I used to love writing. Writing poems, stories, writing about my emotions that I couldn't say to other people. I used to love what I have. My friends, families, myself. I used to love what I can do. My personality, and my ability to love and appreciate other people.
Until I loved him.
Until, lahat ng pagmamahal ko binuhos ko sa isang tao. I used to laugh and ignore when people say, "Huwag mong ibigay lahat sa isang tao. Magtira ka palagi para sa sarili mo." Because I personally think that's impossible. Hindi naman pwedeng magmahal ka nang sobra sobra, hindi ba? Tanga lang ang gagawa nu'n.
Eh isa pala ako sa mga tanga.
Love is too strong pala. Funny how it can make you the happiest but also can hurt you so much. Hanggang maubos ka.
"Ano 'yan? Nagsusulat ka na ulit ah. May bago ka nang motivation?" Si Yanny, kapatid ko.
Dumungaw siya sa laptop na nasa harapan ko at binasa ang mga tinype ko dun.
"Hala ang sad naman niyan, Ate" Sabi niya at bumusangot. "Kumusta ka na ba? Masakit pa rin ba?" Tanong niya, tonong nag-aalala.
"Ewan ko. Wala na akong maramdaman." I replied. Totoo naman, manhid na ako. Nakaka frustrate na nga kasi hindi ko na alam yung emotions ko.
Sinara ko ang laptop at tumayo na. Hinarap ko si Yanny na nakasimangot sa akin. "Ano? Gusto mo sa'yo na lang 'to?" Asar ko sa kanya, tinutukoy yung nararamdaman ko. She sighed. "Kung puwede lang nga Ate e." She said, staring right into my eyes. Like trying to really get my energy from me.
Umiling ako. "Baliw! Sa'kin na lang 'to, ano. Selfish ako." Biro ko sa kaniya.
Inirapan niya ako at umupo sa kama ko. "Ate, 5 years na lumipas. Siya pa rin talaga? Ang OA na n'yan 'te ah. Araw araw na ako nagdadasal na sana mauntog ka na at makapag move on na nang fully!" Sigaw niya sa akin.
Ramdam ko na rin ang frustration niya. Ako rin naman e, gustong gusto ko na makaahon sa sitwasyon na 'to. Pero ewan ko ba! Umuusad naman ako pero may kung anong humihila sa'kin pabalik sa umpisa e. Ang hirap.
"Nakamove on na yung tao, Ate. Ikakasal na nga e" She said, may diin yung huling sinabi.
Ayun.
Kami dapat yun e.
Napahawak ako sa study table ko nang mahigpit, dun kumukuha ng lakas kasi nanghihina na naman ako. Ramdam ko ang titig sa'kin ni Yanny. Bumaling ako sa kanya. She's giving me a "I know what you're thinking, stop it." Look.
I breathed out shakily. "Tama na nga. Hayaan mo na yun." Sabi ko at tinalikuran ko na s'ya, 'di na kaya ang tensyon sa paligid. Nanginginig pa ang tuhod ko nang humakbang ako paalis. Tangina naman, ganito pa rin epekto sa'kin.
Pagkasara ko ng pinto ng kwarto ko at sumalubong sa akin si Oriana, our dog. OUR dog. OUR baby.
Kinarga ko siya at pinugpog ng halik. Siya na lang ang natira sa'kin. Seeing her, makes me want to bawl my eyes out. She was with us while making our memories. She was our child.
5 years ago, we were here, snuggling each other. Me, Him and Oriana, chasing each other around the house. We say our I love you's and our promises. But it's all just memories now. It is just Me and Oriana now. No more him.
Nakakaubos magmahal. Pero ang nakakatuwa, kaya mo pa rin magbigay ng pagmamahal sa ibang tao. Sa pamilya ko, kay Oriana, at sa mga kaibigan ko. Yun nga lang, hirap na ako bigyan ng pagmamahal ang sarili ko. Pathetic.
Gusto kong magalit sa taong yun pero mas galit ako sa sarili ko kasi hinayaan kong abusuhin niya ako dahil alam niyang mahal na mahal ko siya.
Binaba ko si Oriana nang narinig kong may nag doorbell. Huminga ako nang malalim dahil biglang sumikip ang dibdib ko kanina.
Malapit na ako sa pintuan nang magsalita si Yanny, "Ate, baka ayan na yung food nag order ako e. Ikaw na muna magbayad. Gcash ko na lang sa'yo mamaya hehe." Inirapan ko siya at dumiretso na sa pinto.
