"Sis may laro daw mamaya yung Tourism department tsaka yung Engineering department manonood ka?" Nakangiting tanong nito sakin pero umiling lang ako exam week na kasi namin next week kaya wala akong panahon para sa mga ganyang bagay
"Ha? bakit? KJ mo naman minsan lang manonood eh sige na pretty please" nagpapa cute pang sabi nito pero inirapan ko lang siya
"Tigilan mo ako Kei hindi ako KJ sadyang pinagtutuunan ko lang ng pansin yung paparating na exam tsaka anong minsan lang hoyy baka nakakalimutan mo everytime na may laro yung tourism department lagi kang present tapos sa klase absent!" pinanlakihan ko pa siya ng mata kaya natatawang nagtaas na to ng dalawang kamay
"Ok ok chill galit ka naman agad eh pero ikaw bahala maglalaro mamaya si nathan" nang-aasar na sabi nito bago umalis sa table ko ako naman naiwang tulala kasi narinig ko nanaman yung pangalan na yun pero agad ko ring inalis yun sa isip ko at pinilit na mag focus sa inaaral ko pero ilang minuto na yung kumilipas hindi ako makapag concentrate kaya napabuntong hininga na lang ako bago tumayo sa kinauupuan ko at lumabas sa library para dumaretso sa 4th floor kung nasan nandon yung next subject ko room 401
"Oo bhe kanina nga daw mukhang magsusuntukan na yung dalawa eh buti naawat nung referee kaya ayun tuloy yung game" narinig kong bulong nung isang nakasalubong ko kaya napailing na lang ako at nagpatuloy sa pag-akyat pero may grupo nang mga tourism student yung nakasalubong kong pababa habang nagtatawanan
"Makikita ko nanaman si Nathan ang pogi talaga niya!" kinikilig na sabi nung isang student kaya napapikit na lang ako at naaasar na inunahang bumaba ang mga ito at agad na dumaretso sa court ng school namin para manood ng game on going yung laro nila lamang ang Tourism department ng sampu
Agad akong naghanap ng mauupuan sa pinaka gilid sa side ng Engineering students ayoko sa side ng Tourism maraming nakakakilala sakin, tinignan ko yung wrist watch ko kaya nakahinga ako ng maayos nung makitang may mahigit 1 hr vacant pa ako bago yung next class ko
"Nathan from Tourism Department! Tumira ng Tres! SHOT!" announce nung announcer kaya nagsigawan yung kabilang side which is mga Tourism students dito naman sa side ko puro boo yung naririnig ko kaya napailing na lang ako
Hindi rin nagtagal tumawag ng time out yung Engineering department kaya lahat ng players pumunta muna sa bench para magpahinga and magpalit nang players
Nakatutok lang yung tingin ko kay Nathan habang naglalakad to papunta sa bench, nakikipag high five pa to sa mga ka team mates niya kaya napangiti na lang ako kasi ito talaga yung gusto niya yung maglaro nang paborito niyang sport which is basketball pero agad ding nawala yung ngiti ko nung makita kong papalapit sa kanya si Althea yung representative nang Tourism department maganda, matangkad, maganda yung katawan, at higit sa lahat confident sa sarili mga bagay na wala sakin
Nakita kong kumuha to ng towel sa gilid at pinunas yun sa mukha ni Nathan hanggang sa leeg bago inabot yung bottled water na hawak nito na agad namang tinanggap ni nathan at ininom tapos ako naman ito parang tanga tumulo yung luha hindi alam bakit umiiyak kaya agad kong pinahid yung luha ko kasi sino ba naman ako diba? friend niya lang naman ako and nilinaw naman niya yun so bakit nasasaktan ako? dapat alam ko kung hanggang san lang ako
Napatingin ulit ako sa side nila nakita kong inaasar sila nung mga kasama ni Nathan kaya nung magsisimula na uli yung laro agad na humalik si Althea sa pisngi ni Nathan at nakita ko namang natigilan si Nathan na naging dahilan para asarin siya ng mga kagrupo niya habang papasok ng court funny to say this but parang may masakit na hindi ko maipaliwanag sa dibdib ko nahihirapan akong huminga kaya nagmamadali akong umalis sa court at dumaretso sa room ko
Who am i in the first place para maramdaman yun? wala naman akong karapatan so bakit ako masasaktan?
YOU ARE READING
Behind Those Glasses
General FictionIf I only had the right to you, I may be able to stay by your side right now. Ako naman yung may kasalanan eh, i chose this But hindi ba pwede? Binigyan mo man lang sana ako ng panahon to make things right But who am I to ask for such a thing if I'm...