Palabas na kasi sana ako ng kwarto ko ng marinig ko yung sigawan nina ate at kuya sa baba. Hindi ko ineexpect na pupunta dito sa province si kuya after so many years nasa manila kasi siya don siya nakatira kasama yung pamilya niya
"Sabrina Lorinne Osvar pack your things now!" rinig kong sigaw ni kuya sa baba habang naririnig ko yung yabag ng paa niya paakyat sa 2nd floor papunta sa kwarto ko kaya agad agad akong humiga sa higaan ko at nagtalukbong ayokong malaman nilang nakikinig ako malilintikan ako kay ate joyce
"Lorinne i know you're awake kaya buksan mo tong pinto right now or sisirain ko to!" galit na sigaw ni kuya Lorence sa labas kaya napahinga na lang ako ng malalim bago bumangon at nagmamadaling pumunta sa harap ng pintuan para buksan yun bumungad sakin si kuya Lorence na salubong yung makakapal na kilay habang seryosong nakatingin sakin
"You are coming with me, hindi kita iiwan dito sa ate mong walang ginawa kung hindi ang lumandi at magpakasasa sa mga perang pinapadala ko na para dapat sa inyong dalawa! i'm expecting that you are already in the school right now because it is the first day of the class sa school na pinili ko para sayo pero ano?! nandito ka sa bahay natutulog at sasabihin saking next week pa yung start ng klase niyo kasi sa public school ka mag-aaral?! i'm not against sa pagpasok sa public school but the fact na simula dati nagpapadala ako ng libo libong halaga ng pera dito since you were in high school para sa private school ka makapag aral because ayokong nahihirapan ka! tapos malalaman kong lahat ng pera na binigay ko sa walang kwenta mong ate napunta lang sa sugal at bisyo niya?! tang ina naman joycelyn!" may galit na sabi nito kaya hindi na ako nakapag salita habang nilalagay nito sa isang malaking maleta lahat ng gamit ko
Hindi ko maiwasang maiyak sa pangyayari kasi ayokong umalis dito hindi dahil ayokong iwan si ate dahil sawang sawa na din ako sa kanya sa araw araw na ginawa ng diyos lagi lang paghihirap yung dinaranas ko dito sa bahay.
Ako yung gumagawa ng lahat ng gawaing bahay mula sa paglilinis, paglalaba hanggang sa pagluluto kapag nga may dinadalang mga kaibigan yan dito ako pa yung nagluluto para sa kanila at kapag naman may mga kabigan siyang makikitulog dito kahit na napakarami ko pang ginagawa pinaglalaba ako ni ate ng mga damit nila
Pero ang pinaka ayaw ko sa lahat ng nangyayari sa buhay ko dito sa bahay na to ayun yung oras na mag-uuwi siya ng kung sino sinong lalaki dito sa bahay at gagawa ng hindi kaaya ayang bagay, hindi ako nakakatagal sa tunog na yun kaya kahit madaling araw at pagod ako lalabas na lang ako ng bahay at tatambay sa likod ng bahay kasi hindi ko kayang pakinggan buong magdamag yung tunog na nanggagaling sa kanila
Kaya lagi na lang talaga akong napapatanong sa sarili ko deserve ko ba to? naging mabait naman akong anak nung nabubuhay pa sina nanay at tatay ah? bakit ko ba nararanasan tong mga bagay na to? si kuya lorence ayoko namang tawagan kasi alam kong ang dami na rin niyang pinoproblema sa buhay kasi may pamilya na rin siyang binubuhay. Pero kung naisipan ko rin naman na tawagan siya wala rin naman akong pagkakataon kasi wala naman akong cellphone
Sabi kasi ni ate joyce hindi ko pa naman yun kailangan kaya bakit niya pa ako bibilhan? pero yung allowance ko na 500 sa isang linggo lahat yun nauubos lang sa pagpunta ko sa computer shop para gumawa ng mga assignments, activities at project ko kasi nga wala akong cellphone pati na rin yung pambayad sa mga school activities kasi kapag humihingi ako kay ate sasabihin niya lang na napaka gastador ko tapos papaluin niya ako ng kung anoman yung makita niya na malapit sa kanya
YOU ARE READING
Behind Those Glasses
General FictionIf I only had the right to you, I may be able to stay by your side right now. Ako naman yung may kasalanan eh, i chose this But hindi ba pwede? Binigyan mo man lang sana ako ng panahon to make things right But who am I to ask for such a thing if I'm...