanilang nagmamasid, gutom na gutom at naglalaway sa kanilang inosenteng mga kaluluwa—- ang mga Bakkan kasama at tatlong Arakkan—- ang pangalawang malakas na uri ng Reikkans. Ilang minuto ang nakalipas, sabay sabay sumugod ang mga Reikans sa mga bata, animo'y mga Zombie ang mga taong sinapian ng mga Arakkan at ang mga Bakkan ay tila hangin lamang. Nahuli ng isang Bakkan ang isa sa mga batang nagngangalang Irah, kakagatin na sana nito ang bata ngunit ito'y malakas na tumalsik at naging abo. Dumating si Zeikan na laging nakasubaybay sa sampung bata magmula noong kaniya itong nailigtas. Tinipon niya ang mga bata at ginawan ng harang upang hindi sila maggalaw ng mga Reikans, umiiyak na ang mga ito at naguguluhan na rin sa mga nangyayari.
Sa kabilang banda, nakikipaglaban si Zeika sa mga Reikans ngunit sa tuwing nakakapatay sya ng isa ay may panibago muling lilitaw—- hindi sila maubos-ubos. Ayaw nyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan hangga't maari dahil baka madamay ang mga bata. Linggid sa kaalaman nya, naroon pala si Algin, ang prinsipeng demonyo na kina-iinisan ni Zeika dahil sa muntik-muntikan na syang magalaw nito habang siya ay naiidlip nung minsan. Pinuntahan ni Algin ang kinaroroonan ng mga bata, agad siyang nakapasok dahil isang mahinang harang lamang ang ginawa ni Zeika at para lamang sa mahihinang kalaban tulad ng mga Reikans. Naglabas si Algin ng itim na usok sa kaniyang kamay at nilamon kaagad nito ang mga bata. Unti-unting nanghihina ang maga bata dahil sa kakapusan ng hangin. Hinihigop ng itim na usok ang kanilang lakas, ngunit hindi natapos ang roseso ng pagkuha sa kanilang mga kaluluwa dahil inatake ni Zeika si Algin. Inis na tinigna ni Algin ang dalagang mangkukulam at saka agad tumakas ngunit nagsambit ito ng mga katagang kinainis lalo ng dalaga.
"Maganda ka pa din kahit ika'y naiinis mahal kong Zeika, Ako'y magpapaalam muna mahal ko.. hanggang sa muli nating pagkikita"
Wala nang buhay ang mga bata ng kaniyang balinggan ng tinggin. Awa at pagmamahal ang namuyani sa kaniyang puso. Inayos nya ang pwesto ng mga bata. Lumutang ang mga ito sa hangin at sa kanilang ilalim ay mga simbolong hindi maintindihan, sa kanilang ibabaw ay may sampung hugis luhang mga gema, tumitingkad ito at may ibat-ibang kulay. Nakapwesto naman sa gitna si Zeika, nakapikit at nagliliwanag.
"Crystala I'm calling you thee, came into this ten child's body. Be one of them, Rebirth. I'm calling you with all my strenght. Light them with all my powers,I'll pour to them, Crystala hear my prayer to thee.Drain me and gift them light and life of immortality. Phoenix my saviour I call thee, guide this children as you guide me. Tell them things they need to know. Grant them the Gema Crystala' gracious Jacinth. Upon now, the nature witnessed, We'll became one. Gema Crystala with my blood upon this children, engrave to their souls the destiny I saw."
"Espartiko ni garamajika" at pagkatapos nyang mabanggit ang huling salita, nagliwanag at may nakakasilaw na ilaw mula sa langit ang bumuhos sa mga katawan ng mga bata. Sila'y itinaas at ang mga gemang cristala ay nagsipasukan sa kani-kanilang katawan,unti-unti silang nagmulat ng mga mata. Sila'y nagising na, at doon na nagsimula ang mga Sky Witches
Sa pagkaka-alam ng mga bata ay naging abo na ang katawan ni Zeika, ngunit mali ang kanilang akala. May nakasaksi sa orasyon. Si Algin, ang lihim na umiibig kay Zeika.
"Aking mahal, ika'y aking bubuhayin.. tayo'y magiging isa na rin sa wakas... mamumuhay tayo ng payapa... mahal kong Zeika..."
*******************************************************************
First story of mine, this is just a work of my crazy imagination :)
I hope you guys like! Feel free to vote comment or share! I also accept violent reactions or something! :)
BINABASA MO ANG
Witches of the Sky
FantasyThe Sky Witches are consist of two kinds of witches. The Malvroc Witches that uses elemental powers that was consist of seven supreme witches. The Lixxelleghn Witches that are called alpha witches that uses higher abilities of powers.They are immor...