Chapter 4: Expired Lover

2 0 0
                                    

"Ano ba yon? Bakit ba hinatak mo ko palabas kanina?" Sabi kasi niya may mahalaga daw siyang sasabihin.

"Nakita ko ex mo"

O_______O

"e-ex ko?"

"Yup! Your ex!"

Wtf?! Akala ko nag migrate na yon sa europe?

"I-It cant be" it cant be talaga! Ilang years na kaming hindi nagkikita non.

He's Andrew Rafael. Yeah he's handsome, matalino din siya! At super kaduper crush ko siya dati. Like alam ko tuwing pag utot at pag hinga niya. Kung ano ginagawa niya minu minuto. I'm his stalker actually, before.

Naging kame for about 3 years at sa di ko malamang dahilan, lumipad siya papuntang europe sabi ng nanay niya. Wala akong kaalam alam non. Sabi ng mom niya pabayaan ko na daw siya and so I did, kasi akala ko siya mismo ang gagawa ng paraan para makausap ako. Pero months and years passed, walang andrew ang nagparamdam. I was so hopeless that time, yung gabi gabi nasa bar ako knowing na baka makalimutan ko siya. But then I realized na, kung wala edi wala. Gaya ng sabi ng lolo daddy ko noong nag lalaro kami ng kita, "kung lumipad na, di na mahahabol pa". At gaya kay drew, kung ayaw na wag ng habulin pa! Break na kami kahit walang formal break up ang naganap. Ikaw ba nama hindi kausapin ng ilang taon aasa ka pa bang kayo pa?

And that's what happened.

"Uy! Tulala ka dyan" pinitik ni ivan ilong ko

"Ano ba!" Hawi ko sa kamay niya

So nakita ni ivan ex ko? Wait. Teka! Pano nakilala ni ivan ex ko eh 3 months pa lang kaming magbestfriend niyan?! Ni wala mga kong na kukwento sakanyang andrew?

"Hoy lalake! Pano mo nakilala si drew ha?!"

"Aray ko naman xia! I have connections" maarteng banggit niya

Bwisit to! Siguro ineespiyahan ako ni ivan

"Hehe, di ka kasi nag ku kwento eh, na curious ako kaya nagtanong ako kay tito steve at ayun nag kwento naman siya"

Psh. Mas close pa ata si ivan at daddy kesa samin eh

I rolled my eyes at sumubo nalang sa ice cream ko.

"Hey xiamara"

O______O

Pamilyar ang boses na yun ah.

Siya lang ang tumatawag ng buo sa pangalan ko.

Ang boses na hindi ko narinig pa 3 years ago.

Si drew...

Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko.

O_______O

Nag smile siya saken. Gwapo pa rin siya, pero di na ko kinikilig.

"Remember me?" Tanong niya pa

Para akong pipi. Gusto ko siyang murahin dahil sa pag iwan saken pero bakit walang lumalabas sa bibig ko? Bvllshit!

"I missed you" sabi niya saka ako niyakap. Mas lalo namang nanigas ang lola niyo!

I missed him too. Pero galit ako

BOGSSSSHH

At dun ako nagising sa diwa ko. Sinuntok ni ivan si drew at napahiga ito sa sahig

"GAGO! Wag na wag mong hahawakan si xia!" Ivan.

Galit na galit siya. Actually hindi ko maintindihan kinikilos netong bestfriend ko eh. Wala naman siyang alam samin ni andrew pero parang alam niya lahat dahil sa way ng galit niya ngayon

"Sino ka ba ha?! Boyfriend ka ba? Eto ba ang pinalit mo saken xiamara?!" Sabi naman ni drew

"Bestfriend ko siya" Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pag aaway nila ako chill pa den. Parang lutang talaga ko ngayon

"Eh gago pala to eh! Your acting like a jealous baby pero bestfriend ka lang pala!" Sigaw ni drew kay ivan.

Inaaway ng ex mo ang bestfriend mo xia, wag kang tanga! Kilos!

Sabi naman ng konsensiya ko

Ano ba naman ito.

Inhale

Exhale

"STOP! Stop drew! Wag na wag mong sasaktan ang bestfriend ko! He's acting like a jealous baby huh? Ikaw, your acting like a douchebag! Your just my expired lover andrew, sorry" sabi ko saka hinatak si ivan palabas

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko para sagutin siya kanina.

"Dapat hindi mo yun ginawa! Dapat hinayaan mo kong bugbugin yung ex mo!" he said.

"Magtigil ka nga! Edi basag na sana yang mukha mo pag nagkataon! Karate kid yong gagong yune! Pwede ba magpasalamat ka nalang?!"

Inayos niya polo niya. "Oo na, salamat. At sorry kasi sinugod ko siya agad. Eh kasi naman niyakap ka niya eh!"

"Eh ano naman sayo?" Pang aasar ko

Bigla naman siyang namutla. Ang cute talaga ng bestfriend ko! Haha

"Halika na nga! Umuwi na tayo sa condo ko gamutin ko yang sugat mo"

-

Ivan's POV

Kanina, nagpaalam ako kay xia para bumili ng inumin. Mauuhawin kasi yun lalo na pag mainit.

Pumasok ako sa loob ng supermarket at kasabay ko sa pila yung ex niya. Alam ko yun yon! Pagkakilalang pagkakilala ko kay xia, nagtanong na agad ako kay tito steve na super close ko tungkol sakanya at ayun nga, nabanggit ni tito ang tungkol sa ex ni xia, si Andrew Rafael. Sinearch ko pangalan niya sa fb kaya alam ko na kung ano itsura niya. Hindi ko lang talaga napigilan sarili ko kanina dahil nakita ko kay tito steve kung gaano siya kagalit sa lalaking yun dahil sa pagiwan niya kay xia.

Si xia naman, kahit may pagka matapang yung babaeng yon, alam ko hindi ganon kadali sakanya ang pagkikita nila ng ex niya. Concern ako sa mukhang hito na yon dahil bestfriend ko siya

Kasalukuyang andito ako sa condo ni xia at ginagamot niya ang sugat ko habang pinagmamasdan ko siya. Ang ganda talaga! Pero walang malisya ha, kaibigan ko yan! Sigurado naman akong di ako maiinlove sa bestfriend ko eh, mas lalaki pa kaya yan magsalita saken! Ang hilig hilig magmura saka magsigaw, katapat lang naman niya ko. Pero that's what I like about her, napaka totoo niya sa sarili.

Actually ineexpect ko sakanya ay sopistikada at pala english pero hindi pala! Maling mali ako haha. Pero sobrang swerte ko at nagkaroon ako ng baliw na kaibigan katulad ni xia. She's really one of a kind

You Crazy Beautiful ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon