Taifuu

32 4 0
                                    

~*~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~*~

"Taifuu" a Japanese word which means typhoon.


Alam niyo ba na madalas akong ihambing ng karamihan sa isang taong kalmado at hindi makabasag pingan.

Yung napaka payapa at parang araw dahil sa positibong aura na bumabalot sa akin sa tuwing ako'y nasa paligid nila.

Pero ang hindi nila alam, taliwas ako sa lahat ng sinasabi nila base lang sa nakikita nila sa panglabas kong anyo.

Hindi kasi nila alam kung gaano kagulo ang isipan ko. Hindi nila alam kung paanong hindi ako pinapatahimik ng mga salitang nagkakagulo sa loob nito.

Nakakatawang ang dali nilang nagpalinlang sa mga mata ko. Kung gayong sa likod nito'y nagsusumigaw ang kagustuhang lumaya sa nakaraan kong tila tanikalang gumagapos sa pagkatao ko.

Hindi ako kalmado. Hindi ako ang araw na may angking liwanag. Hindi ako yung tipong hindi kayang bumasag ng pingan kagaya ng sa kung ano ang iniisip ninyo sa aking katauhan.

Dahil ako. Ako mismo ang bagyo. Dala ko sa loob ko ang nagngangalit na kalooban na hindi niyo aakalaing tataglayin ng isang kalmadong tao na inaakala niyo. Isa akong ulan na makapaminsala, na nagiging sanhi ng pagragasa at pagbaha ng emosyon. Ang kulog na walang sawang dumadagundong at naghihimagsik sa reyalidad. At ang kidlat na nais makaranas ng paglaya sa kanyang lunga.

Kaya ang pagtawag sa akin ng kalmado ay isang insulto. Mas gugustuhin ko pang kagalitan ng karamihan dahil sa dinadala kong bagyo, kaysa ang paniwalain ang sarili ko sa bagay na hindi naman talaga ako.

AlpasWhere stories live. Discover now