Chapter 5: Call sign

6 0 0
                                    

Xia's POV

"Walang kwenta yung exam! Chicken na chicken" sabi ni ivan habang kunyaring pinapag pagan yung damit niya

Psh. Yabang talaga nitong aso na to

"Yabang mo" sabi ko

"Haha. Baket? Nahirapan ka ba? Dapat sinabi mo saken para napakopya kita"

Inirapan ko nalang.

Katatapos lang namin mag entrance exam sa ateneo. Tama si ivan, madali nga lang yung exam. Naturo na kasi lahat yun samin ng nga daddy namen dahil mga business owners nga sila. Business Management kasi ang course na kinuha namen

"Kain tayo bes" ivan.

Bes?! Saang lupalop naman ng mundo niya nakuha yang callsign na yan?!

"Bes mo mukha mo"

"Baket? Ang astig kaya! Simula ngayon bes na itawag mo sakin ha!"

Psh. Baliw talaga

"Ayoko nga"

"Sa ayaw at sa gusto mo, bes ang cs naten!" Pangungulit niya

"Pano pag ayoko?"

"Libre kitang egg pie gusto mo?"

*O*

Alam na alam talaga nitong aso na to kung ano favorite ko!

"Ayan gusto ko sayo eh. Tara!"

-

"Miss isang box pa po ng egg pie,take out" sabi ni ivan sa cashier

^__________^

Chalap chalap!

Naka dalawang box na kami ng egg pie ni ivan! Haha ewan ko ba! Si ivan dalawang slice lang nakain tapos umay na daw siya. Ang sarap sarap kaya!

"Oh, eto na. Binilhan pa kita para may makakain ka mamaya pag uwi mo" sabi niya sabay lapag ng isang box ng egg pie aa harap ko

"Salamat, BES!" alam ko naman na ang tawagin ko siyang 'bes' ang kapalit ng lahat ng to no

Ngumiti naman siya ng pagka laki laki! Kita na gilagid psh

"Ayan! Haha edi ang cute na pakinggan bes"

I rolled my eyes. Pasalamat siya ang dami niyang biniling egg pie saken.

Ayoko kasi ng endearment at callsign na yan! Ang baduy para saken

"Tapos ka na ba kumain? Halika na, iuuwi na kita" sabi niya

"Uwi agad? Mall tayo bes. Samahan mo ko bibili akong gamit" wala pa kasi akong gagamiting bag at binder.

"Tara"

Sumakay na ko sa kotse niya. Hindi ko kasi dala kotse ko kasi sinundo niya ko sa condo kanina
-

Sa mall..

"Ang kyut nila oh!"
"Perfect couple! Ang cutee"

Sabi nung dalawang babae

"Mandiri nga kayo! Dito sa lalaking to na cucutan kayo? Yuck!" Pagbibiro ko saka tumawa ng malakas

Hahaha! Ewan ko ba kung bakit gwapong gwapo mga tao dito kay ivan! Eh kung naging lalaki ako, mas pogi at macho pa ko diyan eh

Tiningnan niya ko ng masama. Lalo naman akong natawa!

"Hahahaha! Sige titigil na ko pffft-"

"Bakit ba kung makatawa ka dyan wagas? Ikaw lang hindi na gwa gwapuhan saken"

Ang hangin whoo

"Lakas ng aircon" sarkastikong sabi ko

Pumasok na kami sa loob ng national bookstore. Bumili lang ako ng isang binder at isang signpen. Bumili rin ako ng bag sa parisian

"Ayos na ba? Uwi na tayo" sabi niya saka umakbay saken

"Gusto mo atang maputulan ng braso no?!"

"Hehe peace" saka niya tinanggal kamay niya sa balikat ko

"Hi po!" May lumapit na dalawang studyante samen

"Hi! Ang cu cute niyo naman" sabi ko. Mahilig talaga ko sa mg batang babae ^__^

"Hehe. Pwede po ba namin kayon picturan? Project po kasi namin to. Couple po kayo diba?"

-__________-

Mukha ba talaga kaming couple ng kumag na to?

"Ay haha. Iba nalang mga bata hindi kami couple eh mag bestfriend kame" paliwanag ni ivan

"Mukha ba kaming mag boyfriend? Sa mukha nitong kasama ko, malabo! Eh mukhang shokoy to eh, di ako papatol sa lamang dagat okay?" Pagbibiro ko. Napatawa naman ako sa sinabi ko haha

"Grabe naman po. Gwapo naman po si kuya eh, kaya nga po kayo ang napili namin na picturan. Hindi po magandang biro yun ate ganda" sabi nung bata

Tiningnan ko si ivan, seryoso siya. May nasabi ba kong mali? Nagbibiro lang naman ako eh

"Tara na" seryosong sabi niya saka naglakad palayo ng hindi man lang ako nililingon

"Uy!" Tawag ko. Di pa rin ako pinapansin

"Uy bes" kinakalabit ko na siya pero tuloy tuloy lang siya sa paglalakad

"Ivan!" Hindi ko namalayan andito na pala kami sa tapat ng kotse niy

"Ano ba yon?" Seryoso pa rin ang boses niya

"May nasabi ba kong mali? Galit ka ba? Nagbibiro lang naman ako eh" paliwanag ko

"Hindi ako nakikipag biruan sayo xia, pumasok ka na ihahatid na kita" sumunod ako at pumasok sa kotse

Walang nagsasalita sa amin. Hindi talaga niya ko kinikibo. Tss, ang arte! Nag bibiro lang naman ako eh

Bahala siya! Kung galit siya edi galit! Di siya marunong mag accept ng joke

Nakarating kami sa condo ko ng walang nagsasalita. Pagkahinto niya, bumaba na agad ako at hindi na nagsalita. Bahala siya

You Crazy Beautiful ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon