Prologue

13 1 0
                                    

"Meli! Be careful! Baka matumba ka!"

Tumatakbo siya papalapit sa akin. Bawat hakbang na ginagawa niya, ang ganda niyang pagmasdan. Mula umaga hanggang gabi, kahit sa kanya lang ako tumingin, hindi ako mag sasawa. Siya lang ang aking makita hindi na ako mag hahangad pa ng iba.

Malaking ngiti, nagniningning niyang nga mata habang papalapit sa akin, habang ang dalawang kamay ay nasa ere.

Pag kalapit niya sa akin, niyakap niya agad ang aking legs at pumantay naman ako sa kanya upang makita ang kanyang kagandahan.

"How are you Meli? " Nakangiting tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot.

Mahiyain siya sa umpisa ngunit kapag tumagal masasanay din siya sayo, kami na kahit matagal nang magkakilala, nahihiya pa din siya sa akin. Kapag may pinupuntahan ako sa isang lugar at tumagal ako doon.

Parang bumabalik kami sa stage na, i clo close mo ulit siya. Lalapit naman siya sayo at makikipag-usap kapag alam niyang nakilala kana niya noon at hindi lang nagkita ng sandaling panahon.

Matalino, mabait, makulit, at masiyahin ang aking masasabi sa batang ito

"Oh Em. Nanjan naka pala!" Sabi ni Alisha habang papalapit sa amin ni Meli. "Si Meli laging kang hinahanap niyan sa akin! Umiiyak kapag sinasabi kong nag trabaho ka o kaya may pinuntahan, sasabihin ko naman na babalik ka agad pero ayaw niyang maniwala. Nag-iinarte sakin ayaw kumain."

Pagsumbong sa akin ni Alisha. Sobrang lapit talaga ni Meli sa akin. Kahit saan ako pumunta naka buntot o nakasunod siya sa akin. Gusto niyang lagi ko siyang karga o kaya naman, dadalhin niya ako sa playroom niya at maglalaro kami. Halos lahat ata ng laruan niya nalaro na namin ng pauli-ulit.

"Meli is that true? " Tumango naman siya at yumuko. Itinaas ko naman ang kanyang ulo para makita ko siya. "Your giving Ali stress. Don't make her stress okay?" Tumango siya sa akin at nagbigay ng isang maliit na ngiti.

I smiled at her too. Inilabas ko naman sa aking likod ang dala-dala kong pasalubong para sa kanya. Lumaki ang ngiti niya at tila hindi niya makapaniwala sa kanyang nakikita. Isang kitchen set ang binili ko. Ganto ang gusto niya, ang luto lutuan o kaya mga baby alive.

Agad niyang kinuha sa akin ang larun at pumunta sa sala para buksan iyon. Pumunta naman ako sa kitchen para uminom ng tubig.

"Kumusta yun bakasyon mo sa Rome?" Tanong ni Alisha habang nag lalagay ako ng tubig sa akin baso. Naka upo naman siya sa counter habang pinapanonood ang kilos ko. Lumapit ako sa kanya at nilapag ang baso, pagkatapos kong uminom.

"Hindi naman bakasyon pinunta ko doon kundi trabaho." Sabi ko at umupo sa high chair na katapat ni Alisha. "Ang daming ginawa, wala na atang pwede mag pahinga kapag rush yun events."

"Pwede naman mag pahinga kahit saglit diba? " Tanong niya sa akin. Alam ko naman pero ang dami lang talagang ginagawa. "Importante pa din mag pahinga, kahit madaming ginagawa." At hinawakan niya ang kamay ko, hinawakan ko din ang kanyang kamay at ngumiti.

"Alam ko pero, sobrang full ng schedule ko. Hindi ko na nga kayo nakakabonding ng maliit na bata." I said at nag pout.

"Ano kaba! Ayos lang yun!" Sabi niya sa akin, may kasama pang paghampas sa braso ko. "Kahit kay Meli ka nalang bumawi, okay na ako. Lagi kang hinahanap. Miss na miss ka palagi."

Napatingin ako sa baba ng akin upuan dahil may biglang kumalabit sa akin, si Meli. Nakangiti ng matamis sa akin, habang nasa dalawang kamay ang laruan na bago kong bili sa kanya. Pahiwatig niya ito na gusto niyang makipag laro sa akin.

AwakeWhere stories live. Discover now