Time check
8pm
Argghh! 8pm na wala pa rin akong natatanggap na text kay ivan!
Ganon ba siya kagalit saken? Ang sensitive naman niya!
Nagbukas ako ng laptop ko at nag check ng fb
108 notifications 88 new messages 387 new friend requests
Nakakatamad naman magbasa ng notif at messages!
Nag scroll down nalang ako
Ivan Francisco
Jokes are half meant. I'm not sensitive, just offended.
1222 likes 67 comments
Omg! Ako ba tinutukoy niya dito?! Wala namang pangalan na binanggit pero feeling ko ako yun
Tiningnan ko yung chat box, online siya
Icha chat ko ba?
Na offend ko siya, malamang kasalanan ko!
Kasalanan niya! Ang OA niya masyado eh
Ayy! Bahala na nga!
Xiamara: Ivan
Sent!
Icha chat ko nalang.
Typing....
Ivan: Oh?
Xiamara: You mad?
Ivan: yes
O_____o
Galit nga! Nag off na ko sa facebook at laptop. Bahala siya! Siya na nga ang hindi maka appreciate ng joke, siya pa galit!
Humiga ako sa kama.
Pag ganitong oras, magkausap kami ni ivan sa telepono pero ngayon mag kaaway kame kaya walang telebabad ang magaganap. Matutulog nalang siguro ako
Ang aga pa pala para matulog ako. Psh
Bumaba ako sa kusina. May binili nga pala si ivan na egg pie, kakain nalang ako
"Ma'am may kailangan po ba kayo?" Tanong nung maid
"Kanawan mo nalang ako ng milk dalhin mo sa salas"
Mag mo movie marathon nalang siguro ako
Kriing!
Tinignan ko phone ko. Baka di ako natiis ni ivan haha!
Father Nature is calling....
-____-
Si daddy pala
"Dad, napatawag po kayo"
[Just checking anak. Kumain ka na ba? Pwede akong magpa deliver diyan ng pagkain]
"Kumain na po ako kanina, kasama ko si ivan"
[Ohh, good. So kamusta kayo ni ivan]
"What are you talking about dad?"
[Kayo na ba?]
"DADDY!!"
[Just kidding anak haha. Sige na, i'll hang up madami pa kong gagawin. Kumain ka then matulog ng maaga ha? Goodnight sweetie]
"Yah whatever daddy. Sige po, goodnight"
Si dad talaga masyadong botong boto kay ivan! Bestfriend ko kaya yun -_-