Chapter 2

2 0 0
                                    

———

Kinuwento ko kay Yanny ang nangyari at kanina pa siya tawa nang tawa. Lapitin daw ako ng mga baliw.

Well, baliw na pogi naman.

"Alam mo 'te, ingat ka sa mga ganiyan. Malay mo pinagti-tripan ka lang niyan. Pinagpupustahan ka ganun." She said and sipped on her orange juice.

Pagkatapos nung awkward scene na yun ay chinat ko siya at nag rant about sa mga nangyari.

Nandito kami ngayon sa isa sa mga bench ng school, dito kami madalas tumambay kapag parehas kaming walang ginagawa. Junior high palang si Yanny at ako naman ay Senior na.

"Kakabasa mo 'yan ng mga novel novel na 'yan!" Sabi ko sa kanya at binatukan siya.

Napa 'aray' siya at akmang gaganti dahil muntik na matapon yung juice niya pero pinanlakihan ko siya ng mata. Napairap na lang siya sa'kin.

"Hindi 'no! May nangyayari talagang ganun. Yung mga kaklase kong lalaki ganun sila." Sabi niya.

"Kaya ayoko sa mga lalaki na 'yan. Ang dami nilang time mag isip ng ganiyan pero 'pag magta-trato ng tama, 'di nila alam." She added and sipped on her juice again.

Natawa ako sa kanya. Ang lalim, kala mo may pinaghuhugutan talaga.

"Hindi ka lang trinato nang tama ni ano e." Asar ko pa sa kaniya.

Hinarap niya ako at hinawakan yung buhok ko, "Sige, ituloy mo." Sabi niya at tinutok sa'kin yung juice na iniinom niya.

Tinawanan ko siya at sinusubukang itutok yung juice sa mukha niya. Tawa na rin siya nang tawa sa pinaggagawa namin.

Nasa ganung posisyon kami nang biglang dumating si Mika.

"Huy mga impakta!" Sigaw niya sa'min.

Natigil kami sa tawanan ni Yanny at hinarap si Mika.

May atraso pa sa'king 'tong gaga na 'to.

"Dumating ka lang 'te, nag amoy imburnal na." Banat ni Yanny. Ganito 'tong dalawang 'to. Palaging nag aasaran.

"Gaga pagkarating ko dito, amoy imburnal na talaga. Baka sarili mo naaamoy mo." Ganti naman ni Mika.

Napabuntong hininga na lang ako. Napapalibutan ako ng mga baliw.

Umupo si Mika sa tabi ko.

"Ano, nag usap ba kayo?" Hinawakan niya pa ang braso ko.

"Ay, ikaw siguro leader nung mga baliw na yun 'no?" Inunahan ako umimik ni Yanny.

Baka mag walk out din ako dito. Nai-stress ako.

Mika put her finger on Yanny's lips, shushing her. "Hindi ikaw ang kausap ko, 'wag ka sumabat. Usapan 'to ng matatanda."

"Ano ba, tama na nga kayo." Saway ko sa kanila. Iritado na.

Umayos ng upo ang dalawa.

"Ano ba kasing sabi sa'yo ni Harvey?" Sa wakas, natanong ko rin.

Ngumiti muna nang sobrang laki si Mika bago umimik, "Ang sabi niya sa'kin, nagagandahan daw kasi siya sa'yo!" She giggled.

Lumapit pa nang bahagya sa'min si Yanny para makinig.

"Oh tapos?" Sabi ni Yanny.

"Ayun na nga, sabi ko sa kanya, bakit 'di niya lapitan ang Ate mo."

Ayun! Basta chismis, nagkakasundo 'tong dalawang 'to.

"Ang sabi niya sa'kin, nahihiya daw siya kasi nga mukha daw masungit 'tong si Nikki. Baka i-reject daw agad siya." Dugtong ni Mika.

Ire-reject ko talaga siya kasi para siyang baliw!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Do you love me now?Where stories live. Discover now