———
"Alam mo Ate, ewan ko sa'yo! Puwede ka naman tumanggi dun e umiral na naman 'yang pagka bida bida mo." Sermon sa'kin ni Yanny.
Katatapos lang namin kumain at naghahanda na para pumasok sa school.
Inalok ako ng kaibigan ko na sumali sa pageant sa kabilang baranggay. Tinanggap ko kasi sayang naman yung mapapanalunan kung sakali. Nagagalit si Yanny kasi walang magbabantay sa Lola namin dahil pareho kaming may lakad sa araw ng pageant.
"Sayang kasi yung premyo. Kahit consolation price lang, malaki na."
Padabog niyang sinarado yung gate. "Ate naman e! Importante kasi yung lakad ko."
Pumara na ako ng tricycle.
Pagkasakay namin ay sinabunutan ko siya. "Anong importante? Makikipagkita ka lang diyan sa boyfriend mo, kala mo ba 'di ko alam ha?" I pointed at her.
Sinimangutan niya ako.
"Yanny, ipapaalala ko lang sa'yo ha? 15 ka pa lang. Hindi naman kita pinagbabawalan mag boyfriend pero sana naman sabihin mo sa'kin." Sermon ko sa kaniya. Narinig ko ang buntong hininga niya kaya nilingon ko siya.
"Kung hindi ko pa nakita yung message sa'yo nung lalaking 'yon, 'di ko pa malalaman na lumalandi ka na pala. Ako na lang guardian mo, Yanny. Ayos lang sa'kin na lumandi ka pero sana ipaalam mo naman sa'kin. Paano kung may masamang nangyari sa'yo ha?" Seryosong sabi ko sa kaniya.
She pouted and looked away.
"Sorry, Ate. Akala ko kasi magagalit ka."
"Mas magagalit ako kapag may nangyaring masama sa'yo at hindi ko alam." Sagot ko sa kanya habang nag aabot ng bayad sa driver.
Nandito na kami sa school. Pagkababa namin ni Yanny ay niyakap niya ako, "Sorry na, Ate. 'Wag ka na magalit. Libre na lang kita mamayang lunch." Lambing niya sa'kin.
I poked her forehead and made a face at her. "Pakilala mo sa'kin 'yang lalaki na 'yan nang ma-judge ko siya." Sabi ko at nauna nang maglakad.
"Anong judge naman Ate, ano 'to, The voice?" Biro niya pa. Akala mo naman natutuwa ako sa paganyan-ganyan niya.
"Tigilan mo ako, Yanny, basta ipakilala mo sa'kin 'yang lalaki na 'yan."
Huminto ako sa tapat ng classroom namin at hinarap ang nakangising si Yanny sa akin.
"Eh hindi naman siya lalaki, Ate." She answered and tucked her hair behind her ears, looking away.
Knew it. Bading ang batang ito.
She shyly looked back at me and I just smiled at her. "Kung diyan ka masaya e." Sagot ko na kinangiti niya.
"Basta ikaw pa rin ang bantay ni Lola mamaya." Dugtong ko. Napaismid na lang siya at tinalikuran na ako.
I was smiling when I entered the room. Kokonti palang ang mga tao ang nasa loob dahil maaga pa naman.
Nang nakaupo na ako sa upuan ko ay nilabas ko ang notebook ko sa Basic Calculus dahil may quiz kami doon. Dun pa naman ako pinaka ligwak last sem, kailangan kong bumawi.
I was in my own little world when a group of friends entered the room. Sobrang ingay nila. I looked up to see Harvey and his friends. They were all laughing and shouting na parang di lang nila katabi yung kausap nila.
I frowned, feeling annoyed. Mga insensitive.
I tried to ignore them and just continued with what i'm doing pero habang tumatagal, palakas nang palakas ang tawanan nila.
YOU ARE READING
Do you love me now?
Teen FictionA journey of self discovery and self love of someone who lost herself while trying not to lose someone in her life. Would she be able to recover?