Pagkabukas ko ay nanlamig ang buong katawan ko. 5 years ago nung huli ko siyang nakita. Wala pa rin siyang pinagbago, parang hindi siya tumanda.
Bumalik ako sa diwa ko nang tumahol si Oriana at tumakbo sa taong nasa harap ko ngayon.
Kinuha niya ito at niyakap.
"Anak, kumusta ka na?" Tanong niya sa aso.
Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. Gusto na namang lumabas ng mga luha ko. Di na naubos.
"Ate, ano? yung food ba 'yan?" Rinig kong tanong ni Yanny sa likod ko. Nag angat ng tingin ang taong nasa harap ko at nginitian si Yanny.
Natuod na ako dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko kasi alam kung anong ire-react ko. Hindi naging maganda yung last na interaction namin. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya.
"H-hala! Ate, papasukin mo." Sabi ni Yanny, natataranta. Napakurap kurap ako at nabalik sa ulirat. Binuksan ko nang malaki ang pinto at medyo tumabi para mabigyan siya na espasyo para makapasok.
"Magandang araw po, Ma'am! Pasensya na po kayo dito kay Ate ha? Nagulat lang po siya. Bakit po kayo napadalaw?" Si Yanny na ang kumausap sa matanda. Siya yung Nanay niya. Nanay ni Karter, ex ko.
Iginiya siya ni Yanny sa sala. Habang ako naman ay nakatunganga sa kanila, hindi alam ang gagawin. Kinailangan ko pang sampalin ang sarili ko para magising ako. Tangina Kelly! Get a hold of yourself. Para kang tanga e!
With the courage that I have gathered, I walked towards them. Binibigyan ni Yanny ng tubig ang matanda. Ako naman ay umupo sa harap niya.
Tinitigan niya ako. Mula ulo hanggang paa. I pressed my lips together. Feeling awkward. I cleared my throat and stared right through her. "Napadalaw ho kayo?" Tanong ko sa kanya.
"May ibibigay lang sana ako." Sabi niya. Hearing her voice brings back a lot of memories. Nanghihina na ako.
Bigla siyang may inilabas na sobre. Narinig ko ang singhap ni Yanny. Ako naman ay parang sinaksak ng libu-libong karayom ang puso sa sobrang kirot.
Tangina, is this even real?
"Karter and Gizelle are getting married." Basag ng matanda sa sandaling katahimikan. Natigilan ako. Hindi ko ma idescribe yung sakit na naramdaman ko. Siguro ganito ang pakiramdam na parang gumuho ang mundo.
Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako. Naramdaman ko si Yanny sa likod ko, hinawakan niya ang balikat ko.
"Ah Ma'am, hindi ho ba masyado naman po kayong insensitive sa ginawa niyo? Alam niyo naman po ang past ng anak niyo at ng Ate ko." Matapang na usal ni Yanny sa matanda.
Nakatulala lang ako sa sobre, hindi alam ang sasabihin. Ang daming gusto lumabas sa bibig ko pero nawalan ako ng gana magsalita.
Tita Alicia sighed, "I'm sorry. I thought you're over it since it's been 5 years already."
Nag angat ako ng tingin sa kanya. I saw how sympathetic she is with me. She was the sweetest person I've ever met. She treated me like I was her own child. Napamahal na ako sa kanila.
Tama nga naman, limang taon na ang nakalipas. Baka kailangan ko na talagang umusad. Dahil lahat nakausad na at ako na lang ang naiwan.
"P-pupunta po kami." Sa nanginginig na boses ay sinabi ko.
Agad na tumutol si Yanny.
"Ate ano ka ba! Ayos lang naman kung hindi na tayo pumunta. Alam ko naman maiintindihan nila. Tsaka hindi ko alam bakit kailangan pa tayo dun!" Reklamo niya.
Hinawakan ko and kamay niya sa balikat ko. I caressed it to assure her that it was okay.
"Iha, your sister's right. It was so sensitive of me to invite you pa sa wedding ng anak ko. I just thought since Karter is also your friend before, you should witness this special day of him. I'm sorry, anak. I did not think of what it would made you feel." She said and stood up to sat beside me.
She hugged me and there, I breakdown. I missed her. I miss how she comforts me like this.
I broke the hug and looked at her, "I will come, Tita." I said and smiled at her.
Maybe it's time to love myself now.
YOU ARE READING
Do you love me now?
Fiksi RemajaA journey of self discovery and self love of someone who lost herself while trying not to lose someone in her life. Would she be able to recover